Mariin ko naipikit ang aking mga mata, pilit na kinakalimutan ang mga nakita kanina. Right. Every place has it owns history. Pero sa 18 years kong pamumuhay sa planetang to eh hindi naman ako nainform na may third eye pala ako? Tsk!
"Alam mo Thea, kung nakakapag salita lang yung pagkain, kanina pa nag makaawa sayo yang kainan mo na siya." Napatingin ako kay Maxeen na ngayon ay kumakain bg burger. "Kanina ka pa nakatitig sa pagkain mo eh. Teh kahit anong gawin mo mananatili yang pagkain." Pagpapatuloy pa nito. Napailing nalang ako rito at sinimulang kainin yung carbonara ko.
Napatingin tingin ako sa paligid at kitang kita ko ang mga estudyanteng pakalat kalat sa lugar. Ilang minuto na lamang ay babalik na kami sa bus para tumulak sa destinasyon namin.
Everybody's excited. I do too. Pero wala pa ata ako sa mood para maki party sakanila. Maybe, I just need some more sleep.
"Everyone please go back to your buses!" Agad naman kaming tumayo ni Maxeen at diretsong nag lakad papunta sa bus namin.
"Ouch." I exclaimed. Liningon ko yung nakabangga sakin ngunit hindi ko makilala, naka hood ito at matangkad, I can tell that he's a 'he' dahil sa tindig nito.
"Sorry." Nanlaki ang aking mga mata nang lingunin ako nito. His eyes are flaming red. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil naka kita ako ng taong may pulang mata, o matatakot dahil alam kong walang ordinaryong tao ang may ganung klase ng mata.
Napatitig lamang ako rito at nakita ko ang kanyang pag ngisi. Sa isang iglap ay nawala na siya saaking paningin.
Damn it!
What's happening to me?
"Thea!" Napatalon ako nang hawakan ako ni Maxeen saaking balikat, maski siya ay nagulat sa reaction ko kaya naman napakunot ang noo nito. Napailing na lamang ako at diretsong nag lakad sa aming Bus.
"Welcome to the Lost Island!" Nag hiyawan ang mga kasama ko nang ianunsyon ito ng aming mga advisers. Kakarating lang namin at masasabi kong maganda ang lugar na napili nila. Ni hindi ko nga alam na may gantong lugar pala na nag eexist sa plipinas.
Linibot ko ng tingin ang lugar. Ang sabi nila ay kailangan pa naming sumakay ng bangka para marating ang reception namin. Kaya naman ginugrupo grupo na kami para alam kung sino ang mga mauuna.
Oo maganda ang lugar pero ang tanging nakapag pamangha saakin ay ang dagat na sobrang kulay asul. Napakaganda nito at makikita mong alagang alaga ito. I smiled.
At least may magandang bagay na mangyayare saakin dito. I'll make sure na mag bababad ako sa dagat na iyan mamaya.
"Thea halika na!" Sumunod ako sa tawag ni Maxeen. Napahinto ako nang mapagtantong, sila Miss Ferner ang kasama ko sa bangka. Wala naman akong choice kung kaya't sumakay nalang din ako.
"Malayo ho ba ang isla manong?" Maxeen asked.
"Medyo ma'am. Isang oras ang byahe." Ani nito.
"Manong paki bilis naman. Napaka init dito sa boat niyo!" Did I mention na kasama namin si Lala? Yup. Kasama namin siya and it freaking kills me na marinig ang panget niyang boses. Okay, mean na kung mean but it's true though.
"Bakit di mo nalang languyin Lala para di ka nababagot diyan?" Saad ni Maxeen. Lala rolled her eyes then turned to Maxeen.
"That's your besty's role, you dumbass!"
"Aba't!"
"Ladies, enough." Ani ni Miss Ferner at pinatigil ang dalawa. Napa buntong hininga nalang ako napailing.
Ipinikit ko ang aking mga mata nag babakasakaling maka idlip kahit sampung minuto lang.
Ngunit nagtaka ako nang maramdaman ko ang pag dilim ng kalangitan. Minulat ko ang aking mga mata at sumalubong saaking ang nag babadyang ulan. Napatingin ako sa paligid at kitang kita ko mula rito ang mga malalaking alon na maaaring sumalubong saamin.
"Miss, delikado nang magpatuloy tayo!" I said.
"Omg! You're gonna kills us here! Let us out! Let us out!" Tili ni Lala habang malikot na gumagalaw sa bangka!
"Gaga ka! Mamamatay talaga tayo kung maglilikot likot ka diyan! Kumalma ka nga!" Sigaw ni Maxeen dito. Buti naman at nakinig ito bahagyang kumalma.
But the rain started to pour. Malakas ang ulan na akala mo ay may bagyo. Napatingin ako sa bangkero at kitang kita ko kung paano ito kalmadong nag sasagwan!
Napalingon ako kay Miss Ferner at maski siya ay kalmado lamang na nakatingin...saakin.
Thud!
Napapikit ako nang may humampas na alon saaming bangka. Sunod sunod na kidlat at kulog ang aking narinig at nakita! We can't make it! Alon at ulan ang kalaban namin dito. Kahit magaling akong lumangoy ay hindi ko kayang sagipin ang lahat nang nasa bangka!
"Ahhh!!!" Maxeen Lala and I exclaimed nang matumba ang bangka. Lumagapak kami sa tubig, napalingon lingon ako sa paligid ngunit tanging bulto lamang naming tatlo ang aking nakikita!
"Miss Ferner!" I shouted but no one answered. Hindi na malinaw ang aking paningin dahil sa malakas na ulan!
"Althea!!" Lala shouted at napalingon ako sa alon na nag babadyang kumain samin. Hindi ako makapag isip. Hindi ko alam ang gagawin. Tila ba nakalimutan ko agad kung paano ang lumangoy.
Agad na tumama saaming ang malaki at malakas na alon. Dinilat ko ang aking mga mata sa ilalim ng tubig at kitang kita ko na kalmado ang ilalim nito.
What the...
Nanlaki ang mga mata ko nang may humawak saaking mga paa. Pinipilit kong ipadyak ang aking mga paa ngunit malakas ang nakahawak doon.
Pilit ko itong inaaninag ngunit wala akong makita.
Shit.
Uuwi pa ako sa auntie ko. Kailangan ko pang makita ang mga kaklase ko.
Sila Miss Ferner, Maxeen, Lala....
Hindi na ako makagalaw. Hindi na ako makapiglas. Wala na akong magawa.
Bago pa ako tuluyang sumuko sa buhay nakakita ako ng taong papalapit saakin. Unti unting pumipikit ang aking mga mata habang papalapit nang papalapit ang taong ito saakin...
Hindi ko siya maaninag ng maayos but all I can see is that her eyes are similar with mine. Ocean blue. Unti unti ko nang naipikit ang aking mga mata nag hihintay na sagipin ng taong ito.
Please save me...
BINABASA MO ANG
The Signs (COMPLETED)
Science Fiction(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pagkatao mo. Akala mo ang mga bagay na kinalakihan mo ay totoo, pero mali ka pala. My name is Althea S...