KATRINA
Matapos sinabi iyon ni Inang ay agad kong pinaliguan si Ode.Madali lamang siyang paliguan, hindi naman siya malikot. Pero ang ipinag aalala ko ay ang kondisyon ni Ode. Pero wala naman sigurong masama kung ilalabas namin si Ode. Para na rin makalanghap siya ng presko na hangin.
Matapos kong paliguan si Ode ay gad ko siyang binihisan at pinabantayan muna kay Inang.
Agad naman akong tumungo sa banyo. Dahan dahan kong hinubad ang aking mga damit. Agad ko namang ni sinarado ang pinto, mahirap na baka may papasok nanamang sino sino at makita pa ang nakahubad kong katawan.
Agad kong pinaliguan ang sarili ko.
At hinayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan.Sa ilang linggong paninirahan dito, hindi ko na namalayan na unti unti ko na palang nakakalimutan ang pamilya ko. Parang agad ko na silang nakalimutan, parang nagustuhan ko na ang buhay ko dito kesa doon.
"Katrina anak? Tapos ka na ba? " narining kong tanong ni Inang mula sa labas ng banyo.
Agad ko namang kinuha ang tuwalya at binalot ang sarili ko.
"Ah oho Inang. Sandali lang po" saad ko at agad na lumabas sa banyo.
Nakita ko naman si Inang na karga karga si Odeius.
"Sige na magbihis ka na, nandoon na sa iyong silid ang iyong susuotin" saad ni Inang.
Tumango naman ako at pumasok sa aking silid at nagbihis.
::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
LUCIAN
matapos kong gawin inyon ay nagsibihis na si Genesis at Raiah.
Bahid sa mukha ni Raiah ang pagka inis."Kainis! "saad ni Raiah
Nakita ko namang tumawa si Genesis at niyakap si Raiah.
"huwag kang mag alala mahal ko, marami pa tayong pagkakataon para gawin iyon. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita" saad niya.
"Ikinalulungkot kong sabihin Genesis na ito na ang huli niyong pagkikita ng aking kapatid" pabulong kong saad.
Ngumiti naman si Raiah at hinalikan sa pisngi si Genesis.
"Tama ka mahal ko, pero sa ngayon kailangan muna nating maghiwalay. Babalik muna ako sa kaharian. At bumalik ka na rin sa iyo , baka hinahanap ka na ng iyong kapatid" saad ni Raiah.
Tumango naman si Genesis at hinalikan sa huling pagkakataon si Raiah.
"Mahal kita" saad ni Genesis
"Mahal din Kita, tandaan mo yan" saad ni Raiah.
At doon naghiwalay ang dalawa. Tinahak nila ang mga daan pabalik sa kanilang mga kaharian.
Agad naman akong bumaba sa puno at sinundan si Genesis.
Kailangan kong malaman kung paano siya nakapasok dito.
Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa makarating siya sa pinakadulo ng kagubatan.
Agad naman akong tumago sa likod ng isang puno. At doon nakita kong may dinukot si Genesis sa kanyang bulsa.
"Septrie Oum Direthus Kupwei! "
Matapos niyang sabihin iyon ay agad bumungad ang isang lagusan.
Kumunot ang noo ko
"ginagamit niya ang maitim na majica" saad ko.Kailangan may gawin ako upang hindi na sila muli pang magkita ni Raiah.
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...