#TSTeamAries #TSTeamVirgo on Twitter.
--
"Wooooh!'
"Let's Go Section Four!!!"
Halos takpan ko na ang magkabilang tenga ko sa mga sigawan at paulit ulit na tili ng mga tao saaming likuran. Kada shoot ay katumbas nito ang malakas at matinis na sigaw ng mga kababaihan. And take note that, the score now is 22-18. Ilang minuto na silang tumitili ngunit parang wala lang sakanila ito.
"Ishoot mo yan Vlad!!!" The girl at my back screamed.
Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang ulo ko kung kaya't hinayaan ko nalang ang kanilang boses na pumasok saaking tenga.
I remained poker faced.
The game's on fire, pero mas on fire ang mga audience.
I absentmindedly shake my head.
Both teams are giving these audience a good fight.
Lamang ang aming section dahil sa walang pigil na pag tres ni Cooper. I didn't know na may interest din pala ito sa sports. Ang akala ko ay puro pakikipag laban lang ang alam niya, magaling din pala ito sa court.
"Prrrrrrrt!"
Time out.
Tumawag ng Time out ang team nila Darhk. Darhk is also on fire, pero mas masasabi kong mas makikitaan mo ng galing si Vlad. Ito ang dumedepensa kay Cooper and luckily.
"You okay?" Napalingon ako sa nag salita. Myron. Naka kunot ang kanyang noo.
"Y-yeah. Why?"
"You look so lost. Here." May kinuha siya sakanyang gilid at inabutan ako ng Choc-o.
My favorite chocolate drink.
Agad ko iyong hinablot sakanyang kamay.
"Thanks." ani ko ng hindi siya tinitignan. Narinig ko ang kanyang pag tawa ngunit masyado akong busy na buksan ang choc o kaya di ko na ito liningon.
Ito ang binibili namin ni...auntie tuwing nag ggrocery kami. It's my all time favorite drink.
"Prrrrrrrt!"
Ito na ang hudyat na mag reresume na ulit ang laro.
Muling nagpa tagisan sa cheering ang mga supporters. Napatingin ako saaking mga kaibigan at lahat sila ay blangko ang ekspresyon habang si Luke ay nakatayo at winawagayway ang hawak na pompoms.
"Go Cooper! Go Cooper! Our sexy sexy Chief!" Sigaw nito.
Laglag panga nalang akong napa iling sakanyang sinisigaw.
My friends are weird.
Ibinalik ko ang aking tingin sa court. Nagsi balikan na ang mga players sa court wearing their game faces on.
The game started. Nakanila Darhk ngayon ang bola.
Blaine's dribbling the ball, his other teammate asked for the ball and he obliged, muling naipasa ang bola at agad na iyong nahawakan ni Darhk.
Napalunok ako nang makitang si Cooper ang nag babantay dito.
Please don't do anything stupid Chief.
Darhk continues to dribble the ball. Bumubuka ang bibig nito ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon ni Chief.
Sumide step ito ngunit huli na ang lahat dahil mas mabilis si Chief at agad na natapik ang bola. Nakuha niya iyon at tinakbo ang kanilang ring at lumay up!
BINABASA MO ANG
The Signs (COMPLETED)
Science Fiction(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pagkatao mo. Akala mo ang mga bagay na kinalakihan mo ay totoo, pero mali ka pala. My name is Althea S...