Chapter 31 ∞ Unit

147K 2.8K 184
                                    

James POV

Tch. Bwisit. Kanina ko pa tinatawagan si Mandy pero hindi pa rin nya sinasagot. Ano bang problema nya? Nagtatampo ba sya dahil hindi natuloy ang date namin kanina? Hindi naman sa ayaw kong ituloy. Si Ynna kase..

*flashback*

"James, please dito ka lang muna.." Sabi ni Ynna. Nandito sya sa ospital. Mataas ang lagnat nya.

"May mahalaga akong gagawin. Kailangan ko munang umalis."

"No James. Nagmamakaawa ako. Kapag umalis ka, mag-isa na naman ako. Di naman ako inaasikaso ng maayos ng mga nurse. Ilang beses ko na yung naranasan.." She started to cry.

Maawain ako sa babae pero naiintindihan ko din naman sya. Wala syang bantay dito sa ospital.

"Babalik nalang ako mamaya."

"Wag James. Wag kang aali--ahh.."

"Ynna, okay kalang?"

"Medyo kumikirot lang ang braso ko dahil sa mga tinurok nila kanina."

Hay. Paano ko nga ba sya maiiwan? Tch. "Okay. Hindi ako aalis."

*end of flashback*

Nagalit tuloy si Mandy. Naiintindihan ko naman siya kaya nga eto ako parang tanga na naka-ilang beses ng tawag sa kanya pero hindi niya sinasagot.

Damn it. Nandito ako sa kotse ko. Kakagaling ko lang sa bar nii Ken pero wala si Mandy dun, wala din sya sa mansyon nila.

Saan ko ba sya hahanapin? Imposible namang sa mga mall. Gabi na. Tch. Babaeng yun talaga.


--

Mandy POV

Kinakabahan na ako. Itinigil na ni XKing ang kotse nya dito sa parking ng building kung saan may condo unit sya. Natatandaan ko 'to dahil sa condo nya ako dinala dati nung malasing din ako.

Bumaba ako ng kotse nya. "I need to go home!" Sigaw ko.

Hinablot nya ang braso ko. Saka hinila papasok ng building. Damn it. "Bitawan mo ako!"

Hindi nya pinansin ang pagsigaw ko. Asshole. Nag-aalala ako kay Yumiko, naiwan sya sa Spade Bar. Aish! Kasalanan mo lahat XKing kapag may nangyaring masama kay Yumiko.

Nakarating kami dito sa unit nya. Napaupo ako sa couch. Siya naman, hinubad ang suot na jacket.

"Dyan ka lang."

Huh? Tanga ba sya? Nakita ko syang pumunta sa may kusina.

Oh! I remember..

Tiningnan ko yung landline niya. Kailangan kong makatawag sa bahay para patawagin sila kay James.

Sumilip ulit ako kay XKing. Nakatalikod sya at medyo may harang kaya di masyadong kita. May niluluto yata sya.

Dahan-dahan kong inangat ang landline saka ako nag-dial.

[Aguilar residence. Sino po sila?]

"Mandy." Mahina lang yung boses ko.

[Ma'am Mandy? Pero bakit mahina po ang boses nyo? Na-kidnapped po ba kayo?"

=__=

"What?"

[He-he. Peace po Ma'am. Napanood ko lang sa TV, ganon. Bakit po pala kayo napatawag?]

"Go to my room. Nasa side table ang mobile phone ko. Tawagan mo si James then tell him, narito ako sa blah blah building. Room 22."

[Bakit hindi nalang po kayo ang tumawag?]

=_=

"Damn it! Andyan nga ang phone ko diba?"

[Ay sorry ma'am. Sige po]

*toot toot*

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon