Chapter 10: Warning

13.1K 574 5
                                    

Thankyou for adding my story to your Reading List. Comments are highly appreciated! Thankyou :))

--

Halos lahat ng madaanan namin ay nakatingin saaming direksyon. Madali kaming lumabas ng Tech Station nang makita namin ang sitwasyon ni Auntie saaming bahay.

Nang madaanan namin sila Myron ay walang nag salita sakanila bagkus ay sumunod na lamang sila.

My hands are shaking. My mind isn't functioning really well right now. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

Ilang pasikot sikot pa ang nadaanan namin nang marating namin ang isang malaking puno sa mag kabilang gilid. Sa tantya ko ay may apat na tao ang nag babantay sa isang malaking kahoy na gate.

"Let us out Jason. Emergency!" Hingal na ani ni Maxeen. Isa isa kaming tinignan nung Jason atsaka ko lang napagtanto na siya yung pang apat na anak ni Aries na kumalaban saakin.

"That's against the Castra's policy Maxeen. Alam mo yan. Mabuti pa'y bumalik na kayo roon at antayin nalang ang pag babalik ng mga Guardians." Ani pa nito. Parang may gatilyong kumalabit saakin kaya naman ako ang humarap dito.

"Get out of our way. We need to get out." Malamig kong ani rito. Nginisian ako nito na nagpa kuyom ng aking kamao.

"Sabi ko--"

"Get out of their way Jason!" Napalingon kami sa nag salita at sumalubong saamin si Cooper na matalim ang tingin sakanyang kapatid.

Nag tagisan pa ang dalawa ng tingin ngunit sa huli ay wala ring nagawa ang pang apat.

Napailing lamang ito at sinenyasan ang mga kasama niya para buksan ang gate. Nang mabuksan ay muling tumakbo si Maxeen na agad ko namang sinundan.

Ang tanging nasa isipan ko lamang ay isang bagay.

Please don't hurt my Auntie. Please don't let anyone hurt her.

Natigilan ako nang mahinto kami sa harap ng isang helicopter.

Don't tell me?

"Get in. Now!" Utos ni Myron na sinunod ko naman. Dumiretso kaming tatlo sa likod while Ansley and Myron operates the helicopter.

Hindi na ako nagkaroon ng oras para mamangha sa skills ng dalawa dahil ang tanging nasa isipan ko lamang ay ang Auntie ko. Napatingin ako sa labas at kahit gusto ko man damahin at i-appreciate ang tanawin ay hindi ko nagawa. I am too nervous. I can't even think straight.

I remember the look on my aunt's face before we left the station. Takot na takot ito at makikita mong wala talaga itong kalaban laban sa mga lalaking nakita ko sa loob ng bahay namin.

I just really pray that nothing have happened to her.

Kinse minutos lang ang tinagal namin at agad na nakalapag kami sa....taas ng aming school. Napalinga linga ako at agad ding bumaba. May iilang pinindot lamang sina ansley at Myron at sumunod na rin saamin. I just hope that wala nang tao dito sa building na ito kundi ay maririnig nila na may lumapag na helicopter sa itaas nila.

"Dito. Short cut!" Ani ni Maxeen. Patuloy ako sa pag sunod sakanya. Ito ang unang pagkakataon na nalaman kong may short cut pala sa school namin.

Pumasok kami sa isang eskenita. Ilang minuto ang itinakbo namin at nang makalabas kami ay kanto na agad namin ang sumalubong saamin.

I felt relieved dahil mabilis naming narating ang aming bahay.

"Auntie!" I shouted. Walang ano ano kong binuksan ang aming gate at nag diretso sa loob.

Nanlaki ang aking mga mata nang madatnan ko ang tatlong lalaking nakaitim at ang aking auntie saaming salas. Walang makikita sa mga lalaki kundi ang mga makukulay nilang mga mata. By the looks of it, para silang Moiety.

"Let her go!" Ani ni Maxeen sa lalaking nakasakal kay tita. May hawak itong espada at kitang kita ko ang walang emosyong mga mata nito.

"Please don't do this." I begged.

"T-thea." Hirap na sambit ng aking auntie. Nakahawak siya sa braso nung taong nakasakal sakanya at kitang kita ko kung gaano na ito nahihirapan. Maputla ang mukha nito ngunit kitang kita ko ang pag kislap ng mga mata niya ng mag tagpo ang aming mga tingin.

"You came." Ani nung lalaking nasa gitna. Prenteng naka tayo lamang ito at mahahalata mo sa lalaking ito na wala siyang pake sa mundong ito.

"Ano bang kailangan niyo? We'll give you everything...just-just please....let go of her!" Saad ko. Hindi ko na napigilan ang aking mga luhang kumawala saaking mga mata.

Please...not her. Not my Auntie. Siya nalang ang natitira saakin.

"I-it's ok-kay t-thea." Binalik ko ang tingin kay auntie at sumilay ang tipid na ngiti sakanyang mga labi.

"This is just a warning." Ani nung lalaki at...

"NO!!"

Nanlaki ang aking mga mata ng gilitan ng lalaking nasa gitna si Auntie sakanyang leeg. Kitang kita ko kung paano lumandas ang espada sa balat ni Auntie.

Napaupo ako sa lapag habang patuloy na lumalabas saaking mga mata ang aking luha. Hindi na alintana saakin ang pag sugod nila myron sa tatlong lalaking naka itim.

I was left there. Staring on my Auntie's now dead body.

Namanhid ang aking buong katawan. Wala akong gustong gawin. Nararamdaman ko ang kirot na gumagapang saaking dibdib. Wala..wala nang buhay si Auntie. Hindi na siya gumagalaw.

Nakadilat ang mga mata ni Auntie habang may umaagos na dugo sakanyang katawan.

No!

What have they done?

Bakit?

Anong kasalanan ni Auntie?! Anong kasalanan namin?!

Bakit nila ginawa ito sa inosenteng tao? Of all people bakit si Auntie pa?! Bakit?!

"Althea let's go." Ani ni maxeen.

"No! No! Don't freaking touch me! Hindi ko iiwan si Auntie dito!" I shouted.

"Dadating na ang mga pulis kailangan na nating umalis!" Sigaw ni sunny ngunit hindi ako nagpa tinag. Gumapang ako papunta sa katawan ni auntie habang humihikbi, tinakpan ko ng aking palad ang kanyang mga mata, unti unti ko iyong ibinaba at nang tanggalin ko ay tuluyan nang nakapikit si Auntie.

Mas lalong lumakas ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. Tinanggal ko ang mga takas na buhok na nasa mukha ni auntie. She's bathing with her own blood and I can't take it.

This is a nightmare. A nightmare that I wished that never happened.

"Kunin niyo na siya Ansley!" Ang huling sigaw na narinig ko mula saaking mga kaibigan bago ako mawalan ng malay.

"Auntie!" Hinihingal akong napa bangon saaking higaan. Napatingin ako sa paligid at naging pamilyar saakin ang mga nakikita.

I'm in my roon in Castra Signum.

Wait?...

Panaginip lang ba iyon?

Please tell me it's just a nightmare.

Bumukas ang pinto at linuwa nito si Maxeen. Malumanay ang mga mata nito habang nakatingin saakin. Nag iwas ako ng tingin at naramdaman ko nalang ang mainit na luhang awtomatikong lumabas mula saaking mga mata.

"I had a nightmare Max." Panimula ko habang nakatingin sa kalawakan ng dagat. Garalgal ang aking boses dahil sa pag iyak.

"Thea." Sa boses nito ay halata ko ang pag pipigil niya ng kanyang iyak.

"Si auntie daw..." I can't finish my sentence. Naramdaman ko nalang ang pag yakap ni Maxeen saakin at right on cue, mas lalong lumakas ang aking iyak. Kumawala ang mga hikbi na pinipigilan ni Maxeen habang yakap yakap ako. Ang tanging nagawa ko lamang ay sambitin ang pangalan ni Auntie habang dinadama ang sakit at pagka ulila na nararamdaman ng buong pagkatao ko.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon