"Babe, pakitignan sinong nagtext." Sigaw ni Andrew mula sa banyo niya.
It's been two days since we came back to Manila. Nang magkaayos kami ng araw na 'yon sa loob ng aking apartment ay nanatili muna kami ng tatlong araw sa Davao ng dahil sa kagustuhan niya.
Ang tatlong araw na 'yon sa syudad ay nagmistulang honeymoon naming dalawa. We did many first times in that three days. We watched movie in the cinema together, a first time. We went to a park together, a first time. We went to shopping together, a first time. At lahat ng bagay na ginawa na namin ngunit first time naming ginawa bilang mag-asawang nagmamahalan.
Pero kahit limang araw na ang nagdaan ay hindi ko pa rin nasabi sa kanya ang tungkol sa aking pagdadalang-tao. I want to surprise him on our six monthsary which is only nine days from now. Doon ko sasabihin sa kanya ang magandang balita.
Araw ng linggo kaya naman ay magkasama kami ngayon sa condo. Nauna akong maligo habang siya ay nagpresinta na magluto. At ngayon nga ay siya naman ang naliligo at hinihintay ko na lang na matapos siya para umpisahan na namin ang planong pagmo-movie marathon buong araw.
Inabot ko ang cellphone niya na tanging ako at siya lamang ang nakakaalam ng passcode. Gano'n siya katiwala sa akin na pati ang mga private messages ay nababasa ko. I'm happy about it. I want our relation to be as healthy as it can be. No secrets. No lying.
May secret pa ako pero balak ko rin namang sabihin bilang sorpresa.
"Babe, si mama mo ang nag-text." Sigaw ko para marinig ni Andrew.
"Anong sabi?" Sigaw niya pabalik.
Agad ko ring binalik ang atensyon sa cellphone at binuksan ang bagong mensahe para basahin.
"Pinapapunta tayo ng mama mo sa bahay mamayang gabi. May mahalaga raw na idi-discuss over dinner." Pagbibigay-alam ko sa kanya.
Hindi na ako nakarinig ng pagsigaw niyang tugon kaya ibinalik ko ang cellphone niya sa side table at humigang muli sa kama, balik sa ginagawa sa sariling cellphone.
Ngunit hindi pa man lumilipas ang isang minuto ay nagbukas na ang pinto ng banyo at inuluwa mula roon si Andrew na tanging puting tapis lang ang nakasabit sa bewang para hindi tuluyang matawag na hubad.
Small drops of water gliding down on his body. I gulped because of the sight.
Hanggang ngayon ay hindi na ako masanay-sanay sa katawan niya. Mas lalo yatang lumala ang nararamdaman ko nang umabot ang napakabango niyang amoy sa pwesto ko kahit nasa malayo pa siya.
"Andrew!" Matinis kong sigaw nang walang anu-ano'y bigla niya akong dinaganan sa kama.
Nakatukod naman ang dalawa niyang braso sa gilid ko kaya hindi ako nabigatan sa kanyang ginawa.
Natawa lang siya sa reaksyon ko at siniil ako ng malalim na halik pero 'di gaano nagtagal.
"I love you." He whispered and planted a quick kiss on my forehead.
"I love you, too." Sagot ko at binigyan rin siya ng mabilis na halik ngunit sa may labi naman.
Mula nang magka-aminan kami ng nararamdaman ay walang araw na hindi niya sinasabi kung gaano niya ako kamahal. Konti lang kung sasabihin kong limang beses sa isang araw niya 'tong sinasabi.
He got up from bed and walked towards his cabinet. He took an off white v-neck shirt and a black short.
Matapos kumuha ng damit ay humarap siya sa akin at nagtanong. "Pupunta ba tayo?"
"Syempre, alangan naman na hindi natin paunlakan ang mga magulang mo. Baka mahalaga talaga 'yon kasi kahit ako ay pinapasama talaga sabi sa text." Saad ko habang pinagmamasdan siyang nagpapatuyo ng basang buhok gamit ang isa pang tuwalya.
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
Ficción GeneralWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...
