Mandy POV
Hanggang ngayon hindi pa din ako maka-get-over sa sinabi ni James kahapon. Ano bang nakain niya para um-aktong ganon?
Mabuti na lamang at dumating na ang katulong non para pagbuksan ang pinto. Hindi ko na siya sinagot. Mabilis akong lumabas ng kwarto niya.
Yung puso ko, hindi ko maipaliwanag ang klase ng pagtibok.
Hindi madaling magpatawad. Pagkatapos ng mga sakit na naranasan ko sa kanya? Pagkatapos ng mga sakit na pinaramdam niya? Pagkatapos ng ilang beses niyang pambabalewala sa nararamdaman ko? Ano? Gusto niya, papatawarin ko siya agad? Pwes hindi ganon kadali yun.
Kaya kung talagang sincere sya sa mga sinabi niya. Gagawa siya ng effort. Ipapakita niya at papatunayan niya thru actions ang mga sinabi niya. Hindi pwedeng sa lahat ng oras, babae ang lalapit sa lalaki.
All guys should learn from Mario Bros. No matter how far their princess is, they should go after her.
Huminga ako ng malalim. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, palaging mukha ni James ang rumirehistro. Kahit may galit akong nararamdaman para sa kaniya, hindi pa rin maipagkakailang siya ang lalaking makakapagpa-gaan ng loob ko.
Pero kung sa tingin niya, makukuha nya ulit ang tiwala ko? Nagkakamali siya. Maghirap ka James Abellano. Wag mong idaan ang lahat sa kalokohan. Tigilan mo muna ang pagiging jolly person mo. You should be serious this time kung gusto mo talagang maibalik yung dating tayo..
Isa pa. Naniniwala ako sa kasabihan na, if two people are meant to be together, eventually they'll find their way back.
-
"Ma'am nakahanda na po ang breakfast."
Sinalubong ako ng katulong nang pababa ako ng hagdan. Kailangan ko ng mag-breakfast. Maliligo pa ako at maghahanda para sa pagpasok sa school.
Demonyita man ako sa inyong tingin, nag-aaral naman akong mabuti. Pero subukan lang na banggain ako, baka makatanggap kayo ng pink card.
Oo! Bagong pauso ko yan. PINK CARD. Familiar ka ba sa Meteor Garden? Kung may red card si Dao ming zi, ako may pink card. At ang nakasulat, MESS WITH THE DEVIL, you'll be dead. Ayan. Kaya matakot na kayo.
Kagabi ko lang yan naisip eh. May mga bumabangga na kase saken sa school. Psh. Akala nila uurungan ko sila? Wew! Ako pa? Ang pambansang demonyita.
"Nasaan na yung pinaprint ko kagabi? Naayos nyo naba? Na-cut-out nyo na din?" Tanong ko sa katulong.
Nag-design ako kagabi sa laptop ko at inutusan ko ang katulong na i-print yun sa sticker paper. Tapos pinagupit ko na din. See? Ready ako. One negative word against me, dikit agad sa noo ng pink card. Haha. Well, let see.
"Opo ma'am. Natapos po namin. Heto po."