Chapter 7: Warrior

16K 610 21
                                    

"Aww!" Muli akong napadaing nang dumampi ang gamot na ilinalagay ni Maxeen saakin.

Nasa labas kami at nasa isa sa mga lamesa roon. Gabi na at may kanya kanya nanamang ginagawa ang mga kasama namin dito. Some of them are eating, ang ilan ay di maka get over sa training at ang iba ay nagpapahinga na.

"You should take a picture of it Thea. It's your first wound!" Masayang ani ni Sunny. Bahagya lamang akong natawa at hindi na sumagot.

"Not bad for a new comer. Nasa top 50 na agad ang pangalan mo." Ansley.

"Tsamba lang yun. Adrenaline perhaps." Sagot ko naman. Natapos nang bendahan ni Maxeen ang aking sugat at agad din siyang tumayo. Kita pa rin sa mga mata nito ang pag aalala kaya naman nang mag tagpo ang aming mga mata ay tipid kong nginitian ito.

"You need to train Thea. As in! Yung puspusan dahil kailangan mong makalabas dito kasama namin." Ani ni Maxeen. Umupo siya sa tabi ni Ansley at sa tabi ko naman tumabi si
Sunny kaharap ang dalawa.

"Labas? Why?" Litong tanong ko sa mga ito.

"Gaya nga ng sinabi ni Myron kanina. Muling magkakaroon ng quest at pag sinabing quest. Ibig sabihin ay kailangan nating lumabas. Pito ang ipapadala sa labas at automatic nang kasama sina Myron at Chief doon kaya lima pa ang kulang." Paliwanag nito. So, dapat nga talaga akong mag training dahil kung maiiwan ako rito mag isa, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyare saakin. Sa tingin ng mga tao dito, malakas ako, magaling makipag laban dahil lamang sa ako ang unang anak ni Aquarius. And I hope na nawala ang expectations nilang yun kanina. I'm just a normal teen, hindi ako uubra sakanilang ilang taon nang naninirahan dito.

"Since friends naman na tayo, tutulungan ka na rin namin mag training.  Mas madami kang trainer, mas mabilis ang progress mo." Ani ni Sunny. Nginitian ko naman ito at tumango. "Salamat."

"Bukas na bukas Thea, pupuntahan nalang kita sa kwarto mo." Ani ni Maxeen. Wala nang nag salita saamin at inenjoy nalang ang lamig ng simoy ng hangin.

"What's up? Sinong bibilis ang progress?" Napalingon ako sa nag salita at bumungad saakin ang inosenteng mukha ng lalaki saaking likuran. Myron. He saved me earlier.

"They'll train the first child." Ansley answered gently. Marahas siyang liningon ni Sunny. "They?" Kunot noong ani nito. Napabuntong hininga si Ansley at muling tumingin kay Myron. "We, I mean." Ansley cleared his throat.

Narinig ko ang pag tawa ni Myron at agad na tumabi saamin.

"Then, count me in." Tumingin saakin si Myron at binigyan ako ng tipid na ngisi. Nginitian ko rin ito at nagpatuloy ang aming kwentuhan.

I'll consider this as my first step for helping my mom...and helping my friends. This is already my business and responsibility now. Dapat lang na pahalagahan ko ito.

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Maxeen. And by maaga it means she woke me up at five am in the freaking morning! Bigla akong napa isip at parang gusto ko nalang bigla mag back out at magpa iwan nalang dito.

I groaned.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa salamin. I'm wearing a leggings and a plain blue t shirt. Suot ko ang isang rubber shoes na galing kay maxeen at mas pinili kong itali ang aking buhok.

"Get out of there Althea!" Napairap ako sa hangin at labag sa loob akong lumabas ng aking kwarto.

Bumungad saakin si Sunny na nakikipag tagisan ng espadahan kay Ansley. Si Maxeen ay nakatayo sa harap ng aking kwarto at halatang inip na siya sa pag iintay saakin.

Agad akong lumapit sakanila.

"Ang bagal mo kumilos!" Reklamo nito.

"Sorry. Kilala mo naman ako, I'm not a morning person." Ani ko. Tumigil sila Sunny at Ansley at lumapit saakin.

"Lesson no.1 Thea. Discipline." Napalingon ako sa nag salita at tumambad saakin ang topless na si Myron. I looked away. He doesn't look like a teen! Kahit saglit lang ang pag sulyap ko kanina ay hindi nakatakas saaking mga mata ang kanyang magandang katawan.

I mentally slap my face. Damn you Thea! Focus! At isa pa inosente kang babae kaya wag mong lagyan ng kung ano ano ang utak mo!

"Thea?" Nag angat ako ng tingin at kunot noong mukha ni Myron ang bumungad saakin. "Yes?" Lumagpas ang tingin ko sa likuran nito at naabutan kong nagpapaluan sina Sunny at Maxeen na parang kinikilig. Kunot noong nakatingin lamang sakanila si Ansley.

"You okay?"

"Yup. Medyo inaantok lang." Sagot ko rito. Tumango naman ito at laking pasasalamat ko nang may suot natong pang taas. Phew.

"So, shall we move on to the next lesson?" Ani Maxeen na hindi pa rin nawawala ang ngisi sakanyang labi. Pinandilatan ko ito ng mata at nagkibit balikat lamang siya.

"Okay! We should teach her the basics first. Hatiin natin ang isa't isa para mag silbing station ni Thea." Sunny said. Tumango naman ang tatlo habang nakikinig lamang ako. "So first station will be me, second Ansley third Maxeen and lastly Myron. Bawat station Thea yun ang mga bagay na dapat mong matutunan dito sa Camp." Tumango lamang ako sa sinabi ni Sunny. I've decided that I'll just go with the flow to this.

"So you guys can leave now. I'll take it from here. We'll see y'all later!" Masiglang ani ni sunny. Nag tanguan ang lahat at sinabihan ako ng tig iisang 'Good luck.' Dapat ba akong matakot? Or what?..

"So Thea!" Liningon ako ni sunny and this time I can feel that she is damn serious.

"What weapon do you wanna use?" Natigilan ako.

"Wait, should I really choose?" Ani ko ulit.

"Yup! Dapat may specialize weapon ka. What I chose was a Shot gun.." Nanlaki ang aking mga mata ko sa sinabi nito. Sunny is a very lively person, may matatamis itong ngiti at may mabait na aura. A shot gun? Parang hindi ko ata maimagine.  "With ansley actually." Patuloy nito at nag kibit balikat. Agad itong nag tungo sa isang lamesa. At doon ay nakalatag ang iilang mga armas na nakita ko noong General Training.

"Choose thea. You should expect the unexpected. Hindi mababait ang mga kalaban natin Thea I'm telling you. It was already Proven and tested."

Natatakot man ay mas pinili kong hawakan ang mga armas. I'll trust my instincts for this. Isa isa ko itong hinawakan at tumigil ang kamay ko sa isang espada. Mahaba at malapad ang blade nito at mahahalata mong luma na dahil sa hawakan nitong nag fade na ang kulay.

"A sword then." Ani ni Sunny. Hinarap ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang itutok niya ang isang espada saakin. Instinctively, sinangga ko iyon gamit ang hawak na espada.

"What the heck Sunny?!" Hindi niya ako pinansin at sinugod ako ng kanyang espada. Patuloy akong umaatras habang patuloy pa rin siyang may gustong tamaan saaking parte ng katawan.

"Sunny!" I shouted. Hindi ko namalayan ang bato saaking likuran kaya naman agad akong natumba. I groaned.

Lumapit si Sunny saakin at linahad ang kanyang kamay.

"Lesson no. 2 Thea. Don't back down. Sa totoong laban, hindi titigil ang kalaban mo just because you shouted for mercy." Seryosong ani nito. Nakuha ko naman ang ibig sabihin niya kaya tumango ako rito.

"Now. Let's do it again. Follow your instincts at the same time use your brain." Saad nito. Tumango ako at yun lamang ang hinihintay niya para muling sumugod.

Hinataw niya ang kanyang espada na siya namang nasalag ko nang akin. Ngumisi ito at umikot at in-aim ang aking leeg but I immediately ducked.

Sunny gave me an encouraging look at nagpatuloy. I'm not fast as her. I'm not great as her. But I can tell, I can do this.

Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay tila matagal ko na itong ginagawa, I should wake the warrior that is sleeping inside of me. Hindi ito magiging madali pero alam kong kakayanin ko.

This is just the first training. My stations are ranked dahil sa galing nila. Sunny is really good, kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa mga susunod pang araw.



The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon