The Start

53.6K 1.3K 102
                                    

Tatlo...Apat...Lima...Walong minuto, hindi ko alam. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakalublob dito sa pool ng aking eskwelahan. Yes. Nakakatagal ako ng ganun katagal sa ilalim ng tubig, at ang tanging dahilan lamang na alam ko kung bakit ay dahil sa mahilig ako sa tubig. Nagkakaroon ako ng kapayapaan sa kalooban tuwing nasa ilalim ako ng tubig.

Simula bata pa lamang ako ay naaliw na ako sa tubig, and that started my career in swimming. Nag simula akong lumangoy noong 6 years old pa lamang ako, hanggang sa nag tuloy tuloy at na enhance.

"Thea! Umahon ka na diyan! Minulat ko ang aking mga mata nang marinig ang boses ng aking kaibigan na si Maxeen. Agad akong lumangoy paakyat at sumalubong saakin ang nakangising mukha ng aking bestfriend.

"Alam mo konti nalang pagagawan na kita ng bahay sa ilalim ng mga swimming pool."

"I'll be glad kapag nagawa mo iyon!" Ani ko sabay dampot ng tuwalya ko na nasa kamay niya. Tumawa lamang ito at sinundan ako saaking locker room.

"Hi thea."

"Uy Sandoval, Congrats!"

"Ang ganda ng pinakita mong laban kahapon Thea!"

"Expected na namin na mananalo ka kahapon Thea!"

Tanging ngiti at pag tango na lamang ang ginaganti ko sa mga taong nakakasalubong ko. I don't know them but I know for sure that they know me.

Nakilala ako sa eskwelahan nato nang dahil sa larangan ng swimming. Pangatlong taon na namin tong pagkapanalo sa swimming competition, and that was all because of me. Althea Sandoval, the Queen Mermaid.

Corny. I know. Pero nagulat nalang ako isang araw ay may nakapaskil na sa 'What's Hot' board na tumutukoy saakin ang pangalan na iyan. Wala naman akong magagawa kaya naman tinaggap ko nalang din. And believe me, I don't care about the medals or the prizes. At first oo, pero habang tumatagal, ang tanging dahilan lamang kung bakit ako sumasali sa mga ganyan dahil gusto kong nasa ilalim ako ng tubig. That's all.

"Miss Sandoval. Congratulations for winning your third gold medal." Si Ms. Ferner. Ang teacher ko sa Science.
Dumiretso ako saaking upuan at hinarap siya.

"Thankyou miss." I said then smiled. Tumango lamang ito saakin at nag simula sa diskusyon.

Napatingin ako sa labas ng bintana, nakatingin lamang ako dun at inaantay ang pag dalaw saakin ng antok. Another thing na nabebenefit ko sa pag sswimming ay may mga bagay na nacocontrol ko. And that includes me, sleeping at anytime that I want.

Unang hikab. At alam kong ilang minuto ay makakatulog na ako.

"Swim althea..swim.."

"I'll see you soon."

"I miss you my child."

Napabalikwas ako saaking pagkakalublob sa desk at hinihingal na napaupo.

Again.

Napahilamos ako saaking palad nang marinig nanaman ang boses ng aking mama. At the age of seven ay iniwan na ako ng nanay ko, and that left me with my aunt. Mabait ang auntie ko at lagi niyang sinisigurado na maayos ang kalagayan ko. That's why I'm already contented with my life.

But her voice. Parang hindi siya patay, parang nasa paligid ko lamang siya at malapit saakin.

"Hoy Thea! Tulog ka ng tulog di mo na nakuha tong waiver mo!" Nag angat ako ng tingin kay Maxeen na may linalahad saaking papel.

"Ano nanaman to?"

"Papel. Gaga." Ani nito at linagay sa desk ko ang papel, dinampot ko iyon at tinignan siya ng 'ayusin-mo-look'. "Hay nako! Ang hirap maging manager at the same time bestfriend mo ha! Anyways, so yun nga. Meron tayong Field trip bukas. Sa isang Resort. At oo, yun ang pinili nilang lugar para na rin daw sa event na iaalay sayo ng dean." Ani nito at nginisian ako.

Napailing naman ako at agad na inayos ang aking mga gamit.

"They don't have to do this." Saad ko.

"They have to Althea! After everything that you've done for this school. Dapat lang na bigyan ka nila ng ganyang recognition." Maxeen said then crossed her arms.

"They already acknowledged me Max." Muli kong ani at sinukbit na sa braso ko ang aking bag.

"Whatever thea. Basta papirmahan mo na yan kay auntie at aantayin kita rito sa school bukas!" Dinampot niya rin ang kanyang bag at sinukbit sakanyang balikat. Napailing na lamang ako rito at sabay kaming lumabas ng classroom at umuwi.

"Hi auntie."

"Thea!" Agad na lumapit saakin si auntie at mahigpit akong yinakap. Naweweirduhan man ay hindi nalang ako nag salita o nag react.

Kumawala ito sa yakap at matamis akong nginitian.

"Halika na at kumain ka, napag handa na kita ng hapunan. Sabay na tayo." Tumango ako rito at diretsong nag tungo sa dining area.

"Kamusta ang eskwela?"

"Fine. Normal." I answered. Pinuno ko ng kanin at ulam ang bibig ko habang nag tatanong pa ng kung ano ano si Auntie. Our usual routine. Except the hug, which is kinda weird.

"Did someone bothered you?" Napa angat ako ng tingin kay Auntie at napa kunot ang noo.

"Hmm. Wala naman po. Why?" Nakita ko ang pagkaluwag ng kanyang hininga at nanumbalik ang kanyang ngiti.

"Nothing. Just making sure." Napatango na lamang ako rito at nanatiling kumakain. The best talaga ang mga lutong bahay!

"May field trip ka bukas hindi ba?" Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay auntie.

"How did you know?" Natigilan din si auntie at hinagilap ang kanyang sasabihin.

"Well uhmm. I heard it from your dean. Kaya ayun, alam kong aalis ka na bukas." Saglit na may dumapong lungkot sa mata ni auntie ngunit agad ding nawala iyon. I must admit, ang weird ng atmosphere sa pagitan namin ngayon.

Binalewala ko na lamang iyon at sinabi sakanya ang nga details ng gaganaping field trip namin bukas. Three days iyon kaya naman masasaya ang buong community lalo na't sa resort pa iyon gaganapin.

Paakyat na ako saaking kwarto nang pigilan ako ni auntie.

"Take care althea. I will miss you." Ani nito at yinakap ako. Napa bunting hininga na lang ako at ginantihan ang kanyang yakap.

"Tatlong araw lang iyon auntie. I'll see you again soon." Saad ko at kumals na sa yakap. Nginitian ako ni auntie ngunit may lungkot pa rin sakanyang mga mata. Nginitian ko na lamang siya at diretsong nag tungo saaking kwarto.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon