Chapter 20 ∞ Gangster

177K 3K 576
                                    

Mandy POV

"Who the hell is that guy!?"

Anong sasabihin ko? Teka. Galit ako sa kanya. Bakit ako kakabahan. Ano naman kung makita niyang may kasama akong lalaki? Wala siyang pakialam. 

Walang anu-ano'y sumakay ako sa kotse nitong all-black-guy na'to. "Let's go."

"Hey. Sinabi ko bang sumakay ka sa kotse ko? Sinauli ko lang ang phone mo. Wala akong balak i-date ka dahil 'di kita ty--"

"I said let's go!" Sigaw ko. 

Agad naman siyang tumalima. Tiningnan ko pa si James na naiwang nakatanga ro'n. Serves him right. Hindi ko kailangang mag-alala kung anuman ang isipin niya. Magsama sila ng Ynna niya. 

"What was that? Who's that fvcking guy? He looks frustrated after seeing me." Sabi ni all-black-guy. 

"He's...uhg! Stop asking me." Pagtataray ko. 

"Hoy babae baka nakakalimutan mo, basta ka nalang sumakay sa kotse ko at inutusan mo pa akong paandarin 'to. Walang sinuman ang nakakapag-utos sa'kin."

Ang yabang talaga nito. "Sino ka ba talaga ha?" Tanong ko. Hanggang ngayon di ko pa siya kilala. 

"You really want to know who I am? Are you sure?"

Nakaka-confused lang talaga. Bakit ba parang hirap siyang ipakilala ang sarili niya? I know we're not that close pero wala naman sigurong masama kung magpakilala siya. Right? "Yeah."

"Okay then. First, I want you to know that I'm a gangster."

Pffffftt. "Hahahahahahahaha! You must be kidding me. Hahahahaaha." Diko mapigilan talaga matawa. Siya, gangster? Oh com'on! Hindi siya mukhang gangster. Mas mukha pa nga siyang artista. 

Uh-oh. I didn't said that. 

"What the hell are you laughing at!?"

Hala. Para na siyang monster. Pero di ako natatakot. Devil kaya ako. Psh! "It was really funny. Galing mong mag-joke promise! Hahaha." 

Sh*t di ko talaga mapigilan 'yung tawa ko. Siguro, he's trying to frightened me kaya niya sinasabing gangster sya. But it's a big NO. Hindi siya nakakatakot. Haha. 

"Damn it! I'm not kidding. Fvck! I'm a gangster and that's the fact!" Sigaw niya. Mukha na talaga siyang gangster. 

Maluha-luha na'ko kakatawa. "Then fine. You're a gangster. Then?" Natawa na naman ako. Ano ba 'yun. 

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon