LUCIAN
"Kagaya nang pakikipagkita niya sa kapatid ng ating kalaban"
Natahimik naman ako...
Tama ba yung narinig ko? Pero impossible namang magagawang trumaydor ni Raiah, kilala ko siya, ako ang nagpalaki sa kanya...Bakit ganito? Bakit parang may parte ng puso ko ang kinukurot? Bakit ako nasasaktan?
"Alam mo kung ano ang nadarama mo Lucian. Ganyan din ang nadarama ko noong una kong nalaman. At alam ko rin na sa tingin mo ay impossibleng magagawa iyon ni Raiah, pero ako na mismo ang nakakita sa kanya at marami nang beses na ginawa niya iyon Lucian" nanghihinayang na saad ni Aba
Umupo ako at parang lumilitaw yung utak ko sa dami ng iniisip ko.
"Saan ba tayo nagkulang kay Raiah Aba? Saan ba ako nag kulang sa kanya?" mahinahon kong tanong..
Bakit ka nagkakaganito Raiah?
"Iyan din ang tanong ko sa sarili ko Lucian na hindi ko masagot. Binigay ko naman sa kanya ang lahat lahat, ang pagmamahal, suporta, kayamanan, mapagmahal na pamilya at hindi din ako nagkulang sa kanya ng mga aral. Pero may mga tao talagang hindi tumatanaw ng utang na loob" saad ni Aba
Tumango naman ako
" anong nais mong ipagawa mo sakin kay Raiah, Aba?" tanong koHindi ko magawang magalit kay Raiah, mahal ko ang kapatid ko, hindi ko kayang paslangin siya dahil sa pagtratraydor niya...
"manmanan mo muna siya Lucian, Alamin mo ang mga kilos niya at sundan mo siya sa mga lakad niya. Sagipin mo siya sa kasamaan Lucian. At kung maari wag mo siyang saktan" saad ni Aba..
Tumayo naman ako at tumango..
"Masusunod ang iyong nais Aba, at ipinapangako ko na hindi masasaktan ang aking kapatid" saad ko at lumabas na sa silid..
===========================
KATRINAMga ilang araw na rin ang nakalipas simula noong iniwan ako ni Lucian kay Inang.
Masaya naman ako dito. Minsan pa nga ay tinuturan ako ni Inang na magluto sa mga pagkain nila..
Nalaman ko rin na si Inang pala ang nag aalaga kay Lucian noong bata pa lamang siya. Pero umalis naman siya noong tumuntong na si Lucian sa tamang edad...
Hindi nakapag asawa si Inang kayat mag isa lang siya dito sa bahay niya. Nakakalungkot ngang pakignan pero ginusto naman niya ito...
"KATRINA!!" narinig kong sumigaw si Inang
Agad ko namang nabitawan ang hinuhugasan kong pinggan at tumakbo agad sa labas kung saan naroroon si Inang..
"anong nangyayari Inang?" tanong ko kay Inang pero nakatalikod lang siya.
Nagsimula na akong mag alala sa kanya..
"May masama bang nangyari Inang?" tanong ko..
Unting unti siyang lumingon sa akin..
Lumaki naman ang mga mata ko sa nakita ko...
"I-Inang sa-saan mo napulot i-iyan?" nauutal kong tanong...
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasyTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...