CHAPTER 14

5 2 0
                                    

LUCIAN

"Sino kayo?"

Tinignan ko si Aba, bahid sa mukha nito ang pagka inis. Agad kong inilagay ang kamay ko sa kanyang braso.

"Ako na ang bahala dito aba" saad ko
Tumango naman ito at tinignan si Genesis.

Kumuha ako ng isang silya at umupo sa tapat ni Genesis.

"Hindi na importante kung sino kami Genesis, ang higit na importante dito ay kung bakit ka narito sa Kaharian ng Lemuria gayun na Elerian ka." saad ko.

Ramdam ko ang paglakas ng pagtibok ng puso ni Genesis. Alam kong kinakabahan siya.

Hindi siya sumagot at yumuko lang...

"Tinatanong kita Genesis, alam mo naman na higit na ipinagbabawal ang mga Elerian dito sa Lemuria at gaya din sa Eleria bawal din doon ang mga Lemurian. Kaya uulitin ko Genesis, Anong ginagawa mo dito sa Kaharian ng Lemuria? " tanong ko.

"nag eespiya ka ba? " tanong ni Aba.

Umiling siya, at doon nakita kong may mga mumunting luha na tumakas sa kanyang mga mata.

"Hindi ako nag eespiya sa inyo, malinis ang aking hangarin sa pagpunta dito sa kaharian ng Lemuria. Alam kong ipinagbabawal ito, kaya patawad" saad niya.

"ano nga ba ang iyong hangarin sa pagpunta mo dito sa Lemuria, Genesis? " tanong ko.

"Gusto kong maranasan kung paano maging Lemurian, kung paano mamuhay bilang isang Lemurian. At sa pagpunta ko dito, napamahal na sa akin ang mga tao dito" saad niya

Napamahal na sa iyo si Raiah. Kaya napamahal na rin sa iyo ang Lemuria.

Saad ko sa aking isipan.

"masyadong hindi kapanapaniwala ang iyong sinasaad Genesis. napaka impossible nito." saad ni Aba.

Hindi sumagot si Genesis, yumuko lamang ito.

"Patawad Genesis,  hindi namin nais na ikay ikulong dito,  pero kinakailangan.  Ang batas ay batas. " saad ko.

Tumango lamang siya..

Napabuntong hininga naman ako.

"Sabihin mo sakin Genesis, ano ba talaga ang sadya mo dito sa aming Kaharian? " tanong ni Aba.

Tinignan niya si Aba, mata sa mata..

Ramdam ko ang pagka inis ni Genesis.

"Sinabi ko na sayo ang totoong Hangarin ko.  Hindi ko na kailangan pang iulit pa sa'yo" matapang saad niya.

Tumango si Aba at tinignan si Genesis.

"Kung gayon,  mananatili ka dito" saad ni Aba.

Agad naman nag iba ang ekspresyon ni Genesis. Bahid sa kanyang mukha ang galit.

"ano ba!  Pakawalan nyo na ako! Kailangan ko nang bumalik sa Eleria!" sigaw niya.

"Hindi kita pakakawalan hanggat sa hindi mo sasabihin sa amin ang totoo mong hangarin!" galit sa saad ni Aba.

Agad namang umalis si Aba at iniwan kami ni Genesis dito sa silid.

"Ikaw? Bat ka pa naririto? " tanong ni Genesis.

"upang bantayan ka.  Hindi ako titigil hanggat di mo sinasabi ang totoo"saad ko.

Napatawa naman siya.

"Ang tigas ng ulo niyo.  Wala talaga kayong makukuha dahil sinabi ko na ang totoo, ngunit ayaw niyo paring maniwala" saad niya.

Tinignan ko lang siya.

Ayaw niya talagang ilaglag si Raiah. Mahal mo nga talaga siya.

"sige kung iyan ang iyong sinabi" saad ko at umalis sa silid.

"PAKAWALAN NIYO KO DITO!  SABI KONG PAKAWALAN MOKO DIT--"

Agad kong sinarado ang pinto at kinandado.

Agad akong naglakad papuntang silid ko.

Habang naglalakad ako sa pasilyo bigla kong na alala si Katrina.  Agad naman akong napangiti.

"Kamusta na kaya siya? " pabulong kong saad.

Dapat ko palang puntahan si Tandang Demetrius. Siya lang makakapagsagot sa mga katanungan...

"Vitri? "

Agad akong lumingon at nakita ko si Raiah.

Kinalma ko ang sarili ko.

Hindi ka pwedeng magpahalata Lucian, kalmahin mo ang sarili mo.

Ngumiti ako sa kanya..

"Ano iyon Raiah? " tanong ko.

"San ka galing? "tanong niya.

Napalunok ako...
Mukhang seryoso si Raiah..

"San ka galing Vitri? "

...............................................................

THIRD PERSONS POV..

"NASAAN NA SI GENESIS?! " galit na saad nito...

"Panginoon,  hinanap na po namin siya sa buong kaharian,  ngunit bigo kaming makita ang prinsesa" sabi ng isang alalay.

Agad naman itong sinuntok ng panginoon.

Bahid sa mukha nito ang pagkagalit dahil sa pagkawala ng kanyang kaisa isang kapatid.

"huwag mong hintayin na ako mismo ang makakahanap sa kapatid ko.  Gawin mong maayos ang trabaho mo!" galit na saad nito.

"O-opo panginoon" saad nito at nagmadaling umalis.

"AMIHIRO!! " Galit na tawag ng pangimoon sa kanyang alalay.

"Panginoon?  Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo? " tanong niyo.

"Pumunta ka sa Lemuria, hanapin mo yang lalakeng nagngangalang Raiah. Sabihin mo iniimbitahan ko siyang pumunta dito sa Kaharian" saad nito.

"Pero panginoon bawa--"

"Wag ka nang umangal Amihiro! Papuntahin mo siya dito! At kung nanglaban alam mo na ang gagawin!"galit na saad nito..

"Masusunod po Panginoon" saad nito at umalis..

"Humanda ka sakin Raiah" saad ng panginoon..

A BROKEN FANTASY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon