Tila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari...
September 21, 1991
ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya...
Tila sa araw na iyon dinala ako...
Sumunod ako sa kanya hanggang sa pinaka dulo ng kagubatan.
At doon binuksan niya ang isang portal patungong Eleria gamit ang maitim na mahika.
At doon, pumasok kami.
Patawad Aba, alam kong mali itong aking ginagawa. Sanay maintindihan mo.
Saad ko sa aking isipan.
Nilibot ko ang aking paningin. Walang ka buhay buhay dito sa Eleria. Napaka layo nito kumpara sa Lemuria.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Sumunod ka sa akin kamahalan" saad niya.
Agad naman akong sumunod.
Sa aking pagpasok dito sa kaharian.. Agad nagtaka ang mga tao. Nakarinig ako ng mga bulong bulongan.
Pero hindi ko ito inintindi. Ang pakay ko ay si Genesis. Kailangan ko siyang makita...
Agad kaming pumasok sa isang silid na ang tanging nakikita ko lang ay isang anino ng lalaki.
Agad kaming iniwan ni Amihiro. Kami nalang dalawa ang natira dito sa silid.
Tinignan ko siya. Kahit madilim ay naaninag ko parin ang kanyang mukha. Matangos ang kanyang ilong. Maputi siya, magkamukha nga talaga sila ni Genesis.
Alam kong kalaban sila Ni vitri Lucian dati. At hanggang ngayon hindi parin sila nagkaka ayos...
Agad kong tinipon ang lahat ng lakas ko.
"Bakit mo ako ipinatawag? " tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman siyang ngumiti.
"Kumalma ka lang Raiah" saad niya.
Hindi ko siya sinagot sa halip ay tinigtan ko nalang siya.
"Alam ko ang ugnayan ninyo Ni Genesis" saad niya.
Agad naman akong nabigla..
Pero pinag usapan na namin ni Genesis to, ano mang oras ay malalaman din ng lahat ang ugnayan namin. Ito na siguro ang oras na ito.