CHAPTER 21

2 2 0
                                    

KATRINA

  "S-Sino siya? "

Nauutal na tanong ni Lucian...
Yumuko naman ako at tinignan si Odeius, mahimbing itong natutulog.

Tinignan ko naman ulit si Lucian,  na mukhang nabigla..

Huminga ako ng malalim..

"Mahabang kwento Lucian,  pero bago ko ikwento sayo lahat pumasok ka muna. " saad ko at pinapasok siya.

Agad naman siyang pumasok at sinarado ang pinto.

Inilagay ko muna si Ode sa kanyang lalagyan at tinignan si Lucian.

Basang basa ito..

"Teka lang Lucian kukunan muna kita ng damit,  mukhang napaligo ka sa ulan" saad ko at pumunta sa bakanteng silid kung saan nilalagay ni Inang ang mga damit ni Lucian na naiwan niya dito.

Agad naman akong bumalik kay Lucian.  Naabutan ko siyang tinitignan si Odeius.

"A-Ah Lucian heto na ang damit mo" saad ko.

Agad naman siyang lumingon at kinuha ang damit.

"Salamat" saad niya at pumasok sa bakanteng silid.

Agad ko namang nilapitan si Odeius.
Mahimbing parin itong natutulog.

Napabuntong hininga naman ako.

Paano ko kaya sasabihin kay Lucian ang tungol kay Odeius?  Sasabihin ko rin ba sa kanya na nakita ko si Ode sa panaginip ko?  Dapat niya bang malaman iy---

"Katrina? " tawag ni Lucian

Agad naman akong napalingon at nakita kong nakabihis na siya.

"Ah Lucian" saad ko

"Siya ngapala nasaan pala si Inang? " tanong niya at umupo sa silya.

"Ah nagpapahinga siya sa kanyang silid.  Gusto mo bang gisingin ko si Inang? " tanong ko sa kanya.

"Di bale na,  hihintayin ko nalang siyang magising" saad niya.

"ah sige..  Gusto mo ba ng tsaa Lucian? " alok ko sa kanya.

Tumango naman siya.

Agad akong gumawa ng tsaa at kumuha ng tinapay.

Makalipas ang ilang minuto ay nagawa ko na ang tsaa at inilagay ito sa tasa at ibinigay ito kay Lucian kasama ang tinapay.

"Salamat" saad niya.

Umupo naman ako katapat sa kinauupuan ni Lucian. 

"Sino ba talaga siya Katrina? " tanong ni Lucian habang iniinom ang kanyang tsaa.

Huminga naman ako ng malalim.

"Maniwala ka man o hindi,  hindi ko rin alam kung sino o kung ano ang totoong pagkatao niya. Natagpuan siya ni Inang sa may tubigan,  nakalagay siya sa isang buslo.  At tanging ang kanyang kwintas lang ang nagpapahiwatig ng kanyang pangalan... " paliwanag ko

"Sinubukan naming magtanong kung sino ang mga magulang niya ngunit bigo kami" saad ko.

Hindi ko alam pero parang kumikirot ang puso ko,  dapat ko kayang sabihin kay Lucian ang tungkol sa panaginip ko?  Baka hindi niya ako paniwalaan.

Tinignan ko naman si Lucian,  nakatitig lang siya kay Odeius..

"Anong pangalan niya? " tanong niya.

"Odeius" saad ko.

Tumango siya
"Bunga ng kakaibang pag-ibig" saad niya.

'Iyan din ang sabi ni Inang" saad ko

A BROKEN FANTASY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon