LUCIAN
Matapos ang pagbisita ko kay Tandang Demetrius ay agad akong bumalik sa aming kaharian.
Agad akong dumeresto sa aking silid.
Kumuha ako ng alak at tinanaw ang mga bituin mula sa aking bintana.Sa tuwing natatanaw ko sila, naalala ko si Katrina.. Ewan ko ba pero kasing ganda niya ang mga bituin.
Bumuntong hininga naman ako.
"Kamusta ka na kaya? Ayos ka lang ba? Pasensya na natagalan ako" pabulong kong saad.
"Huwag kang magalala Katrina, lilisan ka din dito kapag nagawa mo na ang iyong tungkulin" saad ko.
Matapos kong inumin ang alak ay agad akong humiga sa aking kama..
Dahan dahan kong sinarado ang aking mga mata at natulog....
____________________________________
Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata.
Tumayo ako at pumunta sa banyo at naligo.
Matapos maligo ay agad akong nagbihis at pumunta sa kusina para saluhan silang kumain ng agahan.
Pagkapasok ko sa silid ay agad kong nakita silang lahat na kumakain.
Nakita kong napakamatamlay ni Raiah.Yumuko ako, para akong sinampal ng aking konsensya.
"Lucian, halika na dito! Sabayan mo kaming kumain" saad ni Irma.
Agad ko naman siyang tinignan. Pilit kong ngumiti para sa kanya.
"Opo Irma" saad ko at umupo katabi ni Claudius.
Tumingin naman sakin si Claudius.
"Magandang umaga Vitri" saad nya at yumuko.Napangiti naman ako, napaka magalang talaga neto ni Claudius.
Ginulo ko naman ang buhok niya.
"magandang umaga din sa iyo Claudius at sa inyong lahat" bati ko sa kanila.
Bumati naman si Irma at Aba. Tanging si Calix at Raiah lang ang hindi sumagot.
Pasensya na mga kapatid ko, hindi kayo mapasasaya ni Vitri.. Lalong lalo na sa iyo Raiah...
Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na akong kumain..
Agad akong bumalik sa aking silid at nag empake.
Kailangan ko siyang makita ngayon..
............................................................
Makalipas ang ilang oras, lumabas na ako sa kaharian. Isinuot ko ang aking kaputsa at kinuha ang isang tela upang takman ang aking mukha. Mahirap na baka may makakilala sakin.
Habang tinatahak ko ang daan dito sa palengke. May nahagilap ang aking mga mata. Isa itong kwintas na may susi. Agad akong nabighani sa kagandahan nito...
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...