Chapter 15: Sanchez University

13.1K 449 11
                                    

"Shocks! I just can't believe it na lalabas na ako ng Castra after how many years!! I'm so excited like we should go out now as in!"

Pabalik balik ng lakad si Sunny habang kami ay nasa kanyang likuran at naka abang sa mag ooperate ng helicopter na gagamitin namin.

She's talking non-stop  since yesterday actually, simula noong magising kami ay wala siyang ibang bukang bibig kundi ay kung gaano siya ka excited lumabas ng Castra.

Napapa iling nalang kami rito at pinapakinggan siya.

"Honey bee, kumalma ka muna at baka pag andun na tayo ay makalimutan mo na ang misyon natin." Ani ni Ansley. Natigilan si Sunny at hinarap kaming Tatlo.

"First. Honey bee your face! And second, Pano natin mafafind si Boy? Eh ang alam lang natin is yung name niya, wala man lang tayong idea kung ano ang face niya!"

"Luke Regalado. We can find him immediately, basta't mag fofocus lang tayo." Sagot ko rito.

Ngumuso ito saakin at kumapit saaking braso.

"Althea my friend! What's gotten into you? I'm so natatakot na when you're too serious! Loosen up, mag boboy hunting pa tayo!" Malawak ang ngiti ni Sunny at awtomatiko akong napa lingon kay Ansley.

Poker faced lamang ito ngunit nakatitig kay Sunny.

Not good...

"What boy hunting? Hindi pa ba sapat yung mga pogi naming pag mukha para humanap pa kayo? One trait that a gemini has? We're handsome and gentlemen." Kumindat pa ito kay sunny na ikina ngisi ko naman.

"Duh Navarro! That's two traits idiot!" Sunny rolled her eyes.

Sasagot pa sana si Ansley nang putulin siya ng kadadating lang na sina Myron with Cooper.

"Maxeen?" Tanong ko.

"Nasa Castra. Inaayos niya na ang mga dapat ayusin para maka sunod na agad kami sainyo." Sagot ni Myron na tinanguan ko lamang.

"Get in." Cooper commanded.

Sumunod kami sa ani nito and luckily nag kasya kami sa loob dahil madami ang gamit na dala ni Sunny.

"Iwan mo nalang yang isa mong bag!" Pilit ni Jason dito.

"No way! Kung gusto mo ikaw nalang bumaba para mas maluwag!" Sagot naman ni Sunny. And all I can do is to shake my head.

Pag silang tatlo mag kakasama, para akong nasa nursery room. Buti nga at wala pa si Maxeen dahil kung nagkataon? Hindi ko na alam. Sanayan lang talaga.

"We all ready? Let's go." Myron announced. May iilang buttons silang pinindot at agad na nabuhay ang makina ng Helicopter. Tuluyan na sana kami aalis nang may humarang sa aming harapan.

Napa kunot ang aking noo. Okay, that woman. Ofcourse, it's Ferica. And there's a guy standing beside him that I don't really recognize.

"Baba." Ani Cooper.

Nag sibabaan kami at agad akong nalinawan sa itsura ng katabi ni Ferica.

He's tall, kayumanggi, he has toned muscles, he has these  chinito eyes, pointed nose, pinkish lips and he has a brown-reddish hair, like Sunny.

"Brother!" Sunny greeted her...brother?

"Sis." the man acknowledged. Bahagyang itong tumango at ngumisi at bumaling ito saaking pwesto. "You must be Thea Sandoval?" Lumapit ito saakin at nag lahad ng kamay. "I am Cloud Perez. Second child of Scorpio." tinanggap ko ang kanyang kamay at tipid na ngumiti rito. Bumalik siya sakanyang kinatatayuan kanina at hinarap kami.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon