LUCIAN
"Lucian? "Agad akong lumingon at tinignan kung sino ang tumawag sa akin.
Agad akong tumayo at kinuha ang kanyang kamay at hinalikan ito.
"Inang" saad ko
Ngumiti naman siya at hinaplos ang kanyang kamay sa aking mukha
"Mabuti naman at napadalaw ka" saad niya.
Yumuko ako
"Pasensya na Inang, medyo naging matumal ang trabaho ko kaya hindi ako nakadalaw dito" saad ko."Ayos lang iyon anak, ang importante nandito ka na" saad niya.
"Magandang umaga sayo Katrina" saad ni Inang.
"Magandang umaga din sayo Inang. Halika kumain ka na ng almusal" saad ni Katrina.
Ngumiti naman si Inang at agad umupo para kumain.
Hinayaan ko lang silang dalawa na mag usap.
Naglakad naman ako patungo kay Odeius.
Mahimbing itong natutulog.
Ano kaya ang kahihinatnan mo Odeius? Akoy nag aalala sayo..
Kung mag isa lang akong lalaban para sayo, impossibleng mananalo si Rui.."Uwaaaaaaaaaaaaa" agad naman akong na alerto nang umiyak si Odeius.
Agad ko siyang kinuha mula sa kanyang kuna at kinarga.
"Sa akin muna siya Lucian" saad ni Katrina.
Tumango naman ako at ibinigay sa kanya si Odeius.
"Shhh tahan na Ode" saad ni Katrina.
Tinignan ko lamang si Katrina habang pinapatahan si Odeius.Mukhang napalapit na kay Katrina si Odeius.
"Papaliguan ko muna si Odeius, maiwan ko muna kayo" saad niya at tumuloy sa banyo.
"Alam kong malapit sa puso mo ang mga bata Lucian, pero sa kondisyon ni Odeius nagsasabi ang iyong mga mata na mas may halaga si Odeius sayo" saad ni Inang.
Agad naman akonh nabigla at nilapitan siya.
"Anong ibig mong sabihin Inang? " tanong ko.
"Alam nating dalawa kung sino ang kadugo ni Odeius" saad niya.
"P-Paano mo na laman? " nauutal kong tanong.
Pa simple naman siyang ngumiti.
"Malalaman mo kung ang isang taoy dugong bughaw kung siyay may isang espeyal na marka noong siyay isinilang. At alam nating lahat na kayo lamang ang dugong bughaw dito sa Lemuria" saad niya.
Napalunok naman ako.
Dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo?
Bumuntong hininga ako.
"Hindi ko siya anak, magkaiba ang aming mga marka. "saad ko
Madali lang sa amin na malaman kung anak ba talaga namin ang isang bata. Namamana kasi ng bata ang aming mga marka.
"Nakakasigurado akong hindi ko anak si Odeius, ngunit kadugo ko siya. " saad ko
"Ngunit sino ang kanyang mga magulang? " tanong ni Inang.
Iniba ko ang direksyon ng aking tingin.
"Si---"
"Ayan Ode ha, presko ka na. Nakuu ang bango bango mo" agad akong naputol nang biglang lumabas si Katrina mula sa banyo.
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...