#TSTeamAries #TSTeamVirgo on Twitter.
--
Agad din naman akong pinalabas sa clinic nang naging maayos na ang aking pakiramdam. Myron's with me all day while the others went back to our dorm.
"Are you sure you can go now?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na sakin ito ni Myron. Hinawakan ko ang kanyang kamay at mataman siyang tinignan.
"I'm okay." I reassured him.
Malalim itong napa buntong hininga,napakagat sakanyang pang ibabang labi at nakita ko ang kanyang pag lunok. Ipinatong niya ang kanyang libreng kamay saakin.
"Please don't scare me like that again." Sabi nito.
Parang may humawak saaking puso sakanyang sinabi. Seryoso ang kanyang mga mata at mataman ang tingin saakin. Ang mga labi niya ay pulang pula dahil sa paulit ulit niyang pagkagat dito.
Tumikhim ako nang natagalan ang pag titig ko sakanya.
"Okay." Namamaos kong ani at sinabayan ng tango. Bumuntong hininga naman ito at hinawakan ako sa braso para alalayan akong makababa ng kama.
Kahit kaya kong mag lakad ay hinayaan ko nalang si Myron sa gusto niya. I made him worry enough, I'll let him have this kind of comfort by holding me.
Walang nag sasalita saamin. Ang ibang mga nakakasalubong na kakilala ko ay binabati o kinakamusta ako.
"Thea!" Napatigil kami sa pag lalakad at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.
It was Jason and Lala.
"Are you okay na?" Lala asked. Naguguluhan man ay sinikap ko pa ring sumagot.
"O-oo." Saad ko at binaling ang tingin kay Jason. He flushed.
"Babalik d-din ako sa dorm Thea. Sasamahan ko l-lang si Lala." Saad nito saakin na namumula ang kanyang mga tenga. Napangisi ako at napailing.
"It's okay Jason. Take your time." Sagot ko at linagpasan na sila.
"Do you think they're dating?" Tanong ko kay Myron nang makalayo kami. I heard him chuckled.
"If ever then, It's okay. Binata na si Jason." Saad nito sakanyang mababang boses. Napangiti na lamang din ako sakanyang sinabi.
I'm just happy dahil hindi lang kami nandito para protektahan si Luke, andito rin kami upang maramdaman na hindi pa rin kami nalalayo sa mundo. We're making friends with others, we socialize, interact and who knows? Baka dito rin kami matutong umibig.
Pinihit ni Myron ang door knob at nang bumukas ito ay agad na sinalubong kami ng mga kaibigan ko.
"Oh my gosh althea!"
"Okay ka na ba? May masakit ba sayo?"
"Thea buti nahanap ko yung switch no?! Thankyou saki--Aray!" Hindi na natapos ni Luke ang kanyang sinasabi ng pabiro siyang sinuntok ni Ansley sa braso. I smiled.
"Thanks Luke." Ani ko na may mahinang boses.
"Okay lang yun! Nasa iisang Team lang tayo kaya tayo lang rin ang mag tutulungan!" Malapad ang ngiti nito habang nag sasalita.
"We're not teammates." Sagot ni Ansley. Luke answered and they started their bickering session.
Napailing nalang ako at napaupo sa upuan.
"I'll go get you some water." Saad ni Myron at agad akong naestatwa nang hagkan niya ang aking ulo at binigyan ng dampi ang noo ko ng halik. Napalunok na lamang ako at napatango sakanya.
BINABASA MO ANG
The Signs (COMPLETED)
Science Fiction(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pagkatao mo. Akala mo ang mga bagay na kinalakihan mo ay totoo, pero mali ka pala. My name is Althea S...