James POV
Nasaan naba ang babaeng yun? Tch. Kanina ko pa sya inaabangan dito sa parking eh.
Usapan namin, sabay kaming uuwi. Ihahatid ko sya sa mansyon nila. Pero oras na ng uwian, wala pa din. Baka nakipag-away na naman yun o kaya may inaapi na naman sya. Babae talagang yun. Sino na naman kayang malas na nakatanggap ng pink card nya.
Aware nako sa pink card nya. Pauso talaga si Mandy eh. Idol siguro non ang F4. Nahiya pang gawing red ang papel. Langya. Ang yaman sa ink. Nagpaprint talaga sa sticker paper ng sandamakmak na pink card.
"James Abellano."
Natigil ako sa iniisip ko saka napalingon sa pinanggalingan ng boses na yun.
=_=
XKing Salvador. Tch. Asshole. "Problema mo?" Tanong ko.
Bakit ba ang dali dali para sa kanya ang makapasok dito sa SWU. Outsider sya ah! Dapat sinusumbong 'to sa president ng school eh.
Lumapit sya saken. "Waiting for Mandy huh?" Aniya.
"Ano naman sayo? At ikaw? Bakit ka nandito ha? Papa-cute kay Mandy?"
"Tch. Do I look like a puppy para magpa-cute?" Sarkastikong tanong nya.
"Medyo." Pabalang kong sagot.
Ngumisi sya ng nakakaloko. "Narito ako hindi para kay Mandy. Kundi para sayo. Hindi pa tayo tapos Abellano. Wag mong sabihing kapatid ka ni Lance. Hindi kita sasantuhin."
Yabang talaga ng ungas na to. "Oh anong gusto mong gawin ko?"
"Anong kaya mong gawin bukod sa manuntok ng hindi man lang ako nasaktan?"
=_=
Yabang talaga ng gago. Hindi ako warfreak eh. Malamang hindi ako ganon kagaling sumuntok. Tch. "Hinahamon mo ba ako?" Tanong ko.
"Parang ganon na nga. Bibigyan kita ng choice. Ikaw ang pumili tutal halos lahat ng pwedeng paglabanan, alam ko."
=_=
Ge perpekto ka ng gunggong ka! Nag-isip ako. "Anong sense ba ng paghahamon mo?"
"Kapag nanalo ka, ligtas ka. Pero pag natalo kita, re-resbakan ka ng XBang dahil sa ginawa mong pagsugod ng basta basta sa condo ko. Trespassing yun. Fvck you."
"Fvck you din. Yun lang ba? Ge. Gusto mo car racing? Tutal hindi ako pwedeng makipaglaban sayo ng bugbugan dahil lugi ako. Gangster ka, gwapo ako." Wahahaha!
Ngumisi ulit sya. "Kung sa pa-gwapuhan lang, mas lamang pa rin ako. Dahil dito." Itinaas nya ang black nyang tshirt at tumambad ang kanyang...
=___=
Tangnang gagong 'to. "Edi ikaw na ang may ABS! Pag ako nagka-ABS, makikita mo Kingkong, baka mapasabi kang, 'james pahawak ng abs!' Hahahah!"
"Don't call me in that fvcking name. Damn that Kingkong. Tch. Masyado kang mayabang Abellano. Bago ka pa magka-6 pack ABS, 8-pack na ang saken. Kaya wag ka ng maghangad pa. Mukha ka ngang lambutin sa katawan mo. Sa tingin mo mapagtatanggol mo si Mandy ng ganyan? I pity her."
"Gago ka ah! Insulto pa ha! Ha! Tch. "Hindi porket wala akong ABS, hindi ko na kayang ipagtanggol si Mandy. Ulul!"
"What was that?"
Busted. Ayan na ang mataray na babaeng minamahal ko. Nakapameywang na palipat-lipat ang tingin samen nitong kingkong nato.
"Hey Miss devil. Got to go. Abellano, tomorrow night. I'll text you the adress." Sabi ni XKing saka sumakay na ng kotse nya.