Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong napadpad sa amin si Odeius.
Ilang linggo na ding nagpapakita ng kaibahan si Ode. Batid na din namin ni Inang na hindi pangkaraniwang Lemurian Si Ode.
At ilang linggo na ding hindi nagpapakita sa akin si Lucian. Nagsimula na akong mag alala pero sabi ni Inang hwag akong mangamba. Babalik daw si Lucian..
Sana babalik siya, dahil litong lito na ako. Nangangailangan ako ng kasagutan at tanging si Lucian lang ang makakatulong sa akin....
"Uwaaaaaaaaaa" agad naman akong napalingon noong narinig kong umiiyak si Ode.
Agad ko siyang kinuha sa lalagyan niya at kinarga.
"shhhh tahan na Ode" saad ko
Napabuntong hininga naman ako.
Lagi nalang ganito si Ode. Ilang linggo na siyang ganito. Di naman siya nilalagnat o may ano mang karamdaman.At ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong nadiskubre kong may dalawang bukol na tumutubo sa likod ni ode.
Habang tumatagal, lumalaki ito. At ang nakapagtataka pa ay wala namang lumalabas sa bukol niya.
Baka may sakit si Ode...o baka.. Hay ewan.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto
Agad ko namang tinignan ito at nakita ko si Inang na lumabas sa kanyang silid."Oh anak? Ayos ka lang ba diyan? " tanong ni Inang.
Tumango naman ako at ngumiti
"Ah oho Inang""Siya nga pala anak pupunta tayo ng palengke ngayon. Bibili lang tayo ng mga pangangailangan natin dito sa bahay" saa niya.
Kumunot naman ang noo ko.
"Wag mo sanang masasamain inang, pero di ba sabi ni Lucian na delikado akong lumabas? " tanong ko sa kanya.Tumawa naman si Inang.
"Huwag kang mag alala Katrina, akong bahala sa iyo" saad ni Inang.==============================
LUCIAN
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong nalaman ko ang tungkol sa pakikipagkita ni Raiah sa kapatid ng aming kalaban.Noong una gulong gulo ang aking isipan kung bakit nagawa iyon ni Raiah, pero noong nasaksihan ko ang pagkikita nila sa kagubatan. Doon ko naintindihan kung bakit iyon ginagawa ni Raiah.
Tanging iniirog ng aking kapatid ang babaeng nagngangalang genesis. Hindi ko parin alam kung paano nakakapasok si Genesis dito sa aming kaharian, higit na ipinagbabawal makapasok dito ang sino mang Elerian.
At yan pa rin ang problemang aking lulutasin...
Matapos akong magbihis ay agad na akong tumungo sa kagubatan upang manmanan si Raiah at Genesis.
Nauna ako ng isang saglit kay Raiah, agad naman akong umakyat sa isang malaking puno at nagtago doon.
Mayat maya dumating na si Raiah at Genesis.
Talagang napakasaya nilang tignan. Kung hindi lang sana Elerian si Genesis ay siguradong magugustuhan ko siya para kay Raiah.
"Raiah? " rinig kong tinawag ni Genesis ang pangalan ni Raiah.
"Ano iyon mahal ko? "
Lumapit ng konti si Genesis kay Raiah at hinaplos ang kanyang mukha. Pumikit ito at bumuntong hininga.
"Raiah, Gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari Mahal na mahao kita. Ikaw lang tanging mahalaga sa akin sa mundong ito" saad ni Genesis.
Nakita ko namang napangiti si Raiah
"Gusto ko ring malaman mo Genesis na ipaglalaban kita hanggang sa aking huling hininga, mawala man ang lahat sa akin wag lang ikaw" saad ni Raiah.
Ngumiti naman ako habang nakikita silang naghahalikan. Sino naman bang mag aakala na iibig si Raiah ng ganito? Ang masihayin at napaka kulit na Raiah ay iibig sa kalaban.
Kung narito lamang si Calix siguradong magagalit siya kay Raiah. Pero kung nandito naman si Claudius magiging masaya siya para kay Raiah at sasabihing hayaan nalang namin sila hanggat sa walang taong masasaktan sa kanilang pagiibigan.
Tinignan ko naman sila. Dahan dahan hinubad ni Raiah ang kanyang damit at pareho din si Genesis, dahan dahan niyang hinubad ang kanyang damit habang naghahalikan.
Dahan dahang hiniga ni Raiah ang katawan ni Genesis, kitang kita ko ang nakahubad na katawan ng dalawa.
Na alala ko tuloy ang nakahubad na katawan ni Katrina.
Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.
"Tang*ina mo Raiah, tirik na tirik yung araw pero kung ano anong katarantaduhan ang ginagawa mo" pabulong kong sabi.
Siya nga pala hindi ko pa pala nabibisita si Inang at si Katrina. Kamusta na kaya sila?
Bumuntong hinga naman ako at tinignan ang nasasarapan na si Raiah at Genesis.
mahibaging Eroa, kailangan may gawin ako. Paano na kung mabuntis si Genesis? Lalaki ang gulo.
Patawad Raiah pero kailangan kong pigilan ang malaswang ginagawa niyo.
Agad kong sinuri ang aking paligid. Paano ko kaya pipigilan ang dalawang to?
"Bzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"
Agad akong lumingon sa aking gilid, at doon nakita ko ang bahay ng mga bubuyog.
Ngumiti ako at kinuha ang aking espada. Agad kong pinutol ang pagkaka dikit ng bahay ng mga bubuyog sa sanga ng kahoy.
At eksaktong tumama ito sa likoran ni Raiah.
Agad naman akong tumawa ng mahina.
Agad tumayo si Raiah at humihiyaw sa sakit.
At naiwang nakahigang nakahubad si Genesis.
Kumunot naman ang noo ko.
"Mas malaki parin ang dibdib ni Katrina kesa sayo"
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...