Chapter 2: Reunion

7.5K 158 4
                                    

Nang tumawag si Andi ay ipinarada ko muna ang kotse ko, mabuti na lang at may nakita akong parking lot sa malapit kaya nakiparada muna ako sandali.

[Hoy! Nasaan ka na? Malapit nang mag-umpisa.] Ang bungad na sabi ni Andi nang sagutin ko ang tawag.

Ngayong araw kasi ang binyag ni baby Aisha at medyo natagalan ako sa pagligo kaya ito at dinadakdakan na naman ako ng mama niya.

"Papunta na ako. Malapit na nga ako kaso tumawag ka naman kaya kailangan ko tuloy huminto sa pagmamaneho at pumarada muna. Masyado ka namang atat, may 15 minutes pa naman bago mag-2pm." Sagot ko.

[Aba'y naninigurado lang, andami mo ng atraso sa akin. Mabuti nang makasiguro na sisipot ka na this time.] Aniya.

"You really miss me that much, huh?" Natatawa kong saad.

[Bakit ba? Hindi mo ba ako na-miss, kami ng barkada?] Tanong niya.

Simula talaga ng maging isang ganap na may bahay ang kaibigan ko ay mas naging sentimental siya. She's more affectionate now than before. Siguro ito 'yong epekto sa kanya ng pagkakaroon ng anak. Well, it doesn't really surprise me, ikaw ba naman ang mapaligiran ng love eh talagang mas ma-appreciate mo talaga ang mga bagay-bagay.

"Syempre na-miss, matampuhin talaga." Natatawa kong sagot sa tanong niya. "Buti at nakatawag ka pa, hindi ka ba aligaga dyan eh binyag ng anak mo?" Tanong ko dahil nga nagtataka ako at nagawa niya pa talagang tawagan ako.

[Si Kaizer kasi ang may karga kay Keylan tapos si Aisha naman ay ayon at pinagkakaguluhan ni Selene at Roxanne.] Sagot niya.

"That explains why. Sige na at ibababa ko na ang tawag at mas nali-late na ako. See you later, bye."

[Bilisan mo, babye.]

Pagkatapos tumawag ay mabilis ko nang pinasibad ang sasakyan. Hindi naman ako masyadong natagalan sa pagdating since nang tumawag si Andi ay malapit na talaga ako sa simbahan no'n. And luckily enough, the traffic was not heavy.

Nang matapos makapag-park ay agaran din akong pumasok ng simbahan. Una kong nakita si Liam na kasama ang asawang si Laureen. They're married for two years already. Laureen looked so contended and very much pregnant. At kung tama ang pagkakatanda ko ay nasa pang pitong buwan na ang nasa sinapupunan niya.

"Long time no see, Chloe." Bati sa akin ni Liam nang makita niya ako.

Lumapit naman ako sa kanya para humalik sa pisngi at pagkatapos ay kay Laureen din.

"Oo nga, last time was in your wedding day. And congratulations to the both of you, sa wakas ay magkaka-anak na rin kayo sa tagal niyong hinintay ito." Nakangiti kong bati.

"Salamat, Chloe. Basta ninang ka rin nitong baby namin." Mahinhin na saad ni Laureen habang himas-himas pa ang malaking umbok sa tiyan.

"Of course, lahat yata ng anak ng barkada dapat ninang at ninong kami. Lalaki ba o babae 'yan?" Tanong ko.

"Lalaki raw 'to, but we're not sure since we haven't asked the doctor about the gender of our baby. We want it to be a surprise." Liam answered.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang makita ako ni Andi at agad na lumapit sa kinatatayuan namin.

"Chloe!" Puno ng excitement niyang tawag sa akin.

And as bestfriend who haven't saw each other for the past two years, we hugged as tight as ever. Gigil na gigil pa ito sa pagyakap sa akin at may kasamang batok pa pagkatapos.

"Babae ka, namiss kita sobra."

"Na-miss rin kita kahit ba halos araw-araw din naman tayong nagkaka-usap sa telepono." Biro ko.

Trapped In (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon