Chapter 18: Every Woman's Man

5.8K 156 10
                                    

Pagkapasok ko ay inilibot ko agad ang paningin sa kabuohan ng silid. Namangha ako sa ayos at kasimplehan ng opisina ni Andrew. Itim at puti ang nagdu-dominang kulay dito mula interior hanggang sa mga gamit.

Sa isang tingin ay malalaman mo na na lalaki ang gumagamit ng silid.

My plan to behave and to stay still until he arrive was instantly forgotten when my eyes met the big glass window behind his table.

Mangha ko itong tinungo at binuksan ang nakababang malaking blinds. Naging mas maliwanag ang silid na dati namang maliwanag dahil sa naka-on nitong ilaw.

Kita ang labas at malalapit na building mula rito.

"You like glass windows?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang nakatayo na si Andrew sa hamba ng pintuan.

I immediately closed the blinds and walked away from the window.

"I'm sorry, medyo nakialam ako." Ani ko.

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa aking kinatatayuan at hindi ko na ikinagulat ang bigla niyang pangyayakap.

Since the day we both agreed to consummate the marriage, he became touchy and clingy as day goes by. Kung sweet siya no'ng nakaraang linggo asahan mong du-doble ito sa susunod na linggo.

Minsan nga nakakalimutan kong isang kasunduan lang ang kasal namin. Kung titignan kasi kami ay para talaga kaming mag-asawa na tunay.

"I'm sorry if I made you wait." Aniya matapos akong yakapin at bigyan ng mabilis na halik sa labi.

"Okay lang, hindi naman ako nainip." Ani ko.

"Nga pala, nandito na 'yong naiwan mong mga folder sa condo." Saad ko matapos kumalas sa kanya at tinungo ang dalang bag na ipinatong ko sa silya na nasa harap ng kanyang mesa.

"Pasensiya na kung pinahatid ko pa talaga sa'yo 'to dito. I hope I didn't bother you that much." He said as he took the folder I handed to him.

"It's my pleasure to help you, mister. So una na ako, baka ako na itong nakaka-istorbo sa'yo." Ani ko at isinukbit na sa balikat ang dalang bag.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang mag-angat ng paningin sa akin mula sa pagtutok sa dala kong dokumeto.

"Uuwi na, malamang."

"No, don't go home not until we're done eating lunch. I supposed you didn't had meal yet, am I right?" Sabi niya at inilatag sa mesa ang dala kong folders at kinuha ang susi ng kotse sa drawer ng kanyang mesa.

"Let's go?" Tanong niya na nakapulupot na ang isang kamay sa aking bewang.

"Ano pa nga ba? Ipipilit mo rin naman kahit tumanggi ako." I said as I rolled my eyes upward.

"Well, I'm guilty." Kibit-balikat niyang turan at inakay na ako palabas.

Paglabas namin sa opisina niya ay wala na ang kanyang sekretarya.

"It's 12:10 already so I'm pretty sure he's having his lunch now." Marahil ay nakita ni Andrew na napalingon ako sa mesa nito at parang mind reader niyang sinagot ang tanong ng aking isip.

"Bakit nga pala Andrew lang ang tawag ng sekretarya mong 'yon?" Tanong ko.

"Because I let him call me that way, Jerold is my third degree cousin in my mother's side. Hindi naman niya talaga gustong magtrabaho sa akin pero pinilit ko lang dahil alam kong magaling siya at makakapagtiwalaan. He came from a good and honest family and plus the fact that he is a he. I prefer male secretaries because I hate women ogling in front of me while it's time for work." Mahaba niyang sagot.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon