September 21, 1991
Gabi na nang makarating ako sa bahay namin. Agad akong pumunta sa kwarto ko at doon bumagsak ang katawan ko sa kama...
Ganito ang buhay ko araw araw, pagdating ng umaga ay agad papasok sa trabaho at puyat na puyat sa tuwing uuwi sa kinagabihan..
Napangiti naman ako noong marinig kong nagtatawanan ang mga magulang at kapatid ko, sila lang ang tanging dahilan kung bakit ako nagsusumikap, at kung bakit ako nagtratrabaho ng puspusan, dahil gusto ko silang bigyan ng magandang buhay, di bale na ang kaligayahan ko, ang importante ay ang kaligayahan at pangangailangan nila.
Pero paano nalang kung biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko? Sino na ang mag aalaga sa kanila?
Ngumiti nalang ako ng mapait. Bakit sa dinadinami nang tao ako ang napili ng panginoon na bigyan ng sakit? Bakit ako nagdudusa? Tila yan ang mga tanong na paulit ulit kong tinatanong sa aking sarili at sa panginoon. At tila wala akong magawa kung hindi paghandaan ang pagpanaw ko.
Dahil ano mang oras pwede akong mamatay. At pinili kong hindi sabihin sa pamilya ko. Mabuti na siguro kung ganun. Hindi ako mahihirapang iwanan sila. At tulad ngayon, mas mabuti pang hindi nila alam dahil naririnig ko pa silang nagtatawanan. Hindi tulad ko na nagdudusa dahil sa karamdaman ko.
"bakit ang drama ko ngayon?" napatawa nalang ako sa kadramahan ko. Bumangon ako at pumunta sa cr. At doon naligo ako..
Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis at humiga sa kama.
Bumuntong hininga ako bago ko isinara ang mga mata ko at doon nilamon ako ng antok..^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Lumabay ang ilang oras, naramdaman ko ang sikat ng araw na yumayakap sa aking balat, at ang masarap na simoy ng hangin na humahalik sa aking mukha..Pero bakit ang kati ng kama ko? Parang may mga insecto na naglalakbay sa aking balat. Pero naalala ko rin.. Hindi sinisikatan ng araw ang kwarto ko, ni hindi ito napapasukan ng preskong hangin.
Agad agad bumukas ang aking mga mata. Matinding lito ang naramdaman ko.
"Nasaan ako?"
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...