LUCIAN
Makalipas ang ilang oras, dumating na ang gabi. Lumapit ako sa bintana upang silayan ang mga nag niningning na mga tala.Kasing ganda mo sila Katrina
Saad ko sa aking isipan. Napangiti naman ako.
"Kamusta na kaya siya? " saad ko sa aking isipan.
"Mahal na prinsipe, handa na po ang inyong kabayo" saad ng isang katulong dito sa kaharian.
"Maraming Salamat" saad ko at agad pinuntahan ang kinaroroonan ng aking kabayo..
Agad akong sumakay sa aking kabayo at naglakbay papuntang palengke.
Hindi ako mamamalengke.. Sadyang doon lang talaga ang daan papunta sa bahay ni Tandang Demetrius.
Oo, pupuntahan ko siya. Kailangan ko na talaga ng mga kasagutan. Alam kong naiinip na si Katrina..
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa palengke..
Agad kong pinwesto ang kabayo ko sa gilid at sinuot ang kaputsa ko.
Mahirap na, baka may makakakilala sakin dito at makapag sumbong pa kay Aba...
Sinimulan kong lumakad. Niyuko ko lang ang ulo ko para iwas tingin sa mga tao.
Mga ilang minuto ang nakalipas nakarating na ako sa bahay ni Tandang Demetrius..
Kumatok ako..
"Sino yan? " tanong nito.
"Luthuis" saad ko.
Yan kasi ang tawag niya sa akin noong bata pa ako. Guro ko dati si Tandang Demetrius kaya ako malapit sa kanya.
Isa siyang Prelian. Ang mga Prelian ay mga ninuno ng majica dito sa Virgo. Nakatira sila sa isang isla na wala man sino mang nakakakita maliban sa mga Prelian.
Limang Kaharian ang bumubuo ng Virgo. Ang Lemuria, Eleria, Luswel, Prelia, at Aquarius.
Agad namang binuksan ni Tandang Demetrius ang pinto.
Nakita ko siyang ngumiti.
"Luthuis! Mabuti naman at napadaan ka" saad niya at niyakap ako.
Nikayap ko din siya at napatawa.
"Ikinagagalak kong makita ka muli guro ko" saad ko.
"Oh siya siya, halika! Tumuloy ka" saad niya at pinatuloy ako sa kanyang bahay.
"Umupo ka muna, Gusto mo ba ng tsaa? " tanong niya.
Tumango naman ako.
"Oh sige, maghintay ka muna" saad niya at pumunta sa kusina.
Tinignan ko naman ang paligid.
Makalat gaya ng dati. Maraming mga papel ang naka katag sa paligid.Hindi kasi ugali ni Tandang Demetrius ang mag linis.
May naka agaw naman sa atensyon ko. Isa itong mapa sa buong Kaharian ng Virgo..
Ngunit ang kaibahan nito ay may ika anim na kaharian..
Napakunot naman ang noo ko..
"Nandito na ang tsaa mo Luthuis" saad ni Tandang Demetrius.
Agad naman akong umupo at nag kunwaring hindi nakita ang mapa.
"Ah salamat" saad ko.
Umupo naman si Tandang Demetrius katapat sa kinauupuan ko.
"Bat napapasyal ka? Gabing gabi na. May problema ba? " tanong niya.
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...