Chapter 8

13 4 2
                                    

LUCIAN
    Ramdam ko parin ang pamumula ng aking mga pisngi sa t'wing na aalala ko ang nangyari kagabi...

Hindi ko talaga maipaliwanag ang nadama ko kagabi noong nakita kong nakahubad si Katrina..

Para bang nanginit ang aking katawan, at di ako makapag isip. Nababaliw na yata ako.

Pinikit ko muli ang aking mga mata..
At doon nakita ko nanaman siya.

Ang kanyang kutis na kasing linaw ng kalawakan. Ang kanyang mga mata na kasing ganda ng mga tala. Ang labi niyang kasing pula ng bagong pitas na rosas. Ang dibdib niyang kay lus---

"Tama na Lucian! Nirerespeto dapat ang mga babae! Hindi pinapantasyahan ng kung anong anong kalaswaan" saad ko sa sarili ko.

Nakakahiya ka talaga Lucian

Saad ko sa isipan ko. Kung hindi lang sana ako pumasok doon sa banyo edi sana kakaunti lang ang gumugulo sa isip ko ngayon..

"Vitri?"

Agad akong napatingin sa taong nagsasalita. Ang boses na kilalang kilala ko..

Ngumiti siya at naglakad patungo sa akin..

Kay bilis pala ng panahon, noon palang ay tinuturuan pa kitang mag lakad. Umiiyak ka pa nga noon sa twing nadadapa ka. Pero ngayon matiwasay ka nang naglalakad..

"Vitri? Ang lalim yata ng iniisip mo, may problema ba? May nangyari bang masama sa iyo? At saan ka ba nagsusuot? Kahapon kapa nawawala! Alalang alala si Irma at Aba Sa iyo!" sumbat ng kapatid kong si Claudius.

"Vitri? Ang lalim yata ng iniisip mo, may problema ba? May nangyari bang masama sa iyo? At saan ka ba nagsusuot? Kahapon kapa nawawala! Alalang alala si Irma at Aba Sa iyo!" sumbat ng kapatid kong si Claudius

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Hinimas ko ang sinturon ko at ipinikit ang aking mata..

"vitri? Bakit ayaw mong sumagot? Napa away ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ulit ni Claudius.

Binuksan ko ang mga mata ko at tinignan siya..

"Shhhh, isa isahin mo lang ang mga tanong mo Claudius, mahina ang kalaban. At tska maayos lang ako. Pagod lang ako dahil sa paglalakbay. Bigla ko nalang kasing napagdesisiyonan na bisitahin ang kaibigan ko na nakatira sa pinaka dulo ng Lemuria, kaya di ako nakapag paalam sa inyo" mahabang litanya ko.

Paumanhin Claudius, kanakailangan kong mag sinunggaling sa iyo. Pero para din ito sa kapakanan ng lahat at sa ating pamilya..

Natahimik naman si Claudius at ngumiti...

Sa lahat ng aking mga kapatid si Claudius ang pinaka mabait at maalahanin. Hindi ito marunong magtanim ng galit. At napaka matulungin nito. Pero sabi nga ng lahat. Walang nilalang sa mundo ang perpekto...

"Vitri? Ayaw mo bang pumasok? Inaantay na Tayo ni Irma at Aba" tanong ni Claudius..

Tumango naman ako at sumunod Kay Claudius. May mga ilang ilang nagtratrabaho dito sa kaharian ang bumati sa amin ng aking kapatid.

A BROKEN FANTASY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon