"nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko.
Paano ako nakarating dito?Tumayo ako at pinagpag yung mga insectong kumakagat sa balat ko.
Tinignan ko ng maigi ang paligid.Sa pagkaka alam ko, nakatira ako syudad ng maynila. Pero bakit ako nakarating sa kagubatan? Sinong nagdala sa akin dito? Impossible namang sila mama...
Dahan dahan akong naglakad papalayo sa kagubatan. Sinuri ko rin ang kapaligiran kung may pagkain ba.. Tila tumutunog na ang aking tiyan dahil wala itong laman simula kagabi.
Tuloy tuloy parin ako sa paglakad hanggang makarating ako sa isang kapatagan. Tila nabigla ako nang may dumapo na paro paro sa aking balat. Tila nakaramdam ako ng lamig nang dumapo ito. Gayun paman nabighani ako sa kagandahan nito.
Napangiti ako dito. Hahawakan ko na sana ito ngunit lumipad ito palayo sakin "teka! Huwang kang umalis!" sabi ko habang hinahabol yung paro paro.
Bakit kung saan masaya na ako ay iiwan ako? Tila kalungkutan lang ba ang nararapat sa akin?
Tumigil ako sa paghabol sa paro paro. Nakaramdam din ako ng gutom, pero anong gagawin ko? Wala akong makitang pagkain..
Umupo ako sa ilalim ng puno. At doon nagpahinga ako. "jusko ano bang nangyayari sakin ngayon?" saad ko. Bumuntong hininga nalang ako.
Makalipas ang ilang oras, lagi nalang tumutunog ang tiyan ko dahil sa gutom. "AHHHHHHHHHH bwisit na buhay to! Hindi ko naman to pinangarap! Bakit dinala pa ako sa pesteng lugar na to! AHHHHHH gutom nak-- ARAY!" Hiyaw ko
Tila may matigas na bagay na bumato sa likuran ng ulo ko. Lumingon ako sa likod ko. Pero wala namang tao. Lumingon ako sa paligid wala pa ring tao.
Tinignan ko yung matigas na bagay...
Huh? Paano to nakarating dito?
"mansanas? At san ka naman galing?"tanong ko sa sarili ko. Tinanaw ko naman ang puno, wala naman itong bunga.Tinignan ko naman ang mansanas..
"ligtas kaya tong kainin?" tanong ko sa sarili ko. pero.... May bumato nanaman sakin.."hoy!nananadya ka na ha!" sigaw ko tinignan ko naman ang ibinato sakin.
Huh? Mansanas nanaman? Pero.. Tila kinain na ito..Tinignan ko ang paligid, wala naman tao. Tila nakakapagbagabag ang lugar nato.
"kung sino ka man, salamat sa mansanas. At salamat din dahil wala tong lason" saad ko at kinagat ang mansanas...
Matapos kong kainin ang mansanas. Tila may ibinato nanaman ang misteryosong tao na nagbibigay sa akin ng pagkain.
Tinignan ko kung ano ang ibinato niya. Tila sisidlan ito ng tubig. Kinuha ko ito at niyuyog kung may laman ba. At salamat sa dios, may laman ito.
Dali dali ko itong ininom. Matapos ko itong inumin. Tumayo ako at tinignan ko ang paligid, wala namang tao o ni anino.
"psstt! Pwede bang magpakita kana, nakakasakit natong batobatuhan mo ha, hindi ko type to. Magpakita kana"saad ko. Para akong baliw sa ginagawa kong to.
Dahan dahan akong naglakad, lumingon lingon ako sa paligid pero wala paring tao.
Nagdesisyon akong bumalik nalang sa ilalim ng puno. Ngunit paglingon ko tila nabangga ako sa isang matigas na bagay.
"ay puta" saad ko..
Tinignan ko ang matigas na bagay na nabangga ko. Tila kay tangkad nito..
Hindi ko ito maaninag ng mabuti dahil sa sikat ng araw..Pero unting unting luminaw ang aking paningin, tila nabigla akong nang malaman ko kung ano ang nabangga ko.
Tila hindi ito isang bagay ngunit isa itong tao....
Kay puti at kinis ng kanyang balat, napakatangos ng kanyang ilong, ang pula ng kanyang labi, at tila kay haba ng kanyang buhok..
Ngunit noong tinignan ko ang kanyang mga mata. Parang hinihila ang kaluluwa ko nito. Kay ganda ng kanyang mata. Hindi ko maipaliwanag kung anong kulay ng kanyang mata.
Tila kay bilis ng tibok ng aking puso. Tila hindi ako makahinga, ang hirap ipaliwanag kung anong nararamdaman ko..
"ah-ah hehe s-sin-no k-ka?" nauutal kong tanong. Umayos ka babae ka, parang hindi nasisiyahan ang taong nasa harap ko.
Pero kitang kita ko rin na may bahid ng kalungkutan ang kanyang mga mata sa likod ng matatalim na tingin nito. Bumuntong hininga ito.
"ako yung hinahanap mo mahal na binibini" saad niya. Tila nawala ako sa sarili nang marinig ko siyang bumigkas ng mahal...
Kay ganda itong pakinggan...
"ayos ka lang ba mahal na binibini?"tanong niya..
Tila Bumalik ako sa tamang pag iisip nang marinig ko ang kanyang boses.
"a-ah oo ayos lang ako, salamat nga pala sa tulong mo" saad ko
"walang anuman. Pero, maari bang magtanong" saad niya
Tila kinabahan ako sa sinabi niya. Baka anong tanungin niya.
"ah o-oo pwede" saad ko.
"taga saan ka ba? Anong ginagawa mo dito sa pinakadelikadong lugar ng lemuria?" tanong niya..
"huh? Lemuria? Teka, saan bang parte ang lemuria sa pilipinas o di kayay sa luzon?" tanong ko. Tila ngayon ko lang narinig ang lugar na yan.
"anong pilipinas at luzon ang pinagsasabi mo mahal na binibini? Tila wala akong alam na lugar na nagngangalang luzon o pilipinas dito sa kaharian ng Lemuria o ni sa kaharian ng Virgo. " mahabang paliwanag niya
"ha? Anong hindi mo alam? Pinagloloko mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba, magsasayang ako ng oras upang biruin ka lamang?" sarkastikong saad niya.
Nakaktakot pala tong lalakeng to. Tila ba hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya, kani kanina lang ang bait bait niya sa akin at ngayon naman tila nagagalit siya sa akin..
"pasensya na, tila nabigla lang ako dahil pagkagising ko ay narito na ako sa lugar na hindi ko naman alam" saad ko.
Kumunot naman ang kanyang noo.
Tila may binubulong siya sa sarili niya.."may problema ba? Teka ako ngapala si Katrina, ikaw anong pangalan mo?"saad ko at inilahad ko ang kamay ko.
"ako naman si Lucian" saad niya at hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.
Tila may may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nung naglapat ang aming mga kamay.
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...