LUCIAN
"Saan ka galing vitri? " Tanong ni Raiah. Agad naman akong ngumiti at tinignan siya."Tinignan ko lang kung naka pwesto ang mga gwardya sa kanilang bagong dinestino na gwgwardyahan" saad ko
Tumango naman siya at ngumiti.
"Bakit Raiah, may kailangan ka ba? " tanong ko.
Tinignan niya ako sa mata...
Alam kong may gusto kang sabihin Raiah, alam kong may problema ka.
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, yung ngiting unang ngiting binigay niya sa amin noong bagong silang pa lamang siya...
"Wala vitri" saad niya.
Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok niya.
Agad naman siyang sumimangot.
"Vitri naman! Ang tanda tanda ko na ginagawa mo parin iyan sakin" saad niya.
Tumawa naman ako.
"Hindi parin iyan magbabago Raiah, ikaw parin yung Raiah na pinaka makulit, ikaw pa rin yung Raiah na kina iinisan ni Calix, at ikaw pa rin yung Raiah na pinalaki ko" saad ko sa kanya.
Bigla nalang akong nagulat noong yumakap sa akin si Raiah...
Hindi siya umimik, tanging niyakap niya lang ako.
Niyakap ko naman siya
Ganito siya noong bata pa lamang siya, bigla na lang niya akong niyayakap kapag may problema siya..
"Alam kong may problema ka Raiah, sige lang ibuhos mo lang yang nararamdaman mong sakit. Kahit di mo pa sabihin alam kong may problema ka, ako yata nagpalaki sayo kaya kilala kita. Ayos lang sa akin kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo, bastat tandaan mo nandito kami para sayo, nandito si Vitri para sayo" saad ko.
At doon, narinig kong umiyak si Raiah. Humagulhol ito
"S-Salamat V-Vitri" saad niya..
"Wala iyon Raiah, sige lang umiyak ka lang" saad ko.
Pumiglas naman siya sa pagkakayakap.
Pinunasan niya ang mga luha niya.
Agad akong nakaramdam ng kirot ang aking puso.
Naalala ko yung mga panahon umiiyak si Raiah noong bata pa lamang siya..
Alam kong may kinalaman ang aking ginawa sa pag iyak ni Raiah...
Patawarin mo sana ako Raiah, di ginusto ni Vitri ito, pero wala akong magagawa pa... Patawad
"Vitri"
"ano iyon Raiah"
"May sasabihin ako sayo"
KATRINA
Matapos akong magbihis ay agad akong lumabas sa aking silid.
"anak handa ka na ba? "tanong ni Inang
Ngumiti naman ako at tumango
"Opo Inang" saad ko at kinarga si Odeius.
"Tara na" saad niya at lumabas na kami ng bahay.
Agad kaming naglakad patungong palengke.
Sa aming paglalakad, naalala ko ang mga daan na tinahak namin ni Lucian patungo kina Inang.
Napangiti naman ako noong naalala ko si Lucian.
Kamusta na kaya siya? Kelan kaya siya babalik?

BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...