Chapter 11

5 2 0
                                    

Third Person's Pov

"Panginoon ko,  nakita na po namin si Juno,  wala itong malay noong aming nakita. Sa ngayon po ay ginagamot na po namin siya.. "

Kumunot ang noo nito..

"Nasaan ang asawa at ang anak ko? " galit na tanong nito..

Yumuko naman ang Sundalo at bumuntong hininga..

"Ikinalulungkot kong ibalita sa iyo panginoon na....patay na si Alira.  Pinaslang siya ng mga tao noong nalaman nila ang totoong pagkakatao ng iyong anak" mahinahong saad ng sundalo.

Tahimik lang ito.  Tila walang sakit itong nararamdaman.

"At ang anak ko?  Nasaan siya? " tanong niya.

"tanging si Juno lang po ang nakaka alam kung nasaan ang inyong anak,  siya po ang huling ipinagbilinan ni Alira kay Odeius" saad ng sundalo.

"Dalhin mo sa'kin si Juno" utos nito

"pero kamahalan nag papahinga pa si Juno" saad ng Sundalo.

"WALA AKONG PAKIALAM!  DALHIN MO SIYA SAKIN NGAYON DIN!! "galit na sigaw nito.

Yumuko ang sundalo at umalis sa silid.

"Kung nasan ka man ngayon Alira,  gabayan mo sana kami ng anak mo. Di ko na alam ang gagawin ko ngayong wala ka na... " nanlulumong saad nito.

Mayat maya ay dumating na ang sundalo kasama ang lalakeng nagngangalang Juno...

"Panginoon nandito na po si Juno"saad ng sundalo.

"Iwan mo muna kami ni Juno" saad nito

"Masusumod kamahalan" saad ng sundalo at lumabas sa silid.

Tinignan nito si Juno na nanghihina at sugatan..

"Anong nangyari Juno? Bakit namatay si Alira?!" galit na tanong nito.

"ugh... B-Buntis pa lamang si Alira ma-marami na talaga ang naghihinala.  Usap usapan sa lugar na iyon kung sino ang ama ng dinadala ni Alira..  Ugh" mahinang saad nito at dahan dahan umayos sa pag upo.

"Limang bwang buntis noon si Alira noong inutasan mo akong bantayan siya at ang magiging anak niyo.  Naging usap usapan sa lugar na iyon na ako ang ama ng dinadala ni Alira.  Hindi ko ito inintindi, mas nakakabuti na rin iyon upang mawala na ang mga balita tungkol sa pagbubuntis ni Alira"

Agad naman itong tumingin mata sa mata..

"Pero.... "

Agad huminto siyang huminto sa pagsasalita at yumuko.

"Pero ano Juno?! " galit na tanong nito.

"Pero noong dalawang linggo ang nakalipas simula noong isinilang si Odeius,  may nakakita sa inyo ni Alira sa kagubatan... Narinig niya ang lahat ng pinag usapan ninyo ni Alira.  At doon nalaman niyang anak mo si Odeius" nanlulumong saad nito.

"isang linggo matapos ang pangyayaring iyon, usap usapan na sa mga tao ang tunay na pagkatao ni Alira at Odeius. At isang gabi bigla nalang kaming ni lusob ng mga tao doon. Gusto nilang patayin si Odeius,  dahil sumpa ito. Pero hindi ito hinayaan ni Alira,  isinakripisyo niya ang buhay niya para makatakas kami ni Odeius..."

"Paalis na kami ng kagubatan noong natamaan ako ng naliliyab na palaso.  Agad akong napatumba. Wala na akong ibang maisip pa kamahalan, papalapit na ang mga tao noong. Kailangan may gawin ako noon, Kayat inanod ko sa tubig si Odeius.  Yun lang ang tanging paraan upang mabuhay si Odeius kamahalan.  Patawarin mo sana ako kung nabigo akong protektahan ang mag ina niyo"

Bumuntong hininga ito..

"maari ka nang umalis Juno."

Agad naman itong umalis at lumabas sa silid.

Mayat maya ay napaluhod ito at walang tigil ang pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata..

"Patawad Alira.  Nang dahil sa akin namatay ka. At nang dahil sa akin nawawala ang anak natin.  Patawad...."nanlulumong saad nito.

"Ipinapangako ko sa'yo hahanapin ko si Odeius.  Kahit isakripisyo ko pa ang sarili ko, makuha ko lang ulit ang anak natin... "

A BROKEN FANTASY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon