Matapos ang pangyayaring iyon hindi na ako muling lumabas sa aking silid ang tuluyan nalang natulog...
Nagising ako ngunit parang nasa isang madilim na silid ako..
"Juno?! Itakas mo na kami ngayon bilis!" lumingon ako kung saan nagmula ang nagsasalita..
At doon nakita ko ang isang babae na dala dala ang isang buslo na may laman na isang sanggol na nakabalot sa itim na tela. Mukhang may tinatakasan ang babae dahil kay bilis nitong lumakad..
Sinundan ko naman siya at doon nakita ko ang isang lalaki na may hawak na tanglaw at inaantay ang babae...
"Tigilan ang babaeng iyan!!! Sumpa sa ating mga buhay ang dala dala niyang sanggol!!patayin sila!!!" sigaw ng isang lalaki na humahabol sa mag ina....
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung tatakbo ba ako o hindi..
Nakita kong papalapit ang lalaki sa akin.....Ngunit, bakit nilampasan niya lang ang katawan ko na barang hangin lamang?
Sa aking pagkalito sinundan ko sila hanggang makarating kami sa isang madilim na kagubatan...
Nakita ko ang babae at ang lalaking nagngangalang Juno na walang kupas na tumatakbo..
Rinig ko naman ang pag iyak ng sanggol na dala dala...
"wag ngayon anak, hinahabol pa tayo" saad ng babae at wala paring kupas na tumakbo...
Sinundan ko parin sila hanggang sa may palaso na tumama sa likoran ng babae, bumagsak ito kasama ng sanggol..
Agad siyang pinatayo ng lalaki at inalalayan, ngunit ipinigilan siya ng babae.
"wag mo na akong alalayan pa juno" mahinang saad ng babae..
"anong pinagsasabi mo Alira? Kailangan na nating tumakas bago pa nila tayo maabutan!" saad ng lalaki..
Ngumiti siya ng mapait at may mumunting luha na tumakas sa kanyang mata " Ipangako mo sa akin na ibibigay mo ang anak ko sa kanyang ama" saad ng babae
"nahihibang ka na ba Alira?! Hindi ka pwedeng mamatay! Kailangan ka ng anak mo!" saad ng lalaki
"mapait man itong sabihin ngunit kailangan ko itong gawin para sa kinabukasan ng anak ko. Alam ko naman aalagaan siya ng mabuti ng kanyang ama" saad ng babae...
Hinalikan ng babae ang kanyang anak
"Alam kong may dahilan si Eroa na ibinigay ka sa amin ng ama mo anak, magpakatatag ka lamang. Wag kang mawalan ng pag asa... Mahal na mahal kita" saad ng babae habang umiiyak at ibinigay ang kanyang anak sa lalaki.."umalis na kayo Juno. Lilinlangin ko sila. Tumakbo ka na!" saad ng babae at tumakbo sa mga taong papalapit..
Tinignan ko naman ang lalaki, huminga ng malalim.." paalam Alira" saad nito at tumakbo kasama ang sanggol..
Tinignan ko naman ulit ang babae. Matapang niyang nilabanan ang mga taong humuhuli sa kanila gamit ang kanyang espada...
"Isa kang traydor Alira! Nilabag mo ang propisiya ni Eroa! Karapat dapat kang mamatay kasama ang kasumpa sumpa mong anak!" saad ng isang lalaki..
Napakunot naman ang noo ko. Bakit ba kailangan nilang patayin ang babae? Sabagay wala akong alam sa pamamalakad ng mga tao rito..
"alam kong nilabag ko ang propisiya, ngunit walang kinalaman dito ang anak ko! Ako ang harapin niyo, wag kayong duwag!" matapang na saad ng babae..
BINABASA MO ANG
A BROKEN FANTASY
FantasíaTila para paring isang panaginip ang lahat ng nangyari... September 21, 1991 ang araw na hinding hindi ko makakalimutan. ang araw na tila kay hirap na napakalito ng buhay ko. ang araw na kung saan nakilala ko siya... Tila sa araw na iyon dinala ako...