Chapter 17 ∞ Favor

193K 2.8K 832
                                    

Mandy POV

 

Nagmamaneho nako ng kotse ko. Kung kanina nag-e-emote ako dahil kay James. Ngayon, nakakunot ang noo ko dahil sa lalaking basta na lamang ako hinalikan kapalit raw ng hindi ko pagso-sorry kanina? The hell! Sino ba yung lalaking yun?

Humanda sya sa'kin 'pag nakita ko sya ulit. Naku, naku. Sisiguraduhin kong luluhod sya sa harap ko dahil sa ginawa nya. Psh!

I'm driving my way to bar. As always. Alak naman ang lagi kong karamay ngayon. Sino pa bang aasahan ko? Eh wala na namang ibang nagmamahal sakin.

</3

Pero wala naman sa'kin yun. Para namang di pa ako nasanay na palagi akong fail. Fail sa pamilya. Fail kay Kyle dati. Tapos ngayon, fail kay James.

Pero sabi nga nila, failure brings two choices, get bitter or get better. I definitely choose to get better. Bakit ko naman kakailanganing maging bitter? Pagbuhulin ko pa ang bituka nina James at Ynna eh. Psh. From now on, hindi na tutulo ang luha ko nang dahil kay James. Wala na. I'm over with him.

"Whoah. The sexy lady is walking towards us." Sigaw ni Ken. As usual, bolero. Playboy eh. Nasobrahan pa nga.

Nasa isang table pala sila nina Luke, Jerome at Oliver.

"Wazzup Mandy! Kumusta naman kayo ni Papa James?" Tanong ni Oliver. Nagbakla-baklaan pa.

=_=

 

"Papa James? Kelan mo pa siya naging ama? Psh. Don't talk me or else I will slap you."

"AWWW! Sungit naman. Mukhang sawi tayo ah!" Sabi naman ni Jerome.

"Shut up!" Sigaw ko. "Dyan na kayo. Kapag nakikita ko kayo, naiirita ako dahil magkaka-mukha kayo. Psh!" Sabi ko saka sila tinalikuran. Ewan ko ba pero lakas ng topak ko ngayon.

"Aray naman! Ang layo naman ng itsura ko sa Jerome na'to!" Sigaw ni Luke.

"Hoy! Gago ka ba Luke! Sino bang gugustuhing maging makukha ka? Mukha kang tingting na pinagsawaan ng gamitin na iwalis eh!" Sabi naman ni Jerome.

"Manahimik kayong dalawa. Sa ating tatlo, ako ang pinaka-lugi kung sasabihing kamukha ko kayo. Tch. Nakaka-swerte naman kayo. Nahawa pa kayo sa ka-gwapuhan ko." Si Oliver naman.

Oh my God. Ganyan pala talaga sila ka-ingay? Rinig na rinig boses nila eh. Ang lalakas pa ng hangin sa katawan. Psh.

Naupo ako dito sa bar counter at humingi ng alak sa bartender. Agad ko iyong tinungga. I'm sad. Yes. But I don't want to cry again. Tama na yun. Ayoko ng isipin pa si James. Ang dami daming lalaking nagkakandarapang mapansin ng isang Mandy Aguilar kaya hindi ko na pag-aaksayahan pa ng oras si James.

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon