Chapter 16: Sweet Gestures

6.2K 154 9
                                        

Nang matapos makapag-usap at magkasundo ay agad na kaming kumilos nang mabilisan para sa pagpasok sa trabaho. Ayaw pa sana niya akong papasukin dahil baka raw pagod at masakit ang katawan ko pero hindi naman pwede kasi hindi ako nakapag-file ng leave ahead of time at nakakahiya naman na kabago-bago ko pa ay absent na agad.

I volunteered to wash the dishes since he was the one who cooked the meal. Habang naghuhugas ng pinagkainan siya naman ay pumasok na ng kwarto at naligo.

Hindi naman ako natagalan dahil dalawa lang naman kaming kumain kaya konti lang ang nagamit na kubyertos. Pagkatapos maghugas ay pumasok na ako ng kwarto para maghanda ng gamit sa pagpasok sa trabaho.

I was in the middle of blow-drying my hair when the shower room door opened.

Kahit hindi ko siya nilingon ay kitang-kita ko pa rin ang itsura niya dahil sa repleksyon niya sa salamin. I gulped a big lump of saliva when my eyes travelled over his almost naked being. He was only wearing a small white bath towel while small drops of water were dripping on his body.

Agad ko rin binawi ang paningin ko nang makitang nilingon niya ang aking direksyon.

Muntik na ako do'n!

Pilit ko isinawalang bahala ang presensiya niya sa aking likod at iniwasan din mapatutok sa repleksyon niya sa salamin.

Matapos magpatuyo ng buhok ay tinungo ko ang closet kung saan naka-hang ang inihanda kong damit.

"Shit!" Bulalas ko nang makitang nagsusuot ng brief si Andrew pagharap ko.

Ang sexy ng puwet niya, Diyosko!

"Bakit dito ka nagbibihis? Alam mo naman na nandito pa ako!" Nakasigaw kong saad habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay.

I heard him laugh sexily. Nabigla na lang ako ng may naghawi ng palad kong nakatakip sa aking mata at nasa harapan ko na siya.

Hindi ko nahanda na sarili ng walang sabi-sabi niyang inangkin ang labi ko para sa isang halik. At ako naman itong malandi ay tumugon agad.

Isang mabagal at mababaw lang na halik ang aming pinagsaluhan na hindi naman nagtagal kaya't kapwa pa normal ang paghinga namin ng maghiwalay ang aming labi. Pero kakapagtaka na sobrang bilis ng tibok ng puso ko matapos 'yon.

"Get used to it, babe. Sobra pa nga ang nagawa natin kung ikukumpara sa nakita mo na hubad ako. It's okay for me if you watch me dressing up. It would be my pleasure." Saad niya na may naglalarong pilyong ngiti sa labi.

"Manyak!" Naiiling at nakangiti kong saad pero sa totoo lang ay naiilang na talaga ako.

"Manyak sa'yo." Mahina niyang bulong pero narinig ko pa rin pero di ko na lang pinahalata.

"Sige na, magbibihis na ako." Saad ko at binitawan niya na ang aking dalawang balikat na hawak.

"I'll wait for you. Hahatid na kita sa opisina mo."

Dapat tumutol ako, 'yon naman kasi ang dapat. Hindi naman ako coding kaya okay lang na mag-drive ako gamit ang sariling kotse patungong trabaho. But his offer was too inviting, and I was lured.

"Okay." Nakangiti kong sagot kahit hindi naman patanong ang pagkasabi niya.

Para na akong baliw dahil kanina pa hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Naiintindihan ko na kung bakit sa ibang pagkakataon ay mismong mga babae na ang lumalapit kay Andrew. He's really is charismatic and damn bewitching.

Naging tahimik ang buong byahe at sa panaka-nakang pagsulyap ko sa kanya ay kita kong nakakunot ang kanyang noo at tila malalim ang iniisip. Gusto kong magtanong pero mas pinili na lang na hindi.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon