Chapter 7 ∞ Fallen

221K 3.1K 142
                                    


James POV

Nabubwisit na ako sa sarili ko.

Kakagising ko lang. Kanina diko kinaya si Mandy kaya natulog muna ako. Tutal mag-uusap naman sila ni Chelsea. Hindi ko maintindihan kung bakit hinalikan ko si Mandy kanina. Naiinis kasi ako. Nasabi ko ng I care for her, tapos nagsusungit pa din. Ewan ko ba, sa nag-aalala ako sa kaniya eh? Magagawa ko ba? Aish.

Tumayo na'ko saka bumaba na sa salas. Kinuha ko yung iphone ko na nakapatong sa center table.

2 message recieved

Tch. Sino naman 'to.

From: Bro

Bro mag-usap tayo. Lalaki sa lalaki.

-end-

  

Tch. Tungkol yan kay Yumi. Bati naman na sila eh. Pero gusto pa din nya ako makausap? Tch. Akala ba talaga nya, pinagtataksilan namin sya ni Yumi?

Malabo. Ngayon pa na kakaiba na ang nararamdaman ko sa MANDY-monyita na yon? Tiningnan ko pa isang message.

From: 09*********

Naiinis ako sayo!

-end-

Sino naman 'to? Naiinis daw sya sakin? Problema nito? Tch. Tinawagan ko nga.

[What?]

 

=_=

Kita mo ‘to, di pa man lang ako naghe-hello, may sagot na agad. Sa boses palang alam ko na. Paano naman nalaman nito number ko? Tch. Stalker. "Problema mo?"

 

[IKAW!]

Malasigaw talaga ‘tong babae ‘to! "Inaano kita?" Tanong ko. Ang init init ng dugo sakin.

[Ginugulo mo isip ko. Kainis ka!]

"Haha. Ginugulo ko na ba isipan mo? Patay na patay ka na nyan sa ka-gwapuhan ko?" Biro ko.

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon