CHAPTER 4

13 6 0
                                    

KATRINA

Matapos akong pumayag kay Lucian na sumama sa kanya, ay agad niyang hinawakan ang kanyang kamay at hinila ako para tumakbo.

Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa utak ni Lucian.

"teka lang! Bakit ba tayo tumatakbo?!" tanong ko habang tumatakbo kasama si Lucian..

Tinignan niya ako ng masama..
Tila ba na bwibwisit siya sa akin..

"mamaya na kita sasagutin! Sa ngayon tumakbo ka nalang!" saad niya..

Matapos ang ilang oras ay tumigil na rin kami sa pagtatakbo ni Lucian..
Pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko...

Akma naman siyang lalakad ulit ngunit pinigilan ko siya...

"teka lang! Magpahinga muna tayo, hinihingal pa ako"saad ko

Tinaasan niya naman ako ng kilay
"wala na tayong oras para magpahinga , kaya ako sayo lumakad kana diyan!" saad niya

Napairap naman ako "hmm sungit" saad ko sabay lakad kasabay niya.

"teka lang, bakit ngaba tayo tumatakbo kanina? Eh wala namang humahabol sa atin ah" saad ko habang naglalakad parin "at bakit mo ba hinahawakan ang kamay ko?"saad ko rin.

Ngunit wala akong nakuhang sagot mula kay Lucian, tinignan niya lang ako ng masama at nagpatuloy na lumakad...

"Teka huli nato, saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman siya at tinignan ako " sa lugar na walang masyadong tao, at sa lugar kung saan alam kong ligtas ka" saad niya.

Napatango naman ako. Saan kaya yun? Malayo pa ba yun? Nakakatakot ba dun?

Bumuntong hininga nalang ako at inalis yung mga tanong sa isip ko at sumabay nalang kay Lucian sa paglalakad...

Matapos ang ilang oras na paglalakad bigla nalang kuma usap sa akin si Lucian..

"Katrina?" sabi niya habang nakatingin parin sa daan

Bigla naman akong kinabahan, ano nanaman ba ang gagawin niya sa akin? Tanong ko sa isipan ko...

"ano yun Lucian?" tanong ko sa kanya..

"pwede mo ba akong kwentohan sa iyong sarili, kung maari" mahinahon niyang saad.

Napangiti naman ako ng mapait..
"Kahit hindi man ganito ka ganda ang tungkol sa sarili ko, ekwekwento ko parin.."saad ko at huminga ng malalim..

"Isa lang akong normal na tao, nagtratrabaho ako ng sobra sobra para sa pamilya ko, di naman nila sinabi na mag trabaho ako ng ganon pero gusto ko lang silang bigyan ng magandang buhay. Mas inuuna ko yung kaligayahan nila keysa sa akin..
Nakakatawa mang pakinggan pero totoo yun, hindi naman gaano ka importante ang kaligayahan ko, at tsaka paano naman ako sasaya kung alam ko na kahit anong oras ay kukunin ako ng panginoon dahil sa sakit ko. Ni minsan ay hindi ko naranasan ang kaligayahan.. At ang mas masaklap pa nito ay mas pinili mong hindi ipag alam sa pamilya mo ang karamdaman mo kahit minsan gusto mo nang sumigaw sa sakit na nararamdaman mo" mahabang saad ko.

"pero alam mo, ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Ganito siguro ang pakiramdam na may masasabihan ka sa problema mo. Dahil ni isang tao wala akong mapagsabihan kahit pamilya ko. Pasensya na, tila nadala ako sa emosyon ko" sabi ko kasabay paglabas ng maliit na tawa.

Tinignan ko si Lucian,nakatingin siya sa akin. Pero sa di inaasahan, ngumiti siya, bakit kaya sa nakangiti?

"may probelama ba Lucian?" tanong ko sa kanya..

Umiling siya "Wala, tila naalala ko rin ang sarili ko noon, kahit ang daming tao na nagmamalasakit sayo wala ka paring tao na masasabihan sa mga problema mo. " sabi niya habang natatawa..

Napangiti naman ako, siguro kahit gaano ka magkaiba ang mga tao sa mundo may iisa silang magkapareha.

"ikaw Lucian, pwede mo ba akong kwentohan tungkol sa iyong sarili" saad ko habang tinitignan siya..

Umiling siya "baka mag iba ang tingin mo sa akin kapag nalaman mo kung ano ako" saad niya

Huh? Ano bang pinagsasabi nitong lalakeng to?

"hindi naman ako nanghuhusga Lucian, pangako mananatili parin ang pagtingin ko sayo kahit ano pamang sabibin mo" sabi ko..

"pangako?" saad niya

Ngumiti naman ako at tumango sa kanya..

Huminga naman siya nang malamin at saglit na tumingin sa akin..

" Hindi ako ka aya aya, kinatatakutan parin ako ngayon dahil sa nakaraan ko. Di ko man gusto na kinakatakutan ako pero wala na akong magawa, nakalagay na sa mga kukute ng mga tao kung anong ginawa ko noong Limampung taon na ang nakalipas" saad niya..

Napakunot naman ang noo ko, ilang taon naba siya? Parang magkaedad lang kami. Impossible namang nag pa retoke siya..

Tumawa siya ng mahina " alam kong iniisip mo Katrina, mahigit isang  daang taon na ako. Dahil ang mga tao dito ay immortal at tanging ang bathalang si Eroa lang ang kikitil sa aming buhay" sabi niya

Tumango naman ako at sinenyasan siyang ipagpatuloy ang pagkwento.

"gaya ng sinabi ko kinakatakutan ako dahil sa ginawa ko noon.  Limampung taon ako noon nung nagsimula ang digmaan ng Lemuria at Eleria. Pero nung una, ayaw kong sumali sa digmaan dahil ayaw kong pumatay.  Pero nagbago ito noong nakita ko ang isang pamilya na pinatay ng walang kalaban laban. Nagalit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para iligtas sila... At simula nung araw na iyon, sumali ako sa digmaan. Ginamit ko ang aking galit sa mga kalaban, walang awa ko itong pinaslang. Pero gayun paman, kung mas papairalin mo ang iyong galit ay mawawala ka sa iyong tamang pag iisip.  At doon pinaslang ko ang mga inosenteng Elerian, noong una hindi ako nakaramdam ng pagsisisi. Ngunit dumating ang isang gabi, nilusob namin ang isang bayan sa Eleria at tulad ng sinabi ko, punong puno ako ng galit. Sinalakay ako ang mga bahay bahay doon, at bawat tao na nandoon sa bahay na iyon at pinaslang ko ng walang kalabanlaban. Pero noong sinalakay ko ang isang bahay, bigla ko nalang sinaksak ng espada ang isang batang walang kalaban laban.  At doon natauhan ako. Sa gusto kong ipaghiganti yong pamilyang walang kalaban labang pinatay ay di ko na namalayan na pumapatay na rin ako ng mga inonsenteng tao kagaya nila. At doon lumaganap ang mga balita sa pagpaslang ko sa mga inosenteng tao." mahabang saad ni Lucian at bumuntong hininga.  Inilagay ko ang aking palad sa kanyang balikat at tinignan siya..

"alam mo Lucian, kahit  alam kong mali ang ginawa mo noon, hindi parin nagbabago ang pagtingin ko sa iyo.  Alam Mo kaya hindi tayo ginawang perpekto ng panginoon ay dahil upang makaranas tayo ng pagkakamali, at dahil sa pagkakamaling iyon natututo tayo. Para itong nagsisilbing aral sa atin. At tulad mo na nakaranas ng pagkakamali ngunit tignan mo nagbago ka sa paraang alam mong ikakabuti sayo. Kaya hindi ko masasabing masama ka Lucian. Dumaan ka lang sa iyong pagsubok" saad ko..

Ngumiti naman siya ng malapad.  Kay ganda pala ng ngiti ni Lucian sana palagi nalang siyang nakangiti...

"salamat Katrina, kahit papaano ay gumaan ang aking loob dahil sa sinabi mo" saad niya at nagpatuloy kaming naglakad..

A BROKEN FANTASY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon