"Alira"
Agad naman akong napanganga.
"Sino ba si Alira anak?" tanong ni Inang.
Paano ko ba sasabihin sa kanya? Hinde naman pwedeng sabihin ko ang totoo sa kanya. May kutob akong magkakagulo kapag sabihin ko kay Inang ang totoong pagkatao ni Alira at Odeius.
"Ah...ah.. Si Alira? Ahm kapatid ko siya. P-pero wala na siya ngayon. Kinuha na siya sa amin" saad ko
Patawarin mo sana ako Inang.
Kumunot naman ang noo ni Inang
"Ganun ba. Napaka malungkot pala ang nangyari kay Alira" Saad ni inang."Napakalungkot talaga Inang"
Dahil pinatay siya dahil sa sanggol na iyan."Oh siya, halika na pakainin na natin si Odeius" saad ni Inang.
"opo" saad ko at sumunod kay Inang.
Tinignan ko naman si Inang habang pinapakain si Odeius.
Bakit napaka misteryo ng pagkatao mo Odeius. Bakit ka dumating sa mga buhay namin? Bakit kaya pinatay ang Ina mo nang dahil sayo?
"Katrina, anak? Pwede mo bang kunin ang damit ni Odeius?" sugo ni Inang.
Natauhan naman ako at tumango.
Agad kong kinuha ang damit ni Ode na nakapatong sa mesa.
Agad ko naman itong inabot kay Inang at pinalitan ng damit si Ode.
Pero bigla nalang nilagay ni Inang si Ode pabalik sa kanyang lalagyan at hinawakan ang kanyang bewang.
Agad naman akong nag alala at lumapit kay Inang.
"Inang, may masakit ba sayo?" Tanong ko.
Umiling naman ito.
"Wala ito anak, dala lang ito sa katandaan ko. Wag mo na akong alalahanin" sabi niya."sige na Inang magpahinga ka muna. Ako nalang muna ang mag aalaga kay Ode" saad ko.
Napakunot naman ang noo ni Inang.
"Sigurado ka ba anak?"tanong niya sa akin.Ngumiti naman ako at tumango
"opo Inang."sabi koTumango naman siya at dahan dahang naglakad papunta sa kanyang silid.
"Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka" saad niya at pumasok sa silid niya.
Agad ko namang tinignan si Ode.
Sino kaya ang ama mo Odeius? Sino kaya ang tinutukoy ni Inang ?
Agad naman itong ngumiwi at umiyak.
Agad ko siyang kinuha sa kanyang lalagyan. At hinimas ang kanyang likod.
"shhh tahan na Ode" mahinahon kong saad.
Pero sa di inaasahan, mas lumakas pa ang pag iyak niya.
Agad ko namang kinuha ang gatas niya at pinainom ito sa kanya. Pero wala parin, umiiyak parin siya..
"Ano bang problema Ode, bakit ka umiiyak?" tanong ko..
Hindi parin siya tumitigil sa pag iyak.
Talagang malilintikan ako ni Inang sa kalagayang ito.
Hinimas himas ko ang likod ni Ode para tumahan ito.
Pero bakit kaya parang may dalawang bukol sa likod niya?
Normal kaya to sa mga tao dito?
Agad ko naman itong tignan....
"O-Ode? ba-bakit ganito?!" tanong ko
Parang may lalabas sa dalawang bukol sa likod niya.
Agad ko namang kinurap ang mga mata ko kung totoo ba ang nakikita ko.
Pero sa pagkadismaya ko nandun parin and dalawang bukol sa likod niya.
Siguro totoo ang sinabi ng lalakeng nagpaslang kay Alira....
May sumpang dala si Odeius...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I'm back after 48 years hahaha😂Enjoy guys and keep reading my book.
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...