CHAPTER 19

3 1 0
                                    

KATRINA

Ilang araw ang nakalipas,  wala paring nagbago. Gaya parin ito ng dati. Pero hindi naman ako nagrereklamo.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko kay Odeius.  Napalagay narin ang loob ko sa kanya. Itinuri ko nalang siya na parang sarili kong anak.

Tinignan ko naman si Ode,  tahimik itong natutulog. Napangiti naman ako.

Pero may halong pag alala parin ako,  mapanganib ang buhay ni Ode.  Paano ko siya maproprotektahan? Isa lang akong hamak na tao.  Wala akong kapangyarihan.

"Wag kang mag alala Ode,  gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lang maging ligtas ka" pabulong kong saad.

Naglinis muna ako ng bahay habang natutulog si Ode.

Hinayaan ko na ring magpahinga si Inang. Madalas na kasi siyang mapagod dala ng katandaan. 

Kaya habang nandito ako,  aalagaan ko muna sila. 

=========================

Matapos ang ilang oras,  natapos na akong maglinis.

Nagtimpla muna ako ng gatas para kay Ode, baka sakaling magising siya mamaya. 

Pagkatapos kong magtimpla ng gatas, gumawa naman ako ng tsaa para kay Inang. Para narin di siya masyadong mapuyat. 

"Uwaaaaa" narining kong umiyak si Ode.   Agad ko namang kinuha ang gatas niya at nilapitan siya.

"Awww tahan na Ode,  dala na ni nanay ang gatas mo" saad ko sa kanya at kinarga siya.

Agad ko siyang pinainom at tumahan ito. 

Napangiti naman ako..

"Sige anak,  uminom ka lang ng uminom" pabulong kong saad sa kanya at hinalikan siya sa Noo.

"Katrina? " rinig kong tawag ni Inang.

Agad naman akong lumingon sa kanya at ngumiti.

"Inang, mabuti naman at gising ka na.  Siya nga pala inang may hinandang tsaa ako sayo.  Halika inumin mo to para gumaan ang pakiramdam mo" saad ko at ibinigay sa kanya ang tsaa.

"Hay nako Katrina nag abala ka pa.  Pero salamat" nakangiti niyang saad

"Wala iyon Inang,  medyo nag alala lang ako sa inyo.  Madalas ka na kasing mapagod.  " saad ko.

Ngumiti naman siya

"Huwag kang mag alala anak,  ayos lang ako.  Dala lang ito sa katandaan ko" saad niya at uminom ng tsaa.

Nakita ko namang tapos nang uminom si Ode sa gatas niya.  Agad ko itong kinuha.

Nakita ko naman siyang ngumiti.
Kinurot ko yung ilong niya at napangiti din.

Ganito siguro ang pakiramdam ng isang Ina na makitang ngumiti ang kanyang anak.

............................................................

A BROKEN FANTASY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon