LUCIAN
Hindi ko talaga inasahan na sasabihin iyon ni Katrina. Siguro nga ay dumaan lang ako sa pagsubok. At siguro ito na ang paraan na makakabuti sa akin at sa lahat...
Tinignan ko si Katrina, bakit sa lahat ng kalungkutan na kanyang dinanas ay nakuha niya paring ngumiti? Ang kalungkutan din bang iyon ay pagsubok ni Katrina? Natagumpayan na ba niya ang kanyang pagsubok?
"ang lalim yata ng iniisip mo Lucian, pwede mo namang sabihin ito sa akin. Pangako, makikinig ako" saad niya..
Itatanong ko ba? Parang nagdadalawang isip ako. Siguro dapat ko siyang tanungin...
"diba sinabi mo matinding kalungkutan ang naramdaman mo noon? Napag isip isip ko din na ito ang iyong pagsubok. Pero tanong ko lang, napagtagumpayan mo na ba ito?"tanong ko sa kanya.
Tinignan naman niya ako tska ngumiti....
Parang may kakaiba akong naramdaman nang ngumiti siya. Para bang tumigil ang aking mundo... Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. At tila ang naririnig ko lamang ay ang pagtibok ng aking puso...
May ipinapahiwatig sa akin si Katrina ngunit hindi ko ito maitindihan hindi ko ito marinig. Tanging ang tibok lang ng aking puso ang aking naririnig. Ano ba tong nangyayari sa akin?
Unti unti kong sinara ang aking mga mata at huminga ng malalim...
Kumalma ka puso ko, hindi ko alam ang ipinapahiwatig mo. Naguguluhan na ako. Itigil mo na ito.
Saad ko sa sarili ko. At doon unti unti kong narinig ang boses ni Katrina.
Binuksan ko ang aking mga mata. Nakita ko si Katrina na naguguluhan din tulad ko."ayos ka lang ba Lucian? May masama ba sa mga sinabi ko?" tanong niya..
Tulala parin ako, wala akong maisagot. Ano ba yung nangyari sa akin. Tila hindi ko ito maintindihan.
Oh Eroa wag mo na sana akong parusahan ng ganito. Tila mamamatay na ako sa lito. Hindi ko na kayang makita siyang ngumiti muli.
Dalangin ko kay Eroa. At tinignan ko naman si Katrina.
Wag ka na sanang ngumiti muli Katrina, tila ikakamatay ko ang bawat ngiti mo...
..................................................................
KATRINAHindi ko talaga maintindihan tong Lucian. kani kanina lang ay ang bait bait niya sa akin. Tapos noong tinanong naman niya ako, bigla nalang siyang tumahimik at hindi mapalagay. At bigla bigla nalang niya akong hinala para maglakad ulit.
Sinubukan ko naman siyang tanungin kung anong nangyayari sa kanya. Pero bigo akong makakuha ng sagot sa kanya. At bawat minuto na lumilipas ay lalo niya akong sinusungitan.
Mga ilang minuto ang lumipas, bigla nalang huminto si Lucian sa paglalakad at doon nakita ko ang isang maliit na bahay na malapit sa isang tubigan..
Nakakakilabot ang bahay na ito. Parang iba ang nararamdaman ko dito...
Tinignan ko naman si lucian. Parang hindi naman ito natatakot..
"Lucian? Kaninong bahay ito?" tanong ko sa kanya.
Pero ganon parin, wala parin akong nakuhang sagot sa kanya...
Ano bang nangyayari sa iyo Lucian?
Pero narinig kong may lumabas sa pinto doon sa mumunting bahay. Agad akong lumingon at doon nakita ko ang isang babae. May napaganda itong mata, may matangos na ilong. Masasabi mong napaganda nito noong kabataan nito..
Nakita ko siyang ngumiti at tumingin sa amin...
"Lucian..." saad nito
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...