KATRINA
"Lucian.."
Saad nung matandang babae. Naramdaman kong binitiwan ni Lucian ang aking kamay at naglakad patungo doon sa matandang babae.
Ngumiti naman ng malapad ang babae at tska niyakap si Lucian ng mahigpit. Kamag anak ba sila? Impossible namang ina siya ni Lucian dahil magka ibang iba sila...
Bumuwag sa pagkakayakap si Lucian at tinignan ang matandang babae.
"Inang, ikinagagalak kong makita ka muli. Pasensya na at ngayon lang kita nabisita muli. Alam mo naman kung gaano ako ka abala sa aking trabaho" saad ni Lucian.
Ngumiti naman ang matanda
"Alam ko Lucian, kaya wag kang mag alala hindi magtatampo si Inang" saad ng matanda.Tumingin naman sa akin ang matanda. Ngumiti siya sa akin..
Ningitian ko naman siya pabalik. Para akong nawawala sa pwesto sa pagitan nilang dalawa..."magandang gabi ho" saad ko sa matanda.
"magandang gabi rin, tila ngayon lang kita nakita dito sa Lemuria? Bago ka ba dito anak?" tanong ng matanda..
Ano bang isasagot ko? Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito?
Pero bago paman ako makasagot ay narinig kong nagsalita si Lucian.
"Kung ako sa iyo Inang huwag mo nalang tanungin iyan. Malilito ka lang kagaya ko. Kaya nga pumunta kami dito upang hingin ang iyong tulong." saad ni Lucian At naglakad papunta sa tabi ko.
Tinignan ko naman siya, bato parin ang kanyang ekspresyon.
Tinignan ko naman ang matanda. Tila nalilito din ito.
"anong ibig sabihin mo Lucian? Na hindi siya taga rito sa Lemuria? Pero Impossible namang taga Eleria siya o galing siya sa bayan ng mga Luswel o sa bayan ng Aquarius! Napaka hirap pasukin ang Lemu---"
Bago paman matapos magsalita ang matanda ay agad sumingit si Lucian.
"kumalma ka Inang, hindi siya taga Eleria o ni taga Aquarius. Ni hindi nga siya nabibilang sa buong kaharian ng Virgo. Kaya nga ako pumunta dito Inang upang hingin ang iyong tulong." saad ni Lucian at bumuntong hininga... "ngayon Inang ang kailangan ko lang ay ang sagot mo, tutulungan mo ba kami o hindi?" saad ni Lucian.
Ngumiti naman ang matanda
"Oo, kahit nalilito parin ako tutulungan ko kayo"saad ng matanda."kung gayon salamat Inang"saad ni Lucian.
At doon Pinapasok kami ni Inang sa mumunting bahay niya..
=============================
Matapos kaming pumasok sa bahay ay agad kaming pinakain ni Inang. Itinuro din niya ang magiging silid ko. Pinahiram din niya ako ng damit para makaligo ako.
Bago ako pumasok sa banyo at nakita ko si Lucian na nakatalikod at nakatingin sa labas ng bintana...
Hindi ko nalang siya inistorbo at pumasok nalang ako sa banyo.
Dahan dahan kong hinubad ang aking kasuotan at hinayaan ang tubig na yakapin ang aking katawan...
Napag isip isip ko rin...
Bakit kaya ako napadpad dito? Base sa nakikita ko hindi ito ordinaryong Lugar, parang may nararamdaman akong kakaiba dito...Ano kaya ang mangyayari sa akin dito? Dito na ba ako habambuhay? Dito naba ako tatan--
Bumalik ako sa tamang pag iisip noong narinig kong bumukas ang pinto ng banyo...
At doon nakita ko si Lucian na halatang gulat..
Noong una nalilito ako kung bakit sa gulat na gulat ng makita niya ako..
Pero unting unti kong nalaman kung bakit..."AHHHHHHHHHHH" napasigaw ako at agad agad nag bihis..
Nakita ko namang tumalikod si Lucian..
Napa mura nalang ako sa isipan ko.
Jusko nakakahiya..."Pa-pasensya na K-Katrina. Hindi ko batid na andito ka pala" saad ni Lucian...
Bago paman ako makasagot ay nakita kong dumating si Inang na halatang nag alala kung anong nangyari...
"may nangyari ba? At bakit ka nandito sa banyo Lucian? Sa pagkaka alam koy naliligo si Katrina dito" saad ni Inang
Yumuko naman si Lucian..
"patawad Inang, hindi ko batid na naliligo pala si Katrina. Kasalanan ko ito, dapat kumatok ako bago binuksan ang pinto"saad ni Lucian.
"abay dapat lang! Wag na wag mo nang gagawin ulit iyon Lucian, talagang malilintikan ka sa akin" saad ni Inang.
Nanatili paring yumuko si Lucian at lumabas sa banyo..
Tinignan ko naman si Inang..
"ayos ka lang ba anak?" tanong nito sa akin...
"opo inang" saad ko at naglakad patungo sa aking silid.
Ramdam kong kay pula ng aking pisngi dahil sa nangyari kanina...
Pumasok ako sa aking silid at agad agad humiga sa kama...
"nakakahiyaaa"

BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...