Chapter 24: Better Be Late

6.1K 130 4
                                        

It's been five days since I finally admitted my feelings towards Andrew to myself.

Lahat ng reaksyon ng katawan ko, lahat ng mga sari-saring emosyon na nararamdaman ko, lahat ng 'yon ay alam ko na kung bakit ko nararanasan.

Matapos malaman ni Andrew na nakuha na niyang ang kanyang mamanahin sa kanyang abuela ay hindi ko naman naramdaman na nagbago ang kanyang pakikitungo sa akin. He never mentioned about getting our arrangement to an end.

Hindi pa naman tapos ang pitong buwan at meron pa kaming natitirang apat na buwan kaya siguro ay hindi niya pa binabanggit ang tungkol dito sa akin.

But whatever may have happened in the near future, I'm already decided.

Gagawin ko ang lahat para mahalin rin ako ni Andrew. I'll make him fall for me, too. Wala mang kasiguraduan kung magtatagumpay ako ay mas mainam na 'yon kaysa sabihing wala lang akong ginawa.

Alam ko na mas masasaktan ako kung sakaling humantong din kami sa paghihiwalayan na sinubukan ko naman gawin ang lahat para mahalin niya ako. Pero siguro ay iisipin ko na lang ang bagay na 'yon pag dumating na.

I still have my plan of getting pregnant. Whether he loves me back or not, at least I have a baby that will constantly reminds me of him.

Tama nga sila, tanga ang mga taong umiibig. Isa ako sa mga tangang 'yon. Pero masarap ang magmahal, masarap pala talaga kaya marami ang nagpapakatanga dito.

I can't deny the fact that everytime Andrew does sweet things to me my heart swells by too much happiness.

Akala ko dahil lang attracted ako sa kanya kaya natutuwa ako sa ginagawa niya, 'yon pala mahal ko na ang tao na hindi man lang namamalayan.

Balik sa normal ang routine namin ng magbalik sa Manila galing Cebu. Normal gaya no'ng mga panahon na hindi pa nangyari ang pag-uusap na naganap sa loob ng comfort room.

He comes home early and we eat dinner together then if we’re both on the mood, that happens oftentimes, we make our night a lot hotter than usual.

"How's work?" He asked as we cuddled under a blanket after our steamy session.

Sinundo niya ako kanina galing sa trabaho at sa labas na kumain ng hapunan. At pagkauwi na pagkauwi ay sabay kaming nag-shower na nauwi rin naman sa kama pagkatapos.

"Okay naman." Sagot ko habang hinahaplos ang dibdib niyang may konting pawis.

Kalimitan ay hindi namin masyadong napag-uusapan ang trabaho. Para kasi sa akin kung 'yon ang itatanong ko tuwing magkikita kami ay pabalik-balik na lang ang aming magiging topic at boring na. Siguro ay parehas kami ng iniisip tungkol do'n kaya malimit lang din siyang magtanong.

"Does your schedule for next week is tight?" He asked as he played with my hair using his fingers that he likes to do a lot whenever we cuddled after sex.

"Hmm? Hindi naman. It would be two weeks from now that I will be busy. You know, passing monthly reports." Sagot ko.

"That's great! So you can file for a week leave?" Saad niya na tila tuwang-tuwa sa nalaman.

Inangat ko ang ulo mula sa pagkakahiga sa kanyang balikat at tinaasan siya ng kilay.

"That's not possible, mister. One week leave talaga tapos next week agad, I'm sure hindi ako maa-approve." I said as a matter of fact.

Nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa labi niya at napasimangot sa aking sinabi.

"Andrew, you own a company and you should have known that. I could file a week leave if I filed it a month ahead." Paliwanag ko.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon