Mandy POV
We're on our way...? Saan nga ba? Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni James basta isinakay niya ako kanina dito sa kotse nya pagkatapos naming kumain sa korean restaurant kung saan hinalikan nya ako.
Nakakahiya! Hindi pa din ako makaget-over sa kiss na yun. Nagtinginan pa ang mga kumakain do'n samin. Sigure, they wonder kung bakit ako hinalikan ni James. Akala siguro nila kakilig-kilig yun. Psh!
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko saka tumingin sa kaniya.
Nanatili siyang nakatingin sa daan. Nagmamaneho kase siya. "Condo ko."
O_O
Ugh. "No. Dalhin mo na ako sa lahat ng lugar, wag lang sa condo mo." Tanggi ko. Ayoko ngang makita ang Mama niya.
"Kahit sa....motel?"
O_____O
"Ang bastos mo talaga! Aaaaissshhh!" Pinaghahampas ko siya.
*scccreeeccchhhh*
"Langya naman. Nagbibiro lang ako Mandy! Tch. Muntik na taong ma-aksidente eh!" Reklamo niya. Nai-preno nya kase ang kotse dahil sa paghampas ko sa kanya. Ikaw ba naman sabihan ng dadalhin ka sa motel.
"Kahit na biro lang yun, bastos pa din! Psh. Kahit kelan ka talaga James Abellano!"
Muli niyang pinaandar ang kotse. "Oh, ano nga. Bakit ba ayaw mo sa condo ko?"
"Ayokong makita ang Mama mo."
"Tch. Wala si Mama. Nagsa-shopping. Tumawag saken kanina. Maso-solo mo ako kaya 'wag kang mag-alala."
=__=
"Kapal mo talaga! Psh."
"What?! Kunwari ka pa. Eh gigil na gigil ka na nga sa'ken. Gustung-gusto mo ako ma-solo talaga kaya ayaw mong nasa condo ko si Mama. Mandy ko talaga, nabitin ka ba sa kiss ko kanina?"
=____=
"Ang feeler mo James Patrick Abellano."
"Kailangan talaga buuin pangalan ko, Mandy Aguilar Abellano?"
"ANO?!"
"Wala!" Nakabusangot ang mukha niya. Itsura ni James.
Tumahimik na ako. Kahit papaano, may awkwardness pa din akong nararamdaman sa kanya.
"Nga pala, Mandy. Sunduin kita bukas ng gabi sa mansyon nyo. Pa-ganda ka ha?"
Kumunot yung noo ko. "Oh, anong meron?"
Nag-poker-face sya saka itinigil ang kotse nya sa gilid ng daan.
Yung totoo? Makakarating pa ba kami sa pupuntahan namin? Kanina pa kami patigil-tigil.
"Di mo alam?"
Nag-isip ako ng pahapyaw. Teka, ano bang meron? Hindi naman siguro graduation? Oh ano.. "Hindi eh." Suko na akong mag-isip.
"Tch. Mahalaga ba ako sa'yo Mandy?"
Dug, dug..
Dug, dug..Ano ba namang tanong yan. "B-Bakit mo tinatanong?"
"Just answer me. Mahalaga ba ako sa'yo?"
"Bakit nga? Anong kinalaman niyan sa kung anong meron bukas?"
"Tch. Hindi mo talaga alam?"
"Ang kulit. Tatanungin ko ba kung alam ko?"
Inirapan nya ako saka muli nyang pinaandar ang kotse. Problema ng lalaking 'to? Ano nga ba kaseng meron bukas? Ba't hindi nalang niya sabihin? Arte. Kalalaking tao, pairap-irap pa. Aish!