Nagpupuyos sa galit ang damdamin ko nang lumabas ng girl's comfort room. I don't understand myself why I did react that way. Ang alam ko lang ay karapatan ko ang magalit. I'm the wife and meeting my husband's past flings feels so infuriating as hell.
Hindi ko rin inakala na kaya kong magsalita ng gano'n kabastos dahil lang sa galit.
Nang papalapit na ako sa inuukupa naming mesa ni Andrew ay nakita ko siyang nakatingin sa aking pinanggalingan. Para bang kanina pa siya nakamasid sa eksaktong lalakaran ko pabalik at hinihintay ako.
He smiled when I got nearer but I didn't answer back. Wala akong ganang ngumiti.
Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo sa aking inasal pero isiniwalang bahala ko lang ang pagtataka niya at kahit na magtanong siya ay hindi ko rin naman siya sasagutin.
"Are you okay?" And I was right, he really did ask me when I was finally sitting beside him.
I looked at his direction, stared back at him. Gustung-gusto kong kalmutin ang mukha niya sa galit at inis pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin ang bagay na 'yon.
Hindi niya kasalanan kung bakit ko nararadama ang kakatuwang bagay na 'to. Hindi niya kasalanan kung bakit ako inis sa mga dati niyang babae. Hindi niya kasalanan dahil hindi pa ako parte ng buhay niya ng mangyari ang mga 'yon.
At lalong wala siyang kasalanan sa akin dahil hanggang papel at kama lang ang relasyon namin. Hindi nalalayo ang papel ko sa buhay niya sa babaeng 'yon at sa iba pa. Yes, we're married but that's it, no more, no less.
"Hey? Okay ka lang ba?" He asked again and his eyes were full of concern.
"I'm not. I want to go home." Sagot ko at nag-iwas ng tingin.
"Give me a minute, magpapaalam lang ako kay Mr. Dee at uuwi na tayo." Turan niya na agad kong pinigilan.
"No, stay here. I can manage myself. Magta-taxi na lang ako." Saad ko na nagpalalim ng gitla sa kanyang noo.
"We'll go home together, Chloe. Stay here and I'll be back in a minute. Don't ever leave alone, okay?" Pinal nitong saad gamit ang maawtoridad na boses pero ramdam mo pa rin ang lumanay.
"Fine." Sagot ko at wala ako sa mood makipagtalo.
Feeling mad and anxious drained all of my remaining energy for the day.
"Good." Saad niya na may munting ngiti sa labi at binigyan ng isang mabilis na halik ang aking noo.
Matapos niyang makapagpaalam sa mga taong dapat niyang pagpaalaman na hindi ko kilala kung sinu-sino ay agad na niya akong inakay patungong labas ng hotel kung saan nakahanda na ang sasakyan niya na ipinag-drive ng valet patungo roon.
I was silent the whole ride and kept my gaze at the window to block any possible conversation he may create.
As we arrived at his condo, I immediately took a shower without looking at his direction. As much as possible, I want to avoid him. I'm afraid that if I face him while the scene at the hotel's comfort room is fresh from my head, I'll burst out.
Hindi naman maganda na bigla-bigla na lang akong sasabog sa galit at pag tinanong niya kung bakit gano'n ang reaksyon ko ay wala akong masagot. Wala akong masasagot dahil kahit mismo sa sarili ko hindi ko rin alam.
Iyon ang unang makaramdam ako ng gano'n. Hindi rin naman kasi umabot sa punto na nagalit ako dahil may babae ang nag-iisang ex ko dahil napakaikling panahon lang na naging kami.
But I don't love Andrew, kaya bakit ko 'to nararamdaman? Bakit feeling ko nasasaktan ako dahil sa nalaman?
Am I starting to like him? Or maybe because I'm physically and intimately attracted to him?
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
Fiction généraleWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
