Chapter 20: Trapped

11.3K 466 40
                                    

#TSTeamAries #TSTeamVirgo

Tweet your thoughts for this Chapter!

Story cover by banglej thankyou!!

--

We all went back to our dorm. No one's talking, everyone is silent.

Alam ko sa aming loob loob ay madami kaming tanong, madami kaming gustong sabihin. Ngunit sa sobrang dami non ay ni isang salita walang gustong lumabas sa aming mga bibig.

Nakarating kami saaming dorm at kanya kanya kaming kuha ng pwesto.

Dumiretso ako sa bintana at matamang binaling ang atensyon sa labas.

I'm right and I'm wrong.

Tama ako dahil isang Moiety ang nakabungguan ko doon sa hagdan. And that is Darhk Romero, Vlad's friend. Which he introduced himself to me a few days back. Alam niya ba na isa akong Moiety noong linahad niya ang kanyang kamay saakin? Tss. I'm so naive.

Sino ba namang normal na tao ang may itim na itim na mata gaya ni Vlad? Damn Thea.

Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang aking kamay.

Second is I'm wrong.

The Virgos are here already, at alam na nila kung nasaan at nakanino ang Miracle stone.

And now the real battle has started.

Kailangan naming nag doble ingat ngayon at alam na namin ang tatlong Team Virgos. And I know that madami pa sila dito sa loob, oo madami saamin ang First child ngunit hindi sapat iyon dahil kayang pumatay ng mga Virgos na walang bahid ng kunsensya pagkatapos.

Kung aatake sila ay dapat alerto kami, o kung aatake man sila ay dapat maunahan namin ang mga ito.

"Everyone. C'mere." Dumiretso ako sa mga kama kung saan naka kumpol ang aking mga kaibigan.

"They're here. Kaya pala sila nananahimik dahil alam na nila kung sino ang target nila." Ani ni Jason at bahagyang tumingin kay Luke na may takot sa mga mata.

Hinawakan ko ang braso nito at marahang pinisil iyon.

"It's okay Luke. We're here. We got you." Saad ko rito. Tumango lamang ito saakin at nag iwas ng tingin. He's terrified.

"Hey bro look." Nakuha ni Myron ang atensyon namin. Umupo ito sa harapan ni Luke. "Kailangan mong lakasan ang loob mo. There's a reason kung bakit ikaw ang pinamanahan ng Miracle stone."

"N-nag kakamali k-kayo. Simpleng estudyante lang naman ako. Nakita n-niyo naman diba? Lagi akong na bubully dahil mahina ako." Asik ni Luke.

"No dude." This time si Ansley naman ang nag salita. "Being bullied doesn't mean that you are weak. Sadyang edukado ka lang talaga at hindi mo sila pinapatulan. The bullies? Sila ang tunay na mga mahihina, kailangan pa nilang manakit na kapwa para lang matawag ang sarili nilang malakas."

Nangingilid ang mga luha ni Luke habang nakikinig saamin. Ilang minuto pa ay tuluyan ng bumagsak ang kanyang mga luha. We all let him cried.

"You are now one of us Luke." Sunny said.

Kinalma ni Luke ang kanyang sarili, nag angat siya ng tingin saamin at sa sandaling iyon ay may nakita akong tapang at determinasyon kahit pa na nanunubig ang kanyang mga mata. Inayos nito ang kanyang salamin at mataman kaming tinignan.

"Sige. Tutulungan ko kayo. Pag kakatiwalaan ko kayo gaya ng tiwala na ibinibigay niyo saakin." aniya. My friends cheered for him at kitang kita ko ang saya na meron ang mga mata niya ngayon, kumpara noong natagpuan ko siya sa banyo na duguan.

The Signs (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon