Chapter 1: Weirdo

25.7K 928 58
                                    

"Thea, pwede bang magpa picture?" Napalingon ako sa nag salita at bumungad saakin ang isang lower level na may hawak hawak na digi cam. As if I have a choice.

Tumango na lamang ako rito at agad naman siyang tumabi saakin. Tipid akong ngumiti at agad ding lumayo pagkatapos.

"Thankyou Thea! You're my idol!" Rinig ko pang saad nung lower level. Hindi ko na lamang ito pinansin at diretsong nag tungo sa bus na sasakyan namin.

Napa buntong hininga ako nang makaramdam ng antok. Minsan talaga dadating ka sa punto ng buhay mo na gusto mo nalang matulog palagi.

Umakyat ako sa bus at diretsong nag tungo sa gitnang bahagi nito, linagay ko sa itaas ang aking mga gamit at pabagsak na naupo sa kaliwang bahagi ng bus, window side.

"The great Queen Mermaid!" Napa angat ako ng tingin sa nag salita, it was Lala. Your typical insecure bitchy brat in you school. Napairap nalang ako at binaling ang tingin sa bintana.

"Tss. You're acting as if you're some kind of celebrity. Eh ang katunayan lang naman eh puro langoy lang naman ang ginagawa mo! What's so special Sandoval?" Beware kids. Ito ang nagagawa ng inggit sa tao.

"How bout you Lala? Anong naiambag mo sa School? Oh wait. I know." Ani ko at kunwareng may natuklasan. "Mas dinagdagan mo ang mga basurang pakalat kalat sa School. Since wala ka namang magawa, bakit di mo nalang itapon yung sarili mo sa kung saan?" Nginisian ko ito na halata namang mas lalong nakapag init ng dugo niya.

Mabait ako sa mabait. Maldita sa Maldita. Hindi ako yung tipo ng tao na mahaba ang pasensya, ang pinaka ayaw ko ay ang kinakalaban ako.

"You bi--"

"Hep hep. Miss Lala, aandar na ang bus baka gusto mong bumalik sa upuan mo." Napatingin ako sa likuran nito at bumungad si Maxeen. She's late. As always.

Hindi na nakapag salita si Lala at diretso nang pumunta sakanyang upuan.

"What was that?" Maxeen asked which I answered with just a shrug.

Kinuha ko ang aking earphones at nagpatugtog nalang ng kahit na ano. Peace, at last.


"Okay everyone! Dapat lagi niyong kasama ang buddy niyo kapag may pupuntahan kayo. At exactly 10am babalik kayo sa kanya kanyang bus para dumiretso na sa ating destination. Is that clear?" Sabay sabay namang sumagot ang mga estudyante sa anunsyo ng aming dean. Nagkanya kanya na ang lahat at nagsipuntahan na kung saan saan.

Nag stop over muna kami sa isang store kung saan meron itong mga kainan at nabibilhan ng mga souvenirs.

And Maxeen and I are on our way to restroom.

These past few days, naweweirduhan talaga ako sa sarili ko. Yes I'm quiet at times but mostly I'm energetic. Nagkakaroon na ata ako ng moodswing, ewan. Sigh.

"Shet lalabas na yung ihi ko!" Maxeen announced, napa rolyo nalang ako ng aking mga mata at hindi na siya pinansin. Pumasok siya sa isang cubicle habang naiwan ako sa harap ng mga salawin.

Linabas ko ang aking lipgloss at dinampian ang aking labi. Hmm. Strawberry.

Nakatitig lamang ako sa salamin habang sinusuklay ko ang aking kulay itim at hanggang bewang na buhok. Straight na straight iyon at nasabi saakin ni Auntie na namana ko iyon kay Mama. Napatingin ako sa sarili kong mga mata.

They're color blue. And no, wala akong lahi. Hindi rin nasagot ni Auntie kung bakit kulay dagat ang aking mga mata.

"Grabe! Nasobrahan ata ako sa tubig non stop tong ihi ko!" Maxeen exclaimed.

Napakunot ang aking noo nang mapatitig ako sa salamin na tinitignan ko.

What...

Kinusot ko ang aking mga mata nang makita kong may gumagalaw na tubig sa salamin. Shit!

Am I hallucinating or what?!

Mas linapit ko pa ang mata ko sa salamin ngunit ganun pa rin ang naroon.

Welcome.

Ito ang nakasulat sa salamin na tila ba ginamitan ng tubig para mabuo. Laglag panga ko iyong tinitignan at hindi makapaniwala. Freak! What the heck?!

Blag!

Napatalon ako nang biglang bumukas ang pintuan ng cubicle ni Maxeen. Hinihingal akong sapo sapo ang aking dibdib. Kinunutan ako ng noo ni Maxeen na tila ba ang weirdo ko sa paningin niya.

"Alam mo Thea,nasobrahan ka na ata sa tubig ng pool diyan sa ulo mo. Ang weirdo mo ha!"

"Sino ba namang di magugulat sa pag dabog mo ng pintuan ha Ramirez?" Balik ani ko rito na inirapan lamang niya.

"Halika na nga! Baka kung ano pa ang makita mo eh." Sabi nito at nauna nang lumabas ng restroom.

Muli kong liningon ang salamin at nakitang wala na dun ang nakasulat. Nag angat ako ng tingin at agad na nahagip ng mga mata ko ang isang itim na anino.

Pinanliitan ko ng mga mata iyon ngunit agad ding nawala. Okay what the hell. This place is hunted!

Mabilis akong lumabas ng restroom habang hinihingal pa rin. The water on the mirror, the shadow, the whispers in my ear! Kahit hindi ko isipin ay maski ako pati sa sarili ko, ako ay naweweirduhan!!

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon