RAIAH
Matapos ang aming pagkikita ni Genesis ay agad na akong bumalik sa kaharian.
Napangiti naman ako, naalala ko ang una naming pagkikita..
Nasa palengke ako noon, isa isa kong binati ang mga nagtitinda...
Naglakad lang ako, hanggang may bumangga sa akin..
Lumingon ako sa nakabangga sa akin.
At doon parang tumigil ang ikot ng aking mundo...Parang hinihila niya ang aking kaluluwa. Hindi ko marinig ang mga usap usapan sa aking paligid. Tanging pagtibok ng aking puso lang ang aking naririnig...
Tinignan ko siya ng maigi, napaka amo ng kanyang mukha. Kay ganda ng kanyang mga mata, napaka tangos ng kanyang ilong, napaka pula ng kanyang mga labi parang gusto ko itong halikan...
"Pasensya na" saad niya at agad umalis...
Inisa ko yung kamay ko upang pigilan siya ngunit bigo ako.
"T-Teka lang! " pigil ko
Lumingon naman siya at mukha itong nagtataka.
"Bakit? " tanong niya..
"Pakibalik yung puso ko..."
Yan ang sinabi ko sa kanya, di ko alam kung bakit ko nasabi iyon..
Napatawa nalang ako..
"Salamat Eroa at ibinigay mo sa akin si Genesis.. " saad ko
Makalipas ang ilang oras, dumating na ang hapunan. Lahat kami ay naka pwesto na sa kanya kanyang upuan.
Nag alay ng kaunting panalangin si Aba at pagkatapos nun ay nagsimula na kaming kumain.
"Kamusta ang araw mo Lucian? " tanong ni Aba.
Nakita ko namang ngumiti si vitri
"Maayos naman Aba, nagka problema ng kaunti sa mga bagsakan pero na ayos ko naman" saad niya.Tumango naman si Aba
"Mabuti naman"Mabuti pa si Vitri, lagi niyang na sosolusyunan ang mga problema. Pero dapat lang, siya kasi ang tagapagmana. Balang araw magiging hari siya. At kailangan maging matalino ka at kaya mong pamunuan ang buong kaharian.
"Ikaw Calix? Kamusta ang araw mo" tanong ni Irma.
Nakita ko naman si vitri Calix na parang walang ganang kumain.
Napabuntong hininga naman siya.
"Gaya parin ng dati, ang daming gawain" matamlay niyang saad.Napangiwi naman ako, ano kaya ang problema nitong si vitri Calix, para yatang pasan niya ang mundo.
Nakita ko namang tumango si Irma, bahid sa kanyang mukha ang lungkot. Gaya naming lahat, ramdam namin na may problema si Vitri Calix.
"Claudius? Ikaw, kamusta ang araw mo? " tanong ni Aba.
Ngumiti naman si Vitri Claudius, buti pa siya. Laging masaya. para yatang walang problemang dinadaanan.
"Mabuti naman Irma, nanggaling ako sa liblib na parte ng kaharian, binisita ko ang mga tao doon. Kinamusta ko rin ang kabuhayan nila. At sabi pa nila, handa daw silang makipag tulungan sa kaharian sa paraan ng pagpapadala ng mga mangagamot dito sa kaharian para tulungan ang mga may sakit" saad niya.
Napangiti naman si Aba
"Aba! Mabuti iyon Claudius. Salamat at nasulusyunan mo iyon" saad ni aba.Tumingin naman sa akin si Irma
"Ikaw Raiah? Kamusta ang Araw mo?" tanong niya.
"a-ah a-no, mabuti naman. Nasulusyunan namin ng mga magsasaka ang paglaganap ng mga peste sa kanilang mga ani" saad ko
Alam kong masamang mag sinungaling pero... Hindi pa ang tamang oras para sabihin ko sa kanila ang relasyon namin ni Genesis.
Natatakot ako, baka hindi nila tanggapin si Genesis...
"Mabuti naman kung ganun. " natutuwang saad ni Irma.
Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa kanya kanyang silid..
Agad akong huminga sa aking kama.
Napabuntong hininga nalang ako."Sana maging maayos na ang lahat" saad ko at unti unting natulog..
Kinaumagahan ay agad akong nag handa sa pagkikita namin ni Genesis.
Matapos kumain ng agahan aya agad akong naligo.Matapos akong naligo ay agad akong nagbihis. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Ang gwapo mo Raiah" patawa kong saad.
Pakatapos nun ay agad na akong tumungo sa tagpuan namin ni Genesis.
Umakyat ako sa isang puno at umupo doon. Naghintay ako kay Genesis na dumating.
Ngumiti ako..
"makikita ko nanaman siya" saad ko.
............................................................
Makalipas ang ilang oras hindi padin dumadating si Genesis. Nagsimula na akong magalala..
Nilibot ko ang paligid, nagbabasakaling nandoon siya..
Pero bigo ako. Walang ni anino ni Genesis ang aking nakikita."Genesis, nasan ka na ba? " saad ko
Napabuntong hininga nalang ako.
Nagsimula nang dumating ang kadiliman. Wala pa rin si Genesis.
Para na akong maiiyak.
"Bat ganun? Iniwan na ba talaga ako ni Genesis? " nanlulumo kong saad.
"GENESIS! "
"GENESIS!!!! "
"GENESISSSSSSSSSS!!!!!!!!! "
"mahal ko nasaan ka na? " saad ko habang may luhang tumakas sa aking mga mata...
..........................................
Makalipas ang dalawang araw, hindi ko parin nakikita si Genesis. Sinubukan ko siyang hanapin sa dati naming tambayan. Pero bigo parin ako.
Napakaraming mga katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.
Lumisan siya nang wala man lang paalam. Ni wala man lang sinabi kung bakit siya nawala.
Hindi naging handa ang aking puso.
"Genesis bat ganun? Bat lumisan ka?" pabulong kong saad.
Naglakad ako patungo sa aming kaharian.
Para yatang namamatay ang aking kaluluwa. Di ko kayang mawala siya.
"Hahanapin kita Genesis" pabulong kong saad.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na ako sa kaharian.
Binati ako ng mga tao doon. Pero wala akong ganang batiin sila.
Pasensya na, di ko kayang ngumiti ngayon..
"Prinsipe Raiah" may isang boses na tumawag sa akin.
Lumingon ako.
Tinignan ko siya. Ang pananamit niya ay hindi pang Lemurian. Katulad ito kina Genesis.
May parte sa akin na sumigla. Hindi ko alam kung bakit. Pero baka may kasagutan siyang dala.
"ano iyon Elerian? " tanong ko sa kanya.
Napangiti naman siya.
"Mabuti naman at napansin mo agad" natatawa niyang saad"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ako si Amihiro, at ipinadala ako dito ni Haring Dominus ang kapitid ni Prinsesa Genesis upang imbitahan kang pumunta sa aming kaharian.. "
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...