Chapter 24: Punishment

10.3K 427 190
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgo on Twitter.

I'm really hoping for your comments guys. Thankyou :)

--

Sunod sunod na pag ubo ang ginawa ko nang tuluyan na akong makalabas ng Court. I think everyone's out.. Sa sobrang kapal ng usok ay hindi ko na makita nang maayos kahit ang sahig ng loob.

Napalinga linga ako sa paligid.

Lots of students are down. Halos pag ubo at iyak dahil sa takot ang maririnig mo sa buong paligid.

Malalakas na serena ng sa tingin kong ambulansya ang umalingawngaw malapit saamin. Maya maya pa'y may mga nagsi takbuhan nang awtoridad para tulungan ang mga estudyanteng napuruhan.

We were lucky enough, dahil kung hindi namin agad nabuksan ang pintuan ay may maaaring mabawian ng buhay saamin, at kung hindi nalaya ni Cooper ang mga tear gas ay baka kung ano na ang mas malala pang nangyare saamin hindi lang pag ubo.

Speaking of...

Ilang beses ko nang inikot ang aking paningin ngunit ni anino ng mga kaibigan ko ay hindi ko nakita..

Shit!

Naiwan ba sila sa loob? Dahil nang mabuksan kanina ang mga pinto ay nagkaroon ng stampede dahil na rin sa pagkakataranta ng mga tao sa loo kung kaya't hindi ko na napansin kung naka sunod ba sila o hindi.

I need to get back inside!

Muli na sana akong papasok nang may humablot saaking braso. Marahas akong napalingon doon at awtomatikong kumulo ang aking dugo.

"What the hell do you think you're doing?" Matigas at nanggagalaiti kong ani dito.

"And where do you think you're going?" Parang wala lang kay Vlad ang makita akong galit sakanya. Maamo at malambot pa rin ang binibigay na ekspresyon nito saakin.

I repeated in my mind what he and his team did to these innocent people..sila ang may pakana nito Thea...sila..

Maagap kong tinulak ang kanyang katawan palayo saakin!

"Anong pake mo? Kayo ang may pakana nito kaya wag kang umasta na parang wala kang alam diyan!" I spat.

Napalunok ito saaking sinabi at hindi nakatakas saakin ang lungkot na saglit na dumapo sakanyang itim na itim na mga mata.

"I won't let you go in there." Pinal na aniya. I sarcastically chuckled.

"Are you kidding me Cortez?" Ani ko rito na may sarkasmo sa aking sinabi. Mag sasalita pa sana ito nang unahan ko na siya. "Leave me alone Vlad. Hindi ko kayang makita ka o mapalapit man lang sayo. We're enemies not friends, and that will never change." Mataman ko iyong sinabi.

Mas nagkaroon ng lungkot ang mukha niya ngayon at hindi na nakapag salita, inirapan ko ito at tinuloy ang pag takbo sa loob!

Hindi mo ako mabibilog Vlad, hindi ngayon o kailan pa man.

Marahas akong napa ubo nang muling maka langhap nang pa wala ng tear gas. Unti unti ay nakikita ko na muli ang buong paligid, but the smell still stings kung kaya't hindi ko rin maiwasan ang mapaubo ng sunod sunod muli.

"Miss! Anong ginagawa mo rito?" May lumapit saaking isang awtoridad,naka mask ito at may hawak na kung anong gadget.

Maybe they're the ones who's cleaning this place..

"U-uh, I'm looking for my friends...hindi ko pa po kasi sila n-nakikita.." Nahihirapan kong ani rito. Napailing ito at hinawakan ako sa likod upang igiya palabas ng court.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon