RESTRICTED
Napagkasunduan namin lahat na gumawa ng bonfire malapit sa dalampasigan at do'n mag-inuman. May maliliit din naman na bangko na binigay ang staff ng resort kaya ligtas sa buhangin ang aming mga puwet.
Tamang inom at kwentuhan lang kami lahat at gaya ng dati ay si Ruppert at Mark pa rin ang may maraming baong kwento. Dalawang case lang ng beer ang binili namin dahil kapwa kami hindi pwedeng magpakalasing at babyahe pa kami pauwi ng Manila kinabukasan.
"Una na kami, guys. Roxanne is really tired. We need to rest." Unang nagpaalam sa amin ang bagong kasal nang mag-aalas onse na ng gabi.
Dahil puyat na puyat na si Roxanne ay nakatulog ito sa balikat ng asawa kaya naman ay kinailangan pa siyang buhatin ni Kevin.
We continued the drinking after our newlywed friends went back to their hotel room.
Dahil hindi na ako sanay sa pag-inom ay madali na naman akong natamaan sa ininom namin kahit beer lang ito. Nakaka-apat na bote pa lang ako ay parang dinuduyan na ako sa aking kinauupuan.
"Are you okay?" Tanong ni Andrew ng marahil ay napansin niya ang hindi ko na pag-imik.
"Nahihilo na ako. Hindi na kasi ako sanay uminom." Pagsasabi ko ng totoo.
"Gusto mo pumasok na tayo sa kwarto natin?" Tanong niya at agad naman akong tumango dahil ang sama na talaga ng pakiramdam ko. Nahihilo at naiinitan na ako.
I felt Andrew grabbed the bottle that I was holding and he held my waist.
"Guys, una na kami. Chloe is already drunk and she wants to sleep." Rinig kong paalam ni Andrew.
"Okay, mamaya-maya ay matutulog na rin kami at dalawang bote na lang naman ang natitira." Sagot ni Mark.
Habang nakahawak sa bewang ko ay inakay niya ako para tumayo. Because I was not totally wasted, I was able to stand straight but because of sudden movement I was out-balanced a little. Mabuti na lang at maagap si Andrew at naalalayan niya ako agad.
"Do you want me to carry you?" Nag-aalala nitong tanong.
Iwinasiwas ko naman ang kamay ko. "Kaya kong maglakad, medyo nahilo lang ako sa biglaang pagtayo pero kaya ko." Sagot ko.
Hindi na siya nagpumilit ngunit habang naglalakad kami papasok sa hotel ay naka-alalay naman siya sa aking bewang at sinisigurado na hindi ako matutumba.
Nang makarating sa loob ng kwarto ay agad akong napahiga sa sofa malapit sa pinto. Nakita ko naman na nagtungo sa banyo si Andrew. I was so drunk to the point that I felt my body was on fire, that's why without further thinking I stripped all of my clothes down only leaving my undergarments.
Kahit nahihilo ay sinikap ko na makarating ng kwarto.
"Shit!" Narinig kong sigaw ni Andrew kaya naman napalingon ako sa banyo kung saan kakalabas niya lang.
I saw him half naked and the only fabric covering his lower part was a white bath towel. Nagtaka naman ako at tila kay bilis niyang matapos sa pag-shower samantalang kung sa condo niya ay inaabot siya ng oras.
"Why are you naked?" Tanong niya na tila galit o inis.
Kahit lasing ay napataas naman ang kilay ko at hindi na siya sinagot. I didn't see the need to answer his question because he's more naked than I was.
Kahit pasuray-suray ay naglakad ako papalapit sa banyo. The shower looked so inviting that I want to get wet already. Gusto kong mabawasan ang init sa katawan ko.
"W-where are you going, Chloe? Huwag ka ngang lumapit." Pigil niya na para bang takot na takot.
Hindi ko na lang pinansin ang ka-abnormalan niya at baka dala rin ng kanyang kalasingan ang mga pinagsasabi niya.
BINABASA MO ANG
Trapped In (COMPLETED)
Ficción GeneralWARNING: R18/SPG Chloe married her friend for personal reason. At katulad ni Chloe ay may sarili ring dahilan si Andrew kung bakit ito nakipagsundo. Pero paano kung ang kasalang nagumpisa lang sa isang kasunduan ay nahulog sa pag-iibigan? Could she...