"Pwede bang sa pinakamalapit na mall mo ako ibaba, Andrew?" Tanong ko nang magsimula na siyang paandarin ang kanyang kotse.
Nagtataka niya akong nilingon.
"Why?" Tanong niya at ibinalik sa daan ang paningin.
"Wala na kasing laman ang ref mo. Magro-grocery sana ako para may mailuto sa hapunan." Sagot ko.
"Let's dine outside after nating mag-grocery." Aniya habang nasa harapan pa rin ang paningin.
Napakunot naman ang noo ko sa narinig.
"Natin? You mean sasama ka sa akin sa supermarket?" Tanong ko.
Nilingon niya ako sandali at muling binalik ang tingin sa harap.
"Why not? You need someone stronger than you to carry those grocery bags and beside, I did fetch you at your workplace to invite you to dine out. Alam ko na mas gusto mo sa bahay pero hayaan mo ako na ilibre ka naman minsan sa labas." Sagot niya.
"Okay." Maikli kong sagot at tama nga naman siya, mahirap magbitbit ng mga grocey bags lalo pa't wala akong dalang sasakyan.
In one month living together, this is the first time that we'll be eating outside together. Minsan nagkakasabay din kami sa bahay sa pagkain ngunit paminsan-minsan lang talaga nangyayari dahil nitong nakaraang isang buwan ay parehas kaming abala sa trabaho.
Kung ako ay nakakauwi na ng gabi ay mas gabi siya kung umuwi sa condo. Minsan kakatapos ko ng mag-shower ay do'n pa siya dadating. Kumakain din siya sa labas tuwing ginagabi siya kaya hindi talaga kami madalas nagkakasabay sa paghahapunan. But breakfast is different, I always make sure to get up early to cook us breakfast.
Ang alam ko rin ay may inaasikaso siyang bagong shipment ng mga textiles kaya lagi siyang ginagabi sa trabaho. Hindi naman kailangan na sa bawat oras ay tutok siya rito pero masyado siyang hands-on sa mga transactions ng business niya. Lalo pa ngayon na may bago na namang bubuksang office sa Rizal para sa expansion ng kanyang sariling kompanya.
Sa isang supermarket na malapit lang kung saan ang condo niya namin napagkasunduan na mag-grocery.
Pagpasok pa lang namin sa loob ay agad siyang dumiretso sa pagkuha ng stroller. Siya na rin ang nagtulak nito habang sinasabayan ako sa paglakad.
"Sa may wet area muna tayo." Ani ko nang lingunin ko siya.
"Okay." Sagot niya at agad na kaming nagtungo sa kaliwang dulong bahagi ng supermarket kung nasaan naka-display ang iba't-ibang meat products.
"Anong mas gusto mo, chicken, beef or pork?" Tanong ko kay Andrew habang nagtitingin-tingin ng karne.
Nang hindi siya sumagot ay niligon ko siya sa aking likod at nakitang nakatitig lang siya sa akin.
"What?" Nagtataka niyang tanong.
Kaya naman pala hindi sumasagot dahil hindi rin nakikinig.
"Sabi ko, anong klase ba ng karne ang gusto mo?" Ulit kong tanong.
"Anything, but I prefer chicken wings." Sagot nito.
Anything daw pero may specific namang gusto. Mga lalaki talaga, ang gulo ng utak.
"Okay, bibili na lang ako tig-iisang kilo ng pork at beef at tatlong kilo ng chicken wings. Siguro tama na 'yon for two weeks since hindi ka naman masyadong nagdi-dinner sa condo." Saad ko at simpleng tumango naman siya bilang sagot.
Pagkatapos magpa-kilo ng karne ay nagtungo naman ako sa mga processed goods.
"Anong gusto mo kainin pag-breakfast? Ako lang kasi namili no'ng nagdaang linggo kaya bacon at hotdog lang binili ko kasi 'di ko naman alam ang mga gusto mo." Ani ko.
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
General FictionWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
