#TSTeamAries #TSTeamVirgo
May twitter na ako yey! Hahaha. Twtr: pluviophilexxWP
--
Today is monday.
The day that we will leave Sanchez University.
I must say, kahit papaano ay may mga babaunin din kaming masasayang memorya na nangyare dito. And also..
Madami kaming aral na napulot noong dumating kami dito. And that is, Friendship. At the end of the day, manalo man kami o matalo sa kahit na anong laban, we all still got our backs. We will fight together until the end.
Nasubukan din naming makihalubilo muli sa mga tao ng normal. Na parang bang hindi nag eexist ang dugong Signs saaming sistema.
Madaming ups and downs kaming naranasan sa eskwelahang ito. But none of that will take away the friendship that we have. It's time for us to take the battle away from these innocent people. Mas lalo kaming tumatagal dito ay mas lalo lang maraming nadadamay.
"Hey T. You done?" Napalingon ako kay Sunny. Nakatayo siya saaking gilid habang pinupunasan ang kanyang mukha ng bimpo.
"Konti nalang. Kayo?"
"Nah. Probably, my stuffs will take awhile to be packed." Ngisi nito saakin. Nginisian ko na lamang din ito at ipinag patuloy ang ginagawa ko saaking mga gamit.
Bumukas ang pintuan ng dorm at iniluwa nito si Luke na pawis na pawis.
"Grabe! Pag ako naging presidente sisiguraduhin kong ipapa aircon ko buong pilipinas!" Reklamo nito habang bitbit ang kanyang dalawang maleta.
"What the freak dude? Dala mo na ata buong Sanchez University." Ani ni Ansley. Pinaningkitan naman siya ni Luke ng mata at humakbang paharap si Sunny at pinag krus ang kanyang mga braso sakanyang dibdib.
"What's wrong with his bags?" Sunny said.
"Kaya nga! What's w-wrong?" Ani ni Luke at pinag krus din ang braso sakanyang dibdib, mirroring sunny's position.
Napakamot sa ulo si Ansley at hinawakan ang magkabilang braso ni Sunny.
"Nothing babe.." ani nito sa malambing na tono. Sunny pouted at dumiretso sakanyang mga gamit. "Sa mukha ako ni Luke may problema." Bulong ni Ansley ngunit hindi nakatakas sa pandinig ni Luke!
"Insekyora!" Luke shouted at muling nag asaran ng suntok ang dalawa. I chuckled. Napa iling na lamang ako sa ka weirduhan ng mga kaibigan ko.
Malalim akong napa buntong hininga. Muli kong tinupi ang aking mga damit at sinimulang ilagay iyon sa loob ng aking maleta.
Muling bumukas ang pintuan ng dorm at iniluwa non sina Maxeen at Myron.
"Jason's body already arrived at Castra." Anunsyo ni Myron. Narinig ko ang iilang mga pag buntong hininga ng aking mga kaibigan at muli kong naramdaman ang lungkot na pilit naming itinitago nitong mga nakaraang araw.
I sighed.
"Just continue packing your things guys. Uuwi na rin tayo." Ani Maxeen na may tipid na ngiti sa labi.
"Sana nga.." Narinig kong bulong ni Myron nang lagpasan niya ako. Liningon ko ito ngunit dumiretso na siya sakanyang mga gamit.
Speaking of Myron. Hindi na ako nito kinakausap mula noong gaya ng dati, naging madistansya na ito saakin pati sakanyang bestfriend na si Cooper. Hindi ako maka kuha ng tyempo na kausapin siya dahil naniniwala akong hindi pa ito, ang tamang oras para pag usapan ang aming mga personal na buhay.
BINABASA MO ANG
The Signs (COMPLETED)
Science Fiction(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pagkatao mo. Akala mo ang mga bagay na kinalakihan mo ay totoo, pero mali ka pala. My name is Althea S...