Chapter 28: Fire exit

9.2K 382 22
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgon on Twitter.

Short update, writer's block iz real.

--

"Thea, ikaw ba yan?" Tinapat ko ang hawak kong flashlight sa kumausap saakin. Napa buntong hininga ako nang makita ang manghang mukha ni Luke.

"Yes Luke. What's up?" Bored kong ani rito. Kanina pa kami rito and mind you, hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakaupo dito. While the people around me is getting high as freak!

"Ha?" Lumapit pa ito saakin at hindi ko na napigilan ang pag ikot ng aking mga mata. "Hinahanap ka nila Myron!" Sigaw pa nito na hindi ko nalang pinansin.

I need space nga diba? Tss. Napabaling ako sa mga nag sasayaw.

Nababalot ng malakas na party music ang buong Gym. Kahit walang ilaw ay nakukuha pa rin ng mga estudyante ang mag saya. Well, that's one of the party's theme. Blackout party. We're only allowed to use flashlights as our light or guide thingy. At may iilang ilaw lang din ang naka bukas para sa mga pag kain, exit, comfort room at iba pang importanteng lugar, and the rest.. complete darkness.

Ang mga lamesa ay may ilaw lang din sa mismong number. Napa baling ang tingin ko sa dance floor.

Iba't ibang kulay ng flashlight ang makikita doon at they're all happy lalo na't nag renta pala ng DJ ang S.U. The loud music's filling the corners of this gym. Halos lahat ata ng estudyante ay nag transform sa pagiging Party animal.

"Woooo!"

"Let's dance Thea!" Napa angat ako ng tingin sa tumawag saakin at agad kong nakilala na sina Maxeen at Sunny iyon.

"This party's lit!" Sigaw ni Sunny!

Tinapat ko ang flashlight sa dalawa at kitang kita kong nag eenjoy ang mga ito.

"Tumayo ka na diyan Thea! Malapit na mag midnight!" Aya ni Max at hinila ako patayo.

Hinila ako ni Maxeen at Sunny diretso sa dance floor, the crowd cheered at agad kaming tinapatan ng ilaw.

"Loosen up T!" Maxeen shouted at nawala na siya sa dagat ng mga tao sa gitna.

Napailing nalang ako at pinilit na maka kawala sa mg ito.

Alright, corny na kung corny, kj na kung kj but I'm not in the mood.

Something's bothering me.

Or someone...

"Students, 5 minutes and the lights will be open. We suggest to find your dates before it's too late!" The officials announced.

Kahit hindi ko masyadong makita ay halata kong nagkaka gulo na ang mga estudyante sa pag hahagilap ng mga kadate nila ngayon.

Dahil when the clock strikes 12! If you find your date and your colors matched, the officials will give you a Prize. Ang sabi ng mga estudyante ay galante mag bigay ang dean, at sa pagkakarinig ko ay trip sa ibang bansa ang premyo ngayon, all expenses are paid.

Malaki ang gym kung kaya't hindi na ako mag tataka kung bakit sila nahihirapan mag hanapan ngayon.

"Excuse me.." Naningkit ang aking mga mata nang may lumapit saakin, wala itong hawak na flashlight kung kaya't hindi ko maaninag kung sino ito. But one thing's for sure, he's a man, a tall one.

Itatapat ko na sana ang aking ilaw nang pigilan ako nito.

"Kailangan mong sumama saakin Thea, si Maxeen.." He trailed off. Agad naman akong napatayo habang nagkakagulo pa rin ang lahat sa pag hahanap ng kanilang date.

"What happened?" Ani ko rito.

Medyo lumapit ako dito at pilit na inaaninag ang kanyang mukha. Naramdaman ko ang pag buntong hininga niya.

"Just..come with me." Ani nito at hinawakan ang aking braso. His hands are rough against my skin.

"Ano nangyare kay Maxeen?" Sigaw ko  rito upang marinig niya,patuloy pa rin siya sa pag lalakad at hindi ko na alam kung nasaang parte na kami ng Gym.

Naaninag ko ang ilaw sa taas, Fire Exit

Natigilan ako kasabay ng pag tigil niya rin sa pag lalakad.

This is not good.. My guts' telling me that this is a bad idea.

Humarap ang lalaki kasabay ng pag atras ko. Mas madilim sa parteng ito ng gym at halos wala nang tao dahil nga masyadong nakakatakot ang banda rito.

Dahil sa ilaw ng fire exit ay bahagya kong naaninag ang mukha ng lalaking ito.

Naningkit ang aking mga mata.

Is this?..

"Jason?" Sabi ko at linapitan pa siya. Nakita ko ang pag lunok niya at ang pula niyang mga mata ay hindi mapakali.

Malalim itong napa buntong hininga at tinignan ako saaking mga mata.

"I'm sorry Thea." He said, mabilis ang pangyayare dahil bago pa ako makapag tanong ay bigla kong naramdaman ang isang matigas na bagay na humampas mula sa likod ng aking ulo.

Bumagsak ako sa sahig kasabay nang panlalabo ng aking mga mata.

Shit!

Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay nakakita ako ng isa pang pares ng mga paa katabi ng kay Jason..

Bumaba ng lebel ang mukha nito saakin at agad kong naaninag ang kanyang mukha..

It's..

Shit..

No way..

"L-lala?" My last word before everything went black.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon