Tila hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko noong naglapat ang aming kamay...
Para bang nabuhay ulit ang patay kong kaluluwa. Bakit ganito? Sino ba siya?
Ito ba yung tinatawag nilang spark? Pero bakit sa kanya pa? Hindi ko naman siya kilala, ni hindi ko nga alam kung anong klase siyang ta--
"ayos ka lang ba Katrina? Tila namumutla ka yata" saad ni Lucian.
Tila bumalik ako sa tamang pag iisip nang marinig ko ang boses ni Lucian.
"ah oo, ayos lang ako." saad ko. Pero may bumubuo na katanungan sa isipan ko at kailangan itong masagot ni Lucian.
"ah Lucian?" sabi ko habang tinitignan ang kanyang mga mata.
Sumeryoso naman ang kanyang ekspresyon at tinignan din ako sa mata.
"ano iyon Katrina?"saad niya.
Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob ko.
"diba sabi mo, ito ang pinakadelikadong lugar sa Lemuria. Tanong ko lang, anong ginagawa mo dito kung napaka delikado naman pala dito?" tanong ko.
Umiba naman ang kanyang ekspresyon. Ang kanyang mga mata at kamay ay hindi mapakali. Tila hindi niya alam kung anong isasagot niya.
At tila nakaramdam ako ng kaba, paano kung masamang tao si Lucian? At hindi totoo yung bait baitan niya kanina? May masama ba siyang balak sa akin? Papatayin niya ba ako dahil hindi ako taga rito?
"M-may hinahanap lang ako, pero naligaw ako at napunta rito" saad niya.
Nanliit ang aking mga mata noong sinabi niya iyon. Tila ba ay nagsisinungaling si Lucian. Hindi rin ako mapakali, nag dadalwang isip ako kung anong gagawin ko, Dapat ba akong tumakbo at layuan si Lucian? O manatili nalang dito at humingi ng tulong sa kanya.
"bakit parang hindi ka mapakali Katrina? May masama ba sa sinabi ko?" tanong ni Lucian.
"ah wala." sabi ko at tinignan siya..
Tila naging normal ulit ang kanyang ekspresyon."hindi ba sinabi mo na hindi ka taga rito, at ang ibig din sabihin non ay wala kang bahay na tinutuluyan dito diba?"saad niya..
Tumango naman ako, tila hindi ko alam kung anong pumapasok sa isipan ni Lucian. Tila kinakabahan ako sa mga sinabi niya..
"Pwes pwede kitang tulungan, pero sa isang kondisyon" saad niya
At doon tuluyan akong nangamba sa susunod niyang sasabihin...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
LUCIAN
Napaka misteryoso ng babaeng to. At bakit sa dinamidami siya yung dinapuan ng paro paro ni Eroa? Tila ba may propesiya ba siyang gagampanan dito sa Lemuria? Dahil ang pag dapo ng paro paro ni Eroa sa isang tao ay sumisimbolo na may importanteng propisiya siyang gagampanan.
Siya na ngaba ang sinasabi ni tandang Demetrius? Kung siya man, kailangan ko siyang protektahan.
Sinundan ko siya..... Tila hindi niya alam kung saan siya tutungo.
Tila makalipas ang ilang oras ay napagod ito at napahinga sa ilalim ng puno. At sumisigaw pa dahil gutom na ito.
Napatawa naman ako sa inaasal niya. Para siyang bata.... Batang kailangan protektahan sa kasamaan.
At doon ibinato ko sa kanya ang dala kong mansanas..
Nagtaka naman ito, lumingon siya sa kanyang paligid pero wala itong nakita at ibinaling at atensyon sa mansanas, tila nagdadalwang isip ito kung kakainin niya ba ito...
"ligtas kaya tong kainin?" narinig ko siyang tinatanong ang kanyang sarili.
Kinuha ko yung isa kong dalang mansanas at kinain. At matapos kong kainin ay ibinato ko ulit sa kanya...
Tila nairita ito sa pangbabato ko sa kanya. napangiti naman ako.
At narinig ko itong nagpapasalamat.
At doon nakita ko siyang kinakain ang mansanas...Tinignan ko lang siya hanggang maubos niya ito. At doon ibinato ko sa kanya ang sisidlan ng aking tubig.
Ininom niya ito at tumayo. Hinahanap niya kung sino ang nabigay nito sa kanya...
Wala akong balak magpakita sa kanya pero.. Tila may nalanghap akong isang amoy na ipinababawal dito sa Lemuria, ang amoy ng mga bandido. At ramdam kong papalapit na sila.
Tinignan ko ang babae... Kailangan ko siyang ilayo dito, bago siya matagpuan ng mga bandido.
Agad agad akong lumabas sa aking pinagtataguan. At tila noong tumalikod siya ay nabangga siya sa aking dibdib, at humarap siya sa akin.
At doon nasilayan ko ang kanyang mukha. May maputi na balat, matangos na ilong, mala roses na labi at kay ganda na mga mata...
Pero noong tinignan ko ang kanyang mga mata, nakaramdam ako ng matinding lunkot sa kanya. Tila ba may nakita ako sa nakaraan niya...
Pero sa di inaasahan tinignan niya ang aking mga mata..
Tinanong ko siya, tila nauutal ito sa pag sagot. Pero ang nakakabahala ay ang lugar na kanyang sinasabi. Tila hindi ko alam ang mga lugar na ito. At ngayon ko lang ito narinig sa buong buhay ko.
Ngunit sa di inaasahan, nagpakilala siya sa akin... Kay ganda ng kanyang pangalan. Tila hindi ko mapigilan ang pagpapakilala sa sarili ko. At doon hinalikan ko ang kanyang kamay. Tila hindi ko alam ang aking nararamdaman, ngayon palang ito nangyari sa akin... Tila kakaiba ito.
Tinignan ko siya, at katulad din sa akin, naguguluhan din siya. Tila bay hindi namin alam ang aming nadarama, ngunit alam ko may kahulugan ito.
Pero tinanong niya ako. Tila hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ako mapakali. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kanya na sinusundan ko siya.
At doon nag sinungaling ako, hindi ko ugaling mag sinungaling. Pero ngayon, kinakailangan...
Tila hindi siya konbensibo sa aking sagot nakikita ko iyon sa kanyang ekspresyon...
Ngunit naamoy ko nang malapit na ang mga bandido sa lugar na aming kinatatayuan... Kailangan ko siyang makumbinse na sumama sa akin.
"hindi ba sabi mo hindi ka taga rito? At ang ibig din sabihin non ay wala lang bahay na tinutuluyan dito diba?"
Tumango naman ito at parang naguguluhan sa iniaasta ko.
Ni ako rin ay naguguluhan sa pinagagawa ko ngunit kailangan kong gawin ito upang maligtas siya.
"Pwes pwede kitang tulungan, pero sa isang kondisyon" saad ko
Nagulat din siya sa sinabi ko "Anong kondisyon" nag aalalang tanong niya.
"Hindi ka pwedeng magpapakilala o ni magpakita sa kahit sinong tao dito sa Lemuria, yan ang kondisyon ko" saad ko...
Tinignan ko siya,tila nag iisip pa ito..
Bilisan mo nang mag isip Katrina, papalapit na sila..
Nakita kong unti unti siyang tumango at doon hindi na ako nag dalawang isip at kinuha ang kanyang kamay at tumakbo papalayo sa mga paparating na bandido.......
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...