LUCIAN
Agad kong binuksan ang aking mga mata. Umaga na pala.
Nilibot ko ang aking paningin. Agad akong nabigla noong nakita kong nasa mga kamay ko pa si Odeius.
Napabuntong hininga naman ako.
Nakalimutan ko palang ilagay siya sa kanyang lalagyan."Pasensya na Odeius, nakatulog si rui" saad ko at inilagay siya sa kuna niya.
Tumayo naman ako at nakita si Katrina na nagluluto sa kusina. Agad naman niya akong napansin.
"Oh Lucian gising kana pala. Halika kumain ka muna ng almusal" aya niya.
Tumango naman ako at umupo. May nilatag naman siyang pagkain sa harapan ko. At kasunod nito ang tsaa.
Sekreto naman akong napangiti.
Ganito siguro ang pakiramdam nang may asawa? Yung may nag aalaga sayo..
"Lucian ayos ka lang ba? " tanong niya.
"A-Ah oo ayos lang ako, salamat sa pagkain" saad ko at kumain.
Nakita ko namang umupo naman si Katrina katapat sa kina uupuan ko.
Tahimik lang siyang kumakain.
Tumigil ako saglit at sinilayan siya.
Ano bang meron sayo Katrina? Bakit ako nagkaka ganito? Sa sandaling nakilala kita, di ka na umalis pa sa isipan ko...
Agad naman akong nabigla nang bigla siyang tumingin sakin.
"May problema ba Lucian? " tanong niya.
Agad namang bumulis ang tibok ng puso ko.
Mag isip ka Lucian...
Napalunok naman ako..
"A-Ah k-kasi may dumi ka sa mukha mo, teka lang wag kang kumilos" saad ko.
Wala naman talagang dumi sa mukha niya, tss bobo mo Lucian. Nagsinungaling kapa sa harapan mismo ni Katrina.
Agad ko namang inilagay ko ang daliri ko sa gilid ng kanyang labi at kunwaring itoy pinunasan.
Agad akong natulala nang may kung anong anong kuryenteng dumaloy mula sa aking daliri hanggang sa ibang bahagi ng aking katawan..
Agad kong binawi ang aking kamay at napatayo..
"Ano yun? " pabulong kong tanong sa aking sarili.
"nawala na ba yung dumi sa mukha ko Lucian? " tanong ni Katrina.
Tinignan ko naman Siya, napaka pula ng kanyang mukha.
Anong nangyari sa mukha niya?
"A-ah oo" saad ko.
Bumuntong hininga naman ako.
Ano ba tong nangyayari sakin? Tila hindi ko na maintindihan ang sarili ko nang dahil sayo Katrina..
Bumalik naman ako sa pagka upo at tinapo ang natira kong pagkain..
"P-Pasensya ka na pala Katrina, natagalan ako sa aking pagbalik" saad ko habang di tumitingin sa kanya.
Ewan ko ba, dahil sa tuwing tumitingin ako sa kanya parang hinihila niya ang kaluluwa ko.
"A-Ayos lang iyon Lucian, masaya naman ako sa pananatili ko dito sa bahay ni Inang" saad niya.
Tumango naman ako.
"Kamusta ka na pala? " tanong niya.
"Ahh maayos naman, medyo naging abala lang sa trabaho. Ikaw? Kamusta ka na? " tanong ko.
Ngumiti naman siya..
Sa ngiting iyan, saglit na tumigil ang mundo ko. Tila parang hinaluan ng mahika..
Dahil sa ngiting iyan, muling nabuhay ang puso ko..
=============================
KATRINA
Maaga akong nagising. agad akong bumangon mula sa kama ko at pumunta sa banyo upang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumalik sa aking silid at nagbihis.
Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumunta sa kusina. Habang naglalakad ako, nakita ko si Lucian na natutulog.
Napangiti ako, nakita ko naman si Odeius na hawak hawak parin niya.
"Mukhang nakatulog yata siya sa pagbabantay kay Odeius" saad ko
Hinayaan ko nalang si Lucian na matulog. Dumiresto agad ako sa kusina at nagluto ng almusal.
Matapos ang ilang minuto, agad kong napansin na gising na si Lucian. Mukhang gulat siyang makita na karga niya parin si Odeius.
Napangiti naman ako, may sinabi naman siya kay Odeius at ipinwesto ito sa kanyang kunan.
Tumayo naman siya..
"Oh Lucian gising kana pala. Halika kumain ka muna ng almusal" saad ko
Tumango naman siya, at umupo.
Agad ko namang nilatag ang pagkain sa kanyang harapan at sinunod ang tsaa.Nakita ko namang nakatulala si Lucian.
"Ayos ka lang ba Lucian? " tanong ko
"A-Ah oo ayos lang ako, salamat sa pagkain" nauutal niyang saad at sinimulang kumain.
Umupo naman ako at kumain na rin.
Mabuti naman at Nandito ka na Lucian, kahit papaano ay magaan na ang pakiramdam ko.
Tinignan ko naman siya, at eksaktong nagtama ang aming mga mata. Parang nakatitig yata siya sakin.
Nakita ko namang nabigla siya.
"May problema ba Lucian? " tanong ko
"A-Ah k-kasi may dumi ka sa mukha mo, teka lang wag kang kumilos" saad niya.
Agad naman akong nakaramdam ng hiya. Nakakahiya ka talaga Katrina.
Inilagay niya naman ang kanyang daliri sa gilid ng aking labi at pinunasan ang dumi.
Ramdam ko ang init ng kanyang haplos. Parang kakaiba yung dating niya. Nakakapanibago..
Ramdam kong namumula ang aking mukha. Nakakahiya talaga..
Nakita ko namang napatayo si Lucian.
Ano kayang nangyayari sa kanya?
May ibinulong naman siya."Nawala na ba yung dumi sa mukha ko Lucian? "tanong ko sa kanya.
"A-Ah oo" saad niya at umupo ulit.
Ano kaya ang nangyayari sa kanya?
Agad ko namang ibinalik ang atensyon ko sa pagkain.
"P-Pasensya ka na pala Katrina, natagalan ako sa aking pagbalik" saad niya habang di tumitingin sa akin.
"A-Ayos lang iyon Lucian, masaya naman ako sa pananatili ko dito sa bahay ni Inang" saad niya.
Ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa iyo Lucian, na abala kita simula noong akoy dumating dito.
Tumango naman siya.
"Kamusta ka na pala? " tanong ko
"Ahh maayos naman, medyo naging abala lang sa trabaho. Ikaw? Kamusta ka na? " tanong niya
Ngumiti naman ako
"Ayos lang ako, sa katunayan nga ay nasanay na rin ako dito. Mabuti nalang nandito sina Odeius at Inang, pati na rin ikaw Lucian" saad ko
Tinignan ko naman siya. Nakita ko siyang nakatitig sa akin.
Ano kaya ang problema ng lalakeng to? Adik kaya to?
"Lucian? "
Rui-Tito/Uncle
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...